Chapter 21

19.2K 652 124
                                    

LIFE isn't all positivity and sunshine  no matter how much we want it to be. We all have a little bit of a mean girl in us and in my case, I was a maldita since birth. Sometimes you have to speak up and fight back. May naapi kasi may nagpapa api, may nabubully kasi may nagpapabully.

If you feel that something not right is happening, there is always the best time to speak up for what you think is right and stand up for yourself. Hindi naman siguro masamang lumaban at ilugar ang mga taong gaya ni Perlita.

Hindi naman pwedeng hayaan nalang sila parati at manahimik. By staying silent, you are approving of a situation at baka masanay silang kayankayanin ka nalang.

Naging maayos naman ang pakikitungo ng angkan ni Enzo sa akin lalo na ang Lola niya. She reminds me of my Lola Connie and Lola Sandra. Mrs. Prada is giving me a cold treatment at wala na akong magagawa kung ayaw niya sakin. Ayaw ko din naman sa kanya, eyepoor. Tsk!.

Nagpaalam na kami sa kanila, ihahatid pa kasi ako ni Sungkit kahit sabi ko na ayos lang kahit magcommute nalang ako.

" Lorenzo, baka hindi kana naman umuwi." si Enzo ang kausap niya pero sa'kin siya nakatingin.

" Ihahatid ko lang po si Alex, Ma. I'll be back." sabi ko naman kasi sa kanya ayos lang na huwag na.

" Gusto mo ako nalang maghatid sa kanya, Enzo." napatingin ako sa pinsan niya na si Harry? Henry? Nakalimutan ko.

" I can take care of my own girlfriend, Harold. Ako ang maghahatid sa Alex ko." tila may butterflies na nagliparan sa tummy ko sa mga sinabi ni Sungkit. Iba din ang kilig na hatid ng " Alex ko". Lalo na at nasa harapan pa kami ng ina niyang maganda sana dragona naman.

" Okay, Chill Bro.." sagot nong Harold saka tumalikod.

Nauna na ako sa labas dahil tinawag pa siya ng isang Tito niya. Sumulpot na naman si Harold sa harap ko nang malapit nako sa gate.

" Alex, gusto ko lang magpasalamat sa pagliligtas mo sa pamangkin ko." pamangkin niya si Snow? " Ate Eunice is my sister." dugtong niya.

" Walang ano man, ginawa ko lang kung anong dapat." napasinghap ako ng may humapit sa bewang ko.

" Let's go, Baby?" ang Sungkit ko pala.

" Sige, aalis na kami .." paalam ko sa pinsan niya na dinaanan niya lang ng mata.

Napansin ko na nakabusangot ito habang nagdadrive.

" Bakit ganyan ang mukha mo? Sabi ko naman kasi sayo, ayos lang kahit hindi mo na'ko ihatid." tapos babyahe pa siya pabalik.

" Anong sinabi sayo ni Harold kanina?" aniya.

" Nagpasalamat siya sa pagliligtas ko kay Snow. Pamangkin niya pala yong bata.." nakita ko na humigpit ang hawak niya sa manibela. Problema nitong Sungkit na to?

" He likes you.." ako daw? " Kilala ko si Harold, sa mga tingin niya palang sayo kanina, alam ko na." seryoso ba siya?

" Hindi naman siguro, saka pinsan mo siya at alam niyang girlfriend mo ako." As if naman magkakagusto ako sa pinsan niya.

May itsura si Harold pero mas gwapo naman ang Sungkit ko.

Itinabi niya ang kotse at saka itinigil. Hinawakan niya ang kamay ko. "Basta Baby, iwasan mo siya please. Ayokong maagaw ka niya sa akin. Playboy si Harold, gusto niya na nakikipagkompetensiya lalo na sa'kin. Palagi kasi kaming pinagkokompara." nagseselos ba siya sa pinsan niya?

" As if naman magpapaagaw ako, pero para sa ikakatahimik ng Baby ko, iiwasan ko siya kung sakali mang magtangka siyang lumapit ulit sa'kin."  napangiti siya sa sinabi ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon