Chapter 20

20.9K 726 209
                                    

Lorenzo

PAPUNTA kami sa bahay, birthday ng kapatid kong si Leila. Kabilin bilinan niyong isama si Alex or wag nalang akong magpakita kung hindi ko kasama ang Ate Alex niya. It's obvious that my sister likes my girlfriend, very much.

" Sigurado akong invited si Perlita, baka gumawa na naman yon ng eksena." kanina pa siya nagaalala sa maraming bagay.

Nasabi ko kasi na darating ang mga kamag anak ko, maging ang Lola at Lolo ko sa side ni Dad.

" Huwag nalang kaya akong pumunta? Magdahilan ka nalang kay Leila, please Baby.." dinadaan niya ako sa lambing.

Wala narin naman siyang choice dahil nandito na kami at malapit na sa bahay. Tanaw ko na ang ilang sasakyang nakapark sa labas ng gate.

" Relax Baby, nandito naman ako, sila Samantha, Cindy, Willy and Anton will be here too ." nanlaki ang mata niya ng marealized na nasa tapat na kami ng ancestral house namin.

Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto. Bitbit niya ang regalo para sa kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig pagkasarado ko ng pintuan ng sasakyan.

" Ang dami yatang bisita, Enzo.." hinalikan ko siya sa noo para payapain ang loob niya.

" Leila likes you, kahit si Dad, huwag mo nalang intindihin si Mommy. Sigurado akong magugustuhan ka din ng mga relatives ko and if they don't who cares. You will meet Laurence today, excited na ang isang iyon na makilala ka." huminga siya ng malalim. " Let's go Baby.." yaya ko sa kanya. Pinisil ko ang palad niya. She smiled.

Sinalubong agad kami ng mga pinsan ko. Napasimangot ako dahil nakay Alex ang mata ng mga ito lalo na si Harold, ang anak ni Tito Henry na kapatid ni Dad.

" You're late Enzo.." aniya..pero kay Alex nakatingin. " What do we have here?"

" Baby, this are my cousins." simula ko.

" Baby huh?! Hello gorgeous, I'm Harold Leviste and you are?" ngumiti ito kay Alex.

" Alex Mendoza." nakangiting sagot niya sa pinsan ko.

" Hello Alex, can I call you mine? I'm Terrence." hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya. Napatingin naman siya sakin. Napansin marahil nito na hindi ko gusto ang pagpapacute sa kanya ng mga pinsan ko.

" Ehemm, I'm single este Miko nga pala.." pacute ng isa ko pang pinsan.

" David Alvarez." singit naman ng isa. " Rico nga pala pretty." kulang nalang ay hilahin ko si Alex at ibalik sa kotse.

I'm pissed and jealous kahit nahulaan ko ng mangyayari ang lahat ng ito. Andito lahat ang mga pinsan ko at mas marami ang lalaki at mga binata pa, Alex beauty will catch their attention and I was right.

Nagulat ako when she tiptoed sabay halik sa pisngi ko. Namula naman siya ng marealized ang ginawa.

" Wooooaa, alright we get it, hands off guys, this pretty lady already belongs to Enzo.." my cousin Andrei said while clapping his hands.

Nagpakilala silang lahat pagkatapos ay nagsibalikan na sa kani kanilang mga pwesto.

" Nasa lahi niyo ba ang pagiging flirt?" siningkitan niya ako ng mata. But I am very happy right now.

" Thank you for kissing me in front of them, Baby, that's the best way of shooing them away." sabay kindat ko na lalo niyang ikinapula.

Hinila ko siya papasok sa gitna ng garden kung saan nakaset up ang ilang tables at chairs para sa mga bisita. Namataan naman kami ni Leila.

" Yay! Thank God, you came Ate Alex." naging invisible yata ako sa kapatid ko.

" Happy Birthday Leila." iniabot ni Alex sa kanya ang dalang regalo. Tuwang niyakap naman siya ng kapatid ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon