Chapter 36

21.4K 653 141
                                    

Lorenzo

SUMABAY sa akin si Mommy papunta ng office, kahit alam kong labag sa loob niyang ibaba ang pride niya, she needs to apologize to Mrs. Velazquez, Dad is giving her this cold treatment dahil sa nangyari. In fact nauna na itong pumasok ng hindi manlamang nagaalmusal.

" Bumili ka ng coffee anak, ibili mo nadin si Mrs. Velazquez para malaman niya na sincere ako sa pahingi ng apology, it was a mistake, alam ko namang maiintindihan niya ako, babae din siya at may asawa, protective lang ako sa mga bagay na pagmamayari ko and that includes your Dad." nauna na itong umakyat.

Medyo natagalan ako dahil nagkita kami ng dati kong Instructor sa college at nagkumustahan.

Ibinigay ko kay Michelle ang bag na dala ko kung saan nakalagay ang laptop at ilang gamit ko.

" Good morning Mr. L.." aniya at tinanggap ang gamit ko. Napatingin siya sa coffee na dala ko. Ibinigay ko sa kanya ang isa.

" Good morning din Mitch, nasa opisina ba ni Mrs. Velazquez si Mom?"  magkatapat lang ang opisina namin.

" Salamat po sa kape. Yes, Mr. L, nakita kong pumasok ang Mommy n'yo sa office niya." I walked towards Mrs. Velazquez office.

Nakabukas ang glassdoor nito. Nakalimutan yata isara ni Mommy. May isa pa namang pintuan na naghihiwalay sa pinaka office nito pero maging iyon ay nakabukas din. Papasok na sana ako ng marinig ko ang boses ni Mommy.

" I'm sorry again Mrs.Velazquez pero hindi mo ako masisisi, I'm tired of people trying to take advantage of my family, kailan lang ay nagkagirlfriend ang anak ko, babaeng mukhang pera, mabuti nalang naagapan ko, nalaman namin ng maaga ang tunay niyang kulay.." hindi ko muna itinuloy ang pagpasok. Anong sinasabi ni Mom?

" Naagapan? What do you mean Mrs. Leviste? "  yan din ang gusto kong itanong kay Mommy. Kung hindi ako nagkakamali she is talking about Alex.

" Gumagawa ako ng paraan para mailayo ang anak ko sa kanya. May anak ka ba Mrs. Velazquez?" I cleansed my fists.

Kaya ba niya ibinili ng sasakyan si Harold? Inutusan niya ito para paghiwalayin kami ni Alex? Gustong gusto ko siyang kausapin pero nagtimpi ako, pinili ko nalang mag antay sa labas. Itinapon ko rin ang dala kong kape.

Paglabas na paglabas niya ng opisina ni Mrs.Velazquez ay hinila ko siya papasok sa office ko.

" What the hell Lorenzo!" bulyaw nito sa akin pero hindi ko siya binitawan. I slammed the door ng makapasok kami sa opisina ko.

" Now explain to me kung anong ginawa mo para paghiwalayin kami ni Alex, Mom!" nagulat ito sa outburst ko. But I'm mad right now! Naalala ko kung paano umiyak si Alex at paulit ulit na nakikiusap na pakinggan ko siya.

" What are you talking about?" hinampas ko ang table ko.

" Don't you dare lie to me Mom! Narinig ko ang sinabi mo kay Mrs. Velazquez, kaya ba ibinili mo ng sasakyan si Harold? Sinadya mong paghiwalayin kami ni Alex!" nagulat ako ng tumayo siya at sinampal ako na siyang ikinagulat ko.

" How dare you!, Huwag mo akong pagtaasan ng boses Lorenzo!  I am still your mother! Binabastos mo ako because of that slut!? Yes inutusan ko si Harold, pero malay ko bang mukhang pera yong babaeng yon at agad sumama sa pinsan mo ng ganon kadali?  Hindi ba dapat magpasalamat ka nalang? I saved you from that gold digger! Pagkatapos ito ang mapapala ko? " umiiyak na si Mommy.

" Ginawan ka na nga ng pabor, ako pa ang masama? I was just protecting you dahil ayoko ng maulit ang ginawa sayo ni Alena.." lumapit ako sa kanya pero tumayo ito. " Don't come near me Lorenzo, hindi ko akalaing kaya mo akong pagtaasan ng boses, tama lang ang ginawa ko, that woman is no good for you!" saka nito binuksan ang pinto at lumabas.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon