Chapter 9

22.6K 680 93
                                    

Alexa Isabelle

Nagtataka ako kay Enzo, sabi niya three days kami sa Batangas pero pangalawang araw palang ay nagyaya na siyang umuwi. Napaka aburido din niya at maya't maya ang pagsusungit. Daig pa niya ang may dalaw.

" Anong gusto mong dinner?, bibili nalang ako sa labas." Pagod kami pareho sa byahe at hapon na kami nakarating na tindi ng traffic.

" Dito ka lang, ako na ang bibili.." masungit na naman ito. Sasapakin ko kaya siya?

" Pagod ka sa pagmamaneho ako na ang bibili.." may ibinubulong itong kung ano, na hindi ko naintindihan.

" Hindi ako pagod! Dito ka lang, ako na ang lalabas." kanina pa siya ganyan sa biyahe, kulang nalang ay samahan ako sa loob ng CR nong tumigil kami sa gasolinahan.

Mabilis naman itong nakabalik, barbecue ang binili nitong ulam. Okay, slight nalang ang inis ko sa kanya. He knows how to pissed me off pero alam na alam din niya kung paano ako aamuin. Pinaglalaruan ako ni sungkit! Nakakainis!

Pagkatapos namin kumain ay tahimik kong niligpit ang pinagkainan namin saka hinugasan. Tumunog ang cellphone ko, may nag text malamang galing na naman sa network yon. Wala naman kasi akong ka text, saklap life. Maghahanap nga akong text mate.

Nagsalubong ang kilay ko nang damputin niya ang cp ko at tinignan. Tapos ay napangisi, tila may kung anong nabasa doon. Bipolar talaga, malala na.

Pagkatapos ko maghugas ay pumasok na ako sa kwarto, ayokong makipagusap sa lalaking may regla. Naghalfbath nako saka nahiga.

Maaga akong nagising kinabukasan, nag try akong magluto. Nagsasawa nadin kasi ako sa pagkain na galing sa Restaurant.

Binuksan ko ang youtube saka nag search kung paano e prito ng tama ang itlog. Minsan na akong tinuruan ni Mommy nito pero nagkanda paso ako kaya hindi na ulit niya ako pinaulit..

Sinunod ko ang nasa video. Napangiti ako ng makagawa ako ng dalawang medyo hindi naman sunog. Sunod ay ang pagprito ng bacon. Pinagpawisan ako sa pagluluto ng breakfast namin. Juicecolored! Nagtoast nadin ako ng tinapay saka neready ang table.

" Goodmorning.." mukhang maganda ang gising ni Enzo, may pa goodmorning.

" Good morning, kain na tayo. Nagluto ako ng breakfast." tinignan niya ako ng parang hindi makapaniwala. Saka naupo. Medyo nakukuha ko narin ang timpla ng kape na gusto niya.

Kumuha na ito ng isang sunny side up, hindi na pala sunny, naghalo kasi iyong dilaw sa puti, parehas parin naman yon. Hinintay kong magsalita siya.

" Itlog na pula ba ang ginamit mo dito? " ano daw? " Pero masarap naman." halos maubo ito kada subo. Masarap yata talaga..

Kukuha din sana ako ng itlog, pero pinigilan niya ako. Apat naman ang niluto ko, tag dalawa kami, gusto pa yata kanya lahat.

" Iyong toasted bacon nalang ang kainin mo." pinandilatan ko siya.

" What's with you Lorenzo? Apat na piraso yan, a'kin na yong isa.." umiling ito.

Bigla namang nag ingay ang telepono niya, tumayo ito at pumunta sa kwarto. " Ahah! Kala mong sungkit ka!"

Kumuha ako ng isang egg saka mabilis na sumubo. Pero mabilis din akong tumakbo sa may trash can at niluwa ito. " Letchugas! Ang alat!"

Kaya pala tinanong niya ako kung itlog na pula ang ginamit ko. Walanghiyang sungkit!

Maya maya ay bumalik narin ito. " Bakit nakabusangot yang mukha mo? Nasan na yong pagkain ko?"

" Bakit hindi mo sinabing sobrang alat nong itlog?" napangisi ito. Lalo lang akong nainis. Palpak ang cooking ko, buti nalang maganda ako.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon