Chapter 12

21.2K 609 77
                                    

Lorenzo

" Kuya!" isang mahigpit na yakap ang salubong sa'kin ng bunso kong kapatid na si Leila.

" Namiss kita Lei, ang tangkad mo na."  hinalikan ko siya sa ulo.

" Ako ba Kuya? Hindi mo namiss?" lumapit sakin ang isa ko pang kapatid, si Lawrence.

" Syempre namiss di  kita LR.." inakbayan ko siya. " Pero aminin na natin na mas pogi padin ako sayo." biro ko sa kanya.

" Hindi Kuya, mas pogi na ako sayo, iba ang klima sa Canada..."

" Lakas makanegro diba, LR? Tignan mo nga yang balat mo, mas maputi pa sayo si Kuya Enzo." magbabangayan na naman ang mga ito, kagaya ng madalas mangyari, palibasa hindi naglalayo ang mga edad nila. Matanda lang si LR ng isang taon kay Leila, kaya ayaw nito patawag na Kuya.

" Ano ba naman kayong dalawa, buong biyahe nagiiringan kayo, hanggang dito ba naman and you Lorenzo, are you going to just stare at me the whole time? Come and give your Mother a hug." si Mama talaga..

" Welcome back Mom.." niyakap ko nga siya.

" Ano itong nababalitaan kong, may girlfriend kana raw? Where is she? Bakit hindi mo isinama ng makilala namin." Crap! Sino naman kaya ang nag report sa kanya ng maling balita?

" Mama naman kadarating lang natin, umuwi na nga tayo." reklamo ni Leila, sabay kindat niya sa'kin.

" Bueno, tara na at pagod na ang mga iyan, pagod sa kakabangayan nila, pati ang ulo ko ay sumasakit sa kanila. Imbes na matuwa ako kasi malalaki na sila, ayan at isip bata parin." iling na reklamo ni Mom.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. Kibit balikat lang ang reaksiyon ng mga ito.

" Ipinalinis mo bang mabuti ang bahay Lorenzo? Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng alikabok, ang Daddy mo dumating na ba?" Mom is really here. Ang daming tanong..

" Yeah Mom, nasabi ko na kay Nana Selya na ipalinis ng mabuti ang bahay lalo na ang kwarto ninyo ni Dad." dahil alam kong malaking problema kapag hindi nasunod ang gusto nito.

" Miss na miss na kasi ni Mom' si Dad, Kuya. Ayieehh!" kantiyaw ni LR kay Mama.

" Tumigil ka Lawrence baka nakakalimutan mong may kasalanan kapa sa'kin. Yang kapatid mo Lorenzo." Kaya ayokong tinatawag ni Alex sa buong pangalan ko, she sounded like my Mother everytime.
" Naabutan kong may kasamang babae sa kwarto niya." napakamot si LR sa ulo niya.

" Ma, binata na yang si LR, hayaan n'yo na. Basta ba hindi ka muna niya bibigyan ng apo." sabay tawa ko, pero naitikom ko ang bibig ko dahil sinamaan ako ng tingin ni Mommy.

" Magsitigil nga kayo sa mga kalokohan ninyo! Gusto kong makilala yang girlfriend mo Lorenzo, baka kung sino sino na naman yan, masaktan ka lang kagaya noon." ito na nga ba ang pinakaayaw ko sa lahat, ayokong ma pressure si Alex dahil sa kanya.

Lalo na't naiisip nitong kaya ko siya nililigawan para may maipakilala kay Mama.

" Ma, I really like her at kung makikilala n'yo siya alam ko na magugustuhan n'yo din siya, she's nice, funny and gorgeous like you." my Mom is a former beauty queen at alam kong hindi pahuhuli ang ganda ng Alex ko.

" Awww! Mukhang inlove ang Kuya ko. I'm excited to meet her na, ang tagal mo ding single, she must be special dahil nabihag niya ang puso mo." kinikilig na komento ni Leila.

" She is special Leila. She makes me happy at alam ko na magkakasundo kayo. " magaling makisama si Alex.

Nakasundo niya agad ang mga kaibigan ko at gusto siya ng mga ito. Kaya nga Sam invited her noong birthday nito.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon