Chapter 54

23.2K 642 51
                                    

Alexa Isabelle

MAGkasama kami ni Ate Red, papunta sa birthday ng Dad nila, si Tito Reynaldo mismo ang may kagustuhan na pumunta siya, plano nitong ipakilala sa dalawa pang anak si Ate Red, kina Leila at Laurence. Ayoko sanang dumalo dahil umiiwas ako sa gulo baka kasi paginitan na naman ako ng Dragona. But Enzo insists pati narin si Ate Red, kailangan nito ng suporta kaya pumayag narin ako.

" Be ready Isabelle, baka madamay ka sa galit ni Lianne Leviste. Hindi maganda ang vibes ko sa planong ito ni Dad." tenext ko si Enzo na malapit na kami sa bahay nila. Nagreply naman ito na nagiintay na siya sa labas.

" Ate, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" inalalayan nitong bumaba ang kapatid. Marahil ay kinakabahan si Ate Red.

Binigyan nito si Sungkit ng alanganing ngiti. " I'm fine. Let's do this para matapos na ." sinalubong naman ako ni Enzo ng yakap at halik sa pisngi pagbaba ko, na para bang antagal naming hindi nagkita. Ganoon talaga siguro kapag inlove.

Kapansin pansin na present na naman ang mga kamag anakan niya. Sa dami ng mga Pinsan niya hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila. Binati kami ng mga ito. Nagtataka siguro sila kung sino si Ate Red. Liban daw kasi sa Lolo at Lola nila walang ibang nakakaalam na may iba pang kapatid sila Enzo. Dinala niya kami malapit sa kinatatayuan ng Daddy nila.

" Dad excuse me , nandito na si Ate pati narin si Isabelle.." nasa harapan na kami ni Tito Reynaldo. Nagpaalam ito sa kausap.

" Happy Birthday Dad.." humalik sa pingi ng ama si Ate Red.

" Salamat at pinagbigyan mo ako Red' anak, malaking bagay sakin na nandito ka dahil maraming kaarawan ko nadin ang nagdaan na hindi ka kasama." hinalikan siya ni Tito sa noo. Maaliwalas ang mukha ni Tito at masaya nga ito na nandito ang panganay.

" Happy Birthday po Tito." iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo sabay beso. Tinulungan ako ni Enzo sa pagpili ng relo na regalo ko sa kanya.

" Hija, maraming salamat sa regalo, hindi kana dapat nagabala pa. Thank you for coming, hindi mapakali itong si Enzo baka daw hindi ka pumunta, akala naman niya, siya itong may Birthday."  nagtawanan kami na agad napawi ng lumapit sa amin ang kontrabida ng taon. Yong awra niya parang si Celestina sa Araw Gabi, mukhang laging hindi gagawa ng mabuti.

" Anong ginagawa ng mga babaeng yan dito!? At talagang nagsama ang bastarda at sinungaling. " kita mo siya, highblood na naman ang Lola niyo.

" Lianne!" " Mom!" magkasabay na sabi ni Tito Reynaldo at Enzo.

" Anong ibig sabihin nito Reynaldo? Bakit nandito yang anak mo sa labas!? At ikaw naman Enzo, dinala mo pa talaga ang babaeng yan dito!" dinala daw?  Pinagtitinginan na kami ng mga bisita. Napakaiskandalosa niya talaga.

" Mom, Dad, Kuya anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Liela. Nagawa niya parin akong ngitian ng magawi ang tingin niya sakin.

" Liela tawagin mo ang Kuya Laurence mo, I want you to meet someone.." utos ng Dad nila, agad naman itong sumunod at kasama na nito pagbalik ang kapatid.

" Hindi mo gagawin to Reynaldo, hindi mo sisirain ang Pamilyang ito dahil lamang sa bastarda mo!" galit na dinuro nito si Ate Red.

" Hindi ako bastarda, naipanganak na ako sa mundong ito bago pa kayo magkakilala ni Dad." buong tapang na hinarap ni Ate Red ang nangagalaiting Dragon.

" Liela' Laurence, siya ang Ate Red ninyo, kapatid din ninyo siya. Tama siya, pinanganak na siya bago ko paman makilala ang Mommy ninyo." hinila ng Dragona ang dalawa at ikinubli sa likod niya.

" Ang Kuya Enzo lang ninyo ang kapatid ninyo at wala ng iba pa! Hindi niyo kapatid ang babaeng yan! " ayaw niya talagang patalo.

" Mom, hanggang kailan mo itatago sa kanila ang totoo? Anong mawawala kung makilala man nila si Ate? Balibaliktarin mo man ang mundo hindi nagbabago ang katotohanang magkakapatid kami." sinampal nito si Enzo.

Maldita Princess (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora