Chapter 16

19.8K 571 79
                                    


NAKAbalik na kami sa head office nila Sungit. Todo alalay ito sa'kin sa pag aakalang na LBM talaga ako, muntik pa niya akong ipag order ng lugaw, pakainin mo nalang ako ng noodles.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga bet ang lugaw, champorado and any watery rice. Kanin nalang with toyo mantika bet ko pa, saan ko natutunan yon? Kay Ate Juvy, yong kasambahay namin. Kaya hindi problema sa'kin kahit walang ulam.

" Are you sure you're okay? Gusto mo dalhin kita sa Hospital?"  siningkitan ko siya ng mata.

" Para kang sirang plaka Lorenzo, okay na nga ako. Sige na magtrabaho kana." ang kulit ng lahi.

" What 's with you Alex? Bakit worried much sayo si Mr. L?" takang tanong ni Mitch.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari at hindi ko gusto ang pagkaka awang ng bibig niya.

" Ang malas mo girl, may balat ka ba sa pwet? Medyo masungit nga si Ma'am Lianne, ilang beses ko nadin siyang na meet." ang puti kaya ng behind ko, pinagsasabi nitong si Mitch.

" Medyo lang naman pala, carry ko na siya. Kung yan ngang paparating nakaya ko." napatingin ito papasok na bwesita. Anong masamang hangin naman kaya ang nagdala sa kanya dito.

" Yes Ma'am, may I help you?" tanong ni Mitch kay Perlita.

" I'm here to see Renz." mataray na sagot nito kay Mitch. Akala naman niya ikinaganda niya ang pagtaas ng kilay niya.

" Sorry Ma'am, may appointment po ba kayo kay Mr. L? " inabala ko kunyareh ang sarili ko sa pag eencode.

" I don't need to set an appointment to see Renz. Papasukin mo na ako, besides that girl knows me.. " maka that girl tong hipon na to.

" What do you want Perlita?" tinignan ko siya saglit saka bumalik sa ginagawa ko.

" I'm here to personally invite Renz sa birthday ko bukas. I hope you don't mind." not at all. Mas safe naman siya kumpara don sa isang Parrot.

" Okay, Mitch ako na ang bahala sa kanya." birthday niya naman bukas kaya pagbigyan.

Tumayo ako at nauna ng pumasok sa pinaka office ni Enzo. Bibitawan ko sana ang pinto kaso baka magkabukol ang may birthday, kawawa naman.

" Perly, what brought you here?" bungad ni Sungkit na halatang gulat sa bisita.

" I came to give you this, birthday ko bukas at gusto sana kitang e invite. Naipadala ko narin kina Willy ang invitation nila. " napatingin si Enzo sa akin.

" Ahm okay. Salamat sa invitation. Anything else?" bastos na Sungkit, gusto na yata paalisin si Perly.

" Sana pumunta ka. You can bring Alex if you want." tila napipilitang sambit nito.

As if naman pupunta ako. Mamaya lasunin niya ako sa teritoryo niya.

"  Talaga?" natuwa naman ang Sungkit.

" Err.., Yeah, you could bring her.." tila walang ganang sagot ni Perly.

Tumunog naman ang telepono ni Enzo, sumensiyas ito na sasagutin ito.

" Wag na tayong magplastikan Perly, alam ko namang napilitan ka lang na pumayag na isama ako ni Enzo. Don't worry, wala akong balak pumunta." sintaas na naman ng Burj of Khalifa ang kilay nito.

" Chossy ka pa, magsalamat ka nalang kaya?, alam ko namang hindi ka pa nakakadalo sa mga party ng mayayaman." kung alam mo lang Perlita, bulong ng utak ko.

" Hindi ka sigurado d'yan, trust me. Hindi mo ako kilala." nakita kong tapos na makipag usap si Enzo.

" I'm sorry about that, pupunta kami ni Alex, Perlita." sa'kin ito nakatingin.

Maldita Princess (Completed)Where stories live. Discover now