Chapter 22

19.4K 614 132
                                    

Lorenzo

Excited na ako para sa birthday ni Alex bukas, kung hindi pa pinaalala sa'kin ni Michelle ay hindi ko malalaman na birthday pala ng babaeng mahal ko. Mabuti nalang naitanong niya kung anong plano namin ng hindi naririnig ng Baby ko. My Secretary saved my ass. Gusto kong batukan ang sarili ko, I forgot my girlfriend's birthday.

I asked her yesterday kung anong gusto niyang gawin dahil birthday niya pero pagkatapos niyang malaman na aalis ako the day after ay ayaw nitong lumabas, she just want to spend time with me at sino ako para tumanggi.

" Lorenzo! " hindi maganda ang aura ni Mommy. " Ano itong naririnig ko na balak mo raw pakasalan yong girlfriend mo? Baka nakakalimutan mo, si Hailey lang ang pwede mong pakasalan at siya lang ang tatangapin ko sa pamilyang ito." bakit ba pinipilit niya sakin ang babaeng yon?

" Alam n'yong kayo lang ang may idea na pakakasalan ko ang babaeng yon Mom, si Alex ang girlfriend ko at kung magpapakasal man ako, sa kanya lang dahil siya ang babaeng mahal ko." kahit anong gawin nila, hindi nila ako mapipilit na magpakasal sa iba.

" Nalason na talaga ng babaeng yon ang utak mo, Lorenzo! She only wants your money at pasasaan ba't lalabas din ang tunay na kulay ng babaeng yon!" saka niya ako tinalukuran.

Minasahe ko ang batok ko, Mom is giving me a hard time this past few days. Lantaran niyang sinasabi na ayaw niya kay Alex at palagi niyang sinasabi na pera lang ang habol sakin ng Baby ko. Then, she suddenly announced na maeengaged ako kay Hailey.

Hindi ko na maintindihan si Mommy. Kumuha ako ng alak at baso saka lumabas sa may swimming pool. Why can't she be happy for me?

" I'm sorry Enzo, anak." It was my Dad. " Hayaan mo't kakausapin ko ulit ang Mommy mo."

" Bakit ganon si Mommy, Dad? Bakit hindi niya maintindihan na mahal ko si Alex, nagmamahalan kami." muli akong nagsalin ng alak sa basong hawak ko.

" Hindi ko rin alam, anak. Dapat ay naiintindihan ka niya dahil minahal ko din siya sa kabila ng agwat namin sa buhay." naekwento na sakin ni Dad kung paano sila nagkakilala ni Mommy.

Naging judge si Dad sa isang Beauty contest kung saan kasali si Mom. Sa tulong ni Dad ay nakasali ito sa National pageant kung saan siya nanalo at kalaunan ay niligawan siya ni Daddy. Bago paman sila ikasal ay nabuo ako. Nagpakasal sila pagkapanganak sa'kin. Dakilang playboy daw ang Daddy ko pero nagbago siya ng makilala si Mommy.

Hindi namin nakilala ang pamilya ni Mommy, ang sabi daw ni Dad umuwi ang mga ito ng probinsiya at wala na silang balita. Hindi nalalayo ang kwento namin ni Alex sa kanila kaya hindi ko maintindihan kong bakit ayaw niya sa girlfriend ko.

" Mahal ko si Alex, Dad.." mabuti nalang mabait ang Daddy ko, maging siya ay tutol sa engagement namin ni Hailey.

" Alam ko anak. Huwag ka ng masyadong magalala, ako na ang bahala sa Mommy mo. Gusto ng Lolo at Lola mo si Alex, lalo na ang Mama. Kahit ako ay magaan ang loob sa nobya mo. " kahit papaano ay napayapa ang loob ko sa naging paguusap namin ni Dad.

Alexa Isabelle

Today is my 23rd birthday, I mean namin ni Ian, pero hindi naman halata na nadagdagan na naman ang edad ko. Ganon talaga siguro pag maganda mas gumaganda lang. Excited ako na ecelebrate ang araw na ito kasama si Enzo.

" Happy Birthday Baby..." bati ng Sungkit ko. Dumating ito na may dalang bulaklak, cake at maraming pagkain. Gusto niyang kumain kami sa labas pero tumanggi ako, kaya dinala niya nalang ang pagkain sa akin. My sweet Sungkit.

I'd like to spend time with him, lalo na at paalis ito the next day papuntang Singapore, may bago silang investors na nililigawan na nakabase doon, two weeks din siyang mawawala. So, instead of going out, nandito kami sa unit ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon