Chapter 18

18.6K 571 85
                                    

Lorenzo

Kahit hindi nagsasabi si Alex, alam kong nasaktan siya sa ginawa ni Perlita. Napahiya siya dahil sa babaeng yon.

Gusto ko sanang samahan muna siya ngayong gabi pero pinagpilitan niyang ayos lang daw siya at umuwi na ako.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Tenext ako ni Willy, nasa Bar daw sila. Umalis din pala sila sa Party ni Perlita pagkatapos ng nangyari.

" Kamusta si Alex?" tanong agad ni Sam.

" She said ayos lang siya, ayoko nga sanang iwanan kaso pinaalis naman ako." inabutan ako ni Anton ng alak.

" Grave naman kasi ang ginawa ni Perlita, pinahiya niya si Alex, pasalamat siya hindi ako si Alex, kahit birthday niya manghihiram siya ng mukha sa aso." baliw ang babaeng yon! May gigil ang pagkakasabi ni Cindy.

" Patay na patay kasi sayo Enzo, ayon hindi napigilan ang selos." sabay iling ni Willy.

Mabuti nalang talaga hindi siya pinatulan ni Alex ko.

Umuwi na rin kami bago mag alasdose, may mga trabaho pa kaming iintindihin bukas.

Tenext ko ang girlfriend ko pero wala siyang reply, sana ay nakatulog na siya at wag ng alalahanin pa ang nangyari.

Tulog na ang mga tao paguwi ko sa bahay namin. Nag set ako ng alarm para maaga akong makagising the next day. Gusto kong pasayahin ang Alex ko.

Kinabukasan...,

" Lorenzo!" kasalukuyan akong naliligo ng madinig ko ang tawag ni Mom.

Marahil narinig niya na nasa banyo ako kaya malamang ay umalis na siya. Lumabas ako ng banyo suot ang boxers at robe.

" Mabuti naman at tapos kana!" gulat na napatingin ako kay Mommy na nakaupo sa kama ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Mabuti naman at tapos kana!" gulat na napatingin ako kay Mommy na nakaupo sa kama ko.

" Jeezz Mom! Anong kailangan n'yo sakin at this early?" masama ang tingin n'ya sakin.

" Magbihis ka muna, nasa library ako." saka ito lumabas.

Nagmadali naman ako sa pagbibihis, mamaya nalang ako magpapalit sa condo ng pang opisina ko.

" What is it Mom?"

" Maaga akong tinawagan ng Amiga ko, she was at the party of the Dagatnon last night at nakwento niya sakin ang eskandalong ginawa ng girlfriend mo!" kaya pala hindi maipinta ang mukha ni Mommy, nakasagap ng maling chismis. Naglipana na talaga ang fake news. Ang aga namang mangchismis ng Amiga niya, dinaig pa ang reporter.

" Mom, kung ano man yang kwento ng kaibigan mo, walang kasalanan si Alex, it was Perlita who make a scene, pinahiya niya ang girlfriend ko." si Alex pa ang nag iskandalo?

" Hindi ganyan ang kwento ni Mrs. Zobel at sigurado akong usap usapan na yang girlfriend mo, ng mga naroon sa party. Nakapagtataka lang, nagagawa mo siyang dalhin sa party pero ni hindi mo pa nga siya maipakikilala sa amin, hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko sa Amiga ko. I don't have any idea about this woman. Isa pa, alam na alam mo na ayokong may nasasabi ang ibang tao sa pamilyang ito." hinilot ko ang sentido ko, ang kaninang magandang gising ko ay tila bigla nalang naglaho.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon