Chapter 45

22.2K 697 163
                                    


SAKAY na ako ng bangka na maghahatid sakin sa Private Island ng mga Rosales, nauna na sila Alex, I mean Isabelle doon kasama ang mga kaibigan namin. Hindi pinapayagan na mag overnight doon ang mga guest unless may pahintulot mula sa Management.

May dala akong Tent at ilang gamit na kakailanganin namin ni Isabelle. Sana lang ay magtagumpay ang plano namin nila Anton at Willy. Napahanga ako ng malapit na kami sa Isla, napapalibutan ito ng puting buhangin, pinapapanatili itong natural ayon kay Ate Chloe, sa kanya ako nagpaalam ng personal, sinabi ko din ang tungkol sa plano namin namin ng mga kaibigan ko. I don't want them worrying kung nasaan si Isabelle. Pumayag naman si Ate Chloe at ang tanging bilin niya ay wag ipipilit ang sarili ko sa kapatid niya sakaling ayaw nitong makipagusap sa akin.

I doubt kung magagawa nitong deadmahin ako lalo na kung kaming dalawa nalang ang maiiwan sa Isla. I came prepared, mula sa Tent na tutulugan, blanket, mga pagkain na paborito ni Isabelle. Naninibago parin ako sa pagtawag sa kanya sa totoo niyang pangalan pero alam kong dapat ko ng sanayin ang sarili ko. We need a fresh start at sisimulan ko yon sa pagtawag sa kanya sa totoo niyang pangalan.

" Sir, naibaba na po namin lahat ng gamit na dala ninyo." nagpasalamat ako sa mayari ng bangkang sinakyan ko at sa dalawa pa nitong kasama.

Naghanap ako ng mapagtatayuan ng Tent at nagsimulang ayusin ito. Pagkatapos isaayos ang mga gamit ay naglakad ako papunta sa lugar kung saan nagmumula ang ingay ng mga kaibigan ko. Napansin naman agad ako ni Willy.

" We told Sam and Cindy about your plan, ayaw nilang pumayag noong una pero napilit din namin sila ni Anton. Mabuti nalang hindi sumama ang mga kaibigan ni Isabelle pati narin ang Sekretarya mo at ang nobyo niya. Kahit yong boyfriend ni Isabelle ay hindi nakarating." I handed him the drink, may pampatulog iyon, sapat lang para makaalis sila at maiwan kami ni Isabelle.

" Salamat Pare. I just need to talk to her ng hindi niya ako iniiwasan o tinatakasan." dito wala siyang choice kundi kausapin ako.

" I hope this works, goodluck." bumalik na ito kina Sam.

I also join them, halatang iniiwasan ako ni Isabelle. Kita ko ng iabot sa kanya ni Willy ang bottled water na nilagyan ko ng pampatulog.

Bandang alaskwartro ng dumating ang bangkang susundo sa amin pabalik ng Resort, mahimbing na ang tulog ni Isabelle sa loob ng Tent.

Nagpasalamat ako kay Anton at Willy, masama naman ang tingin sakin ng dalawang babae. Inabala ko ang sarili ko sa pagihaw ng mga dala kong Barbecue, syempre may dala akong uling, Boyscout yata ako.

Malapit na maluto ang ulam, may kanin na akong inorder mula sa Restaurant kanina. Ang mahal na Prinsesa nalang ang kulang at tulog pa.

Ano mang oras ay gigising narin ito..

" What the hell?" Did she just curse? Kailan pa siya natutong magmura. "Anong ginagawa mo? Bakit ako nandito? Nasan ang iba?" buti nalang hindi nakakamatay ang mga tingin niya, baka mauna pa akong matusta sa mga iniihaw ko pagnagkataon.

" Nasa Resort na sila. Natulog ka kasi kaya naiwan tuloy tayo." I joke, ibinalik ko ang atensiyon ko sa iniihaw ko.

" Huwag mo nga akong pinagloloko! Babalik na ako sa Resort!" ansg sungit niya talaga, lumabas na ito ng Tent.

" Kung kaya mo bang lumangoy patawid, sige go.." hamon ko sa kanya.

Bigla nalang itong napatili ng kumidlat. Kanina ko pa napansin na medyo dumidilim ang langit kaya inagahan ko na ang pagiihaw ng uulamin namin.

" Sigurado akong kagagawan mo kung bakit tayo naiwan dito! Wala ng bangka ang tatawid dito dahil magdidilim na at masama pa ang panahon!" alam kong wala ng bangkang tatawid dito sa Isla, advance ako magisip, inalam ko ang oras ng last trip nila.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon