Chapter 23

17.7K 540 98
                                    

NANDITO kami sa airport, hinatid ko si Enzo, ngayon ang alis niya papuntang Singapore.

" Take care of yourself Baby.." pinakatitigan niya ang mukha ko.

" Ikaw din, sabihan mo ang Piloto na magingat sa pagmamaneho ng Eroplano." napangiti siya sa sinabi ko. " Bawal ka mambabae doon.." dagdag ko.

" Yes Ma'am." hinalikan niya ako sa noo. Namimiss ko na siya agad..

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at binigyan siya ng power hug. Hiniram ko muna ang power hug ni Laida. Pagkatapos ay  hinalikan ko siya sa pisngi.

" Sweet naman ng Baby ko." ako pa ba? " Tatawagan kita agad pagdating ko doon." hinaplos niya ang gilid ng pisngi ko gamit ang hintuturo. " I love you." sa kanya talaga ako nahawa ng pagiging cheezy. Bumaba ang mukha niya para halikan ako sa labi na agad ko namang tinugon. PDA sa airport, hashtag relationship goals.

" I love you too Baby ko." two weeks lang naman siyang mawawala kung makapagpaalaman kami, wagas.

Pumasok na siya ng Airport, kumaway pa ang Sungkit tapos lumingon pa ulit. Daming alam.

Bumalik naman ako ng office. Sinalubong ako ng pang aasar ng Sekretarya niya.

" Awwww! Iniwan. Wawa naman." nakalabi ito with matching lukot face.

" Ikaw din naman. Bakit hindi ka sinama, Sekretarya ka niya diba?" akala nitong si Mitch.

" Nagtitipid yata ang jowa mo." nakasimangot nitong sabi. " Bakit hindi ka sumama?" aniya.

" Wala akong passport." pagsisinungaling ko, meron naman talaga ako, kakarenew lang noong bago ako umalis sa amin at 10 years na ang validity. Pero paniguradong mabubuko ako kapag nakita nila yon. Malinaw pa sa 4G na Alexa Isabelle De Luna Rosales ang pangalan ko at hindi Alex Mendoza.

" Madali nalang kumuha ngayon Lex, may passport on wheels na ang DFA." nabalitaan ko nga rin ang tungkol doon. Thumbs up sa government natin.

" Saka nalang siguro Mitch." akala ko ay mananahimik na siya.

" Naglabing labing kayo kagabi no? Lalo mo siyang mamimiss kung ganon. Nakailang rounds kayo? " ang halay, binato ko si Michelle ng desktop, charoot..

" Tse! Conservative ang Boss mo, nerespeto ako." willing naman akong magpabastos sana, basta si Enzo. Hayyy!

" Hahaha, disappointed ka Beshywap? Di sana ikaw ang nag initiate.." I tried but I failed..

" Nakakahiya ka Isabelle." bulong ng utak ko.

" Nako ikaw talaga, manahimik kana nga dyan Mitch, palibasa kasi gawain mo." ngumisi lang ito.

" So wala talagang nangyari? Intact parin ang Bataan?" Ayan na naman siya sa Bataan na yan.

" Meron naman, MOMOL.." agad naginit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari.

" Huh!? Anong MOMOL?"

Seryoso ba siya, hindi alam ni Michelle ang MOMOL..

" Weeehh, hindi mo alam kung anong ibig sabihin non?" isa rin tong si Mitch na di updated.

" Ano nga kasi!" aniya.

" Make out, make out lang, MOMOL.." sagot ko. Humagalpak ito ng tawa.

" Tsk! Akala ko naman kung ano na. Mahina pala si Mr. L? Wala pala siya sa Leo ko. " siningkitan niya ako ng mata.

" Hep! Tama na. Baka mamaya ekwento mo pa ang mga activities n'yo ni  Leo." ayokong mapollute ang utak ko.

Mabuti naman at tumigil na siya.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon