Chapter 25

19.3K 656 265
                                    

Lorenzo

NAGMADALI akong umuwi para sana makausap si Alex. Willy told me na naglasing ito dahil nalaman niyang kasama ko si Hailey sa Singapore. Hindi ko naman alam na susunod siya doon. Siya ang pinadala ng Daddy niya dahil hindi ito pwede.

Sa opisina na ako dumeretso. Baka magkasalisi lang kami ni Alex kung susunduin ko pa siya, madaling araw umalis ang flight ko sa Singapore at 6am naman kami dumating. I took a shower and change my clothes, mabuti nalang may extra àkong damit sa kwarto ko sa Office.

Paglabas ko sinalubong ako ni Mitch at  sinabing nasa boardroom si Mommy kasama si Harold pati narin si Hailey. Nakakapagtaka dahil napakaaga nilang naroon.

Pagpasok ko palang ay agad sinabi sa'kin ni Mommy na niloloko lang ako ni Alex. Pera lang daw talaga ang habol nito sa akin which I denied, alam ko naman kasi na ayaw ni Mommy sa kanya kaya niya nasasabi ang bagay na yon.

Then my bastard cousin Harold told me that while I am away, nakipagkita sa kanya si Alex, nakipagdate and he even help her do her grocery., syempre hindi ako naniniwala sa kanya, pero dagdag pa niya, na siyang nagpainit ng ulo ko, humingi raw ng pera sa kanya ang girlfriend ko at bilang kapalit Alex slept with him.

Alex need the money for her family, may sakit daw ang Nanay nito at may patunay daw sila na totoo ang mga sinasabi nila.

Bigla nalang bumukas ang Projector kung saan lumabas ang mga Pictures nila Harold at Alex. Naikuyom ko ang kamao ko!

"What the hell! Hindi totoo ang mga iyan!" Alex said.

" Alin ang hindi totoo Babe?" lalapitan sana siya ni Harold pero hinigit ko siya at sunod sunod siyang sinuntok. I will kill him. Sa dami ng babae bakit si Alex pa?

Pinigilan ako ni Mommy. " Lorenzo, hindi ka dapat magalit sa pinsan mo, d'yan sa malanding babaeng yan ka dapat magalit, habang wala ka, ang pinsan mo naman ang nilalandi niya."  binitiwan ko si Harold at hinarap si Alex.

" Hindi ako malandi! Huwag kang maniwala sa kanila Enzo, sinadya ni Harold ang pagkikita namin ng dalawang beses, all this time akala ko nagkataon lang. Those flowers aren't for me, sabi niya binili niya ang mga iyon para sa nililigawan niya. Yong sa grocery naman he offered to help me, nandoon siya para bumili ng meryenda nila, para sa kung sinong babae. At yong sa Bar, hindi ko alam na nandoon siya, si Mitch lang ang kasama ko, pwede mo siyang tanungin pati si Wilfredo, he was there too.." I can't believe kaya niya akong ipagpalit dahil sa pera at sa pinsan ko pa talaga.

" How about those pictures on the Hotel? Paano mo ipapaliwanag sakin ang mga iyon?" mahigpit kong hinawakan ang braso niya. " Damn it Alex! Ilang araw lang akong nawala, bumigay kana sa lalaking yan? Kung gusto mo lang naman pala ng pera, bakit hindi ka nalang sa'kin humingi! Nagpakama kapa talaga sa kanya! " she slapped me.

" Listen to yourself Lorenzo, sa tingin mo talaga' ako ang nasa pictures na yan!, Hindi ko alam kung paano nagawa ng hayop mong pinsan na palabasing ako ang nasa mga larawan? I never slept with him and I never will. I don't even like him!" nagsisinungaling parin siya kahit nasa harapan na namin ang lahat ng ebidensiya ng kataksilan niya. Wala siyang pinagkaiba kay Alena.

" Stop lying! Aminin mo na, humingi ka ng pera kay Harold kapalit ng katawan mo!" sigaw ni Mommy sa kanya..

" You shut up! Hindi ako pinalaking bastos ng mga magulang ko pero sumusobra na kayo! Hindi ko kailangan ng pera ninyo! " she even shouted at my Mother.

" Babe, bakit kasi hindi mo pa aminin na sumama ka sakin sa Hotel, kapalit ng 1 hundred thousand, kailangan ng Pamilya mo ng pera sa probinsiya, hindi ba?" ganoon lang kaliit ang halaga ko sa kanya para ipagpalit niya ako sa pinsan ko.

Maldita Princess (Completed)Where stories live. Discover now