Chapter 50

26.1K 715 124
                                    

NAKAlabas na ng Hospital si Enzo. Pinagiingat lang siya ng Doctor at lilimitahan muna ang ang galaw niya lalo na ang kaliwang balikat pati narin ang kamay at braso. Inantay lang siya makalabas ng mga friends niya, bumalik narin ang mga ito ng Manila dahil may mga trabaho.

Nagpaalam ako kina Dad na sa Resort din muna ako mananatili para maalagaan siya, lalo na at ako naman ang dahilan kung bakit nabaril siya. Ayaw pumayag ni Dad, bakit daw hindi nalang kami kumuha ng private Nurse buti nalang Mommy was able to change his mind. Gumana na naman ang Trisha Alexis magic. I love my Mom.

" Bakit nilipat ako ng kwarto?" tanong ni Enzo.

It was my idea, paano ko siya maaalagaan kung nasa ibang kwarto siya, duhhhhh..

" This is our Family Room, kapag nandito kami sa Resort or may mga relatives na nagbabakasyon ito ang ginagamit. You will stay here with me habang nagpapagaling ka." nagliwanag ang mukha niya.

" So, you are going to sleep with me?" maang na napatingin ako sa kanya, kita mo ang utak ng lalaking ito. Pinameywangan ko siya. " I i-i mean sleep in one room? " nagkandabulol pa ang loko.

" Don't get your high hopes about this set up Leviste, in case you don't know this room is bigger than your condo, two bedroom with one connecting room. Kaya hindi natin kailangan magsiksikan sa iisang kwarto." napalabi ito.

Pagpapacute na naman ang Sungkit.

" Ayos lang, parang nasa condo noon, when you are still my PA. I miss that Isabelle. You know what, your real name suits you, Alexa Isabelle is beautiful just like you." seryoso niyang sabi.

Naginit ang pisngi ko. How did he become so direct? Hindi naman siya ganyan dati.

" Life is short Isabelle, kung nagkataong minalas ako at namatay, marami sana akong pagsisisihan dahil marami akong bagay na hindi nasabi sayo. Noong una kitang nakita sa kalsada, you look so beautiful kahit nakasimangot ka. I steal a kissed from you and little did I know, later you stole my heart. I feel in love with you and I'm so sorry kung hinayaan ko si Mommy na sirain tayo. If you'll give   me another chance, I'll  promise to make it up to you everyday of our lives together." I cried., memories flash in my head, mula nang una kaming magkita.

Pinahid niya ang mga luha ko. " I'm sorry, pinaiyak na naman kita. I'm sorry." aniya. Hinayaan ko siyang yakapin ako. I smiled through the tears.

" Bakit ba ang drama mo? Diba nga sabi mo basta kulot matagal mamatay kasi salot." biro ko na siya namang ikinatawa niya. " We'll take things slow Enzo, I'm not going anywhere, ayos lang ba?"

" Sure Babe.." aniya, sabay kindat. I rolled my eyes. Napaka niya talaga, napaka lakas ng loob.

Nagpahinga ito sa kwarto pagkatapos niyang magdrama, nasobrahan yata siya sa anesthesia, nagiging drama king na si Sungkit. Buti nalang gwapo parin siya.

But deep inside me, umabot sa puso ko ang mga sinabi niya, wala naman talaga dapat kaming problema kung hindi nakialam ang dragona niyang ina. Umabot sana sa kanya ang pagkamuhi ko, madapa o mabilaukan sana siya.

Harsh saway ng mabuting bahagi ng sarili ko.

Bumaba ako para makita si Ate Chloe, lumabas daw ito saglit sabi ng Sekretarya niya.

" My, My, my... Inlove ang kapatid ko." tukso ni Ate pagpasok niya.

" What? Paano mo nasasabi yan Chloe Alexandria, Ate?" mali yata na pinuntahan ko siya.

" Wag ka ng magkaila, you have this smile in your dreamy face, sinagot mo na ba si Enzo?" mana talaga siya kay Mommy. Nagmamadali..

" Nope, not yet. Please Ate, don't be like Mom. We'll get there.." gusto kong magsimula ulit kami ni Enzo without rushing things.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon