Chapter 55

25K 673 83
                                    

Alexa Isabelle

KANINA pa ako palakad lakad dito sa sala. Pagkatapos ko kasing umoo kay Lorenzo ay biglang hindi ko na siya nakikita lately, tumatawag naman siya at nagtetext pero palagi siyang busy.

" Mygaaadd Isabelle pwede bang pumirmi ka naman, kanina kapa parang pusang hindi mapaanak d'yan!" saway sakin ni Abby.

Panay ang reklamo ko sa kanya pero tila hindi niya ako pinapansin. Minsan talaga iniisip ko kung papaano ko siya naging bestfriend, she's not even helpful.

" Hey! I heard that." did I just blurted that out? Abby shot me a glare.

" Paano naman kasi, what if nagbago na agad ang isip ni Enzo?, what if my villain soon to be Mother in law successfully persuaded him na huwag na akong pakasalan? Lalo na at alam naman nating ayaw niya sakin." Abegail rolled her eyes again, kanina pa siya.

Masisisi niya ba ako, when Enzo announced to his family about us getting married her mother walked out. She's clearly against it.

" Please Isabelle, pang ilang ulit mo na ba yan, ano bang sabi ni Enzo sayo? Diba sabi niya, may inaasikaso lang siya para siguraduhing maayos ang lahat sa nalalapit na opening ng bagong Mall ng Leviste Corp, which is Mall mo rin kasi you technically own the company remember?" pasalampak na umupo ako sa tabi niya.

" Finally, thank you very much, ako ang nahihilo sayo." tinulak ko ang balikat niya. Bigla naman akong natuwa ng tumunog ang cellphone ko. Baka si Sungkit na ang tumatawag.

" Hi baby.." I hurriedly answered without checking kung siya nga ang tumatawag. The person on the other line chuckled.

" Oh! Sorry Sis.." napakagat nalang ako sa labi sabay tampal sa noo ko. Si Ate pala..

" Ate.., Ha- hi..nagpatawag ka?" sinipa ko sa paa si Abegail ng tumawa ito.

" Inaantay mo ba ang tawag ni Enzo? Don't worry mabilis lang ito. Itatanong ko lang sana kung gusto mo ba ng grand wedding? Tumitingin tingin kasi kami ni Mommy ng mga design para alam mo na, tulungan ka sa preparation, mas maganda naman yon diba?, kung ready na lahat at mamimili ka nalang." Wow! Hindi naman sila excited, wala pa nga kaming napaguusapang date ni Enzo. Nagkasundo na rin kaming huwag ng mag Engagement Party. Pero ayoko namang sirain ang excitement nila ni Mommy.

" Ate, ayoko ng magarbong kasal, kilala mo naman ako, mas maganda yong tayong pamilya lang, Enzo's family at mga malalapit na kamag anak at kaibigan. I wanted a beach wedding though, just like Mom and Dad, kahit sa isa sa mga Resort lang natin. I want a simple, solemn yet memorable Wedding Day, that's it." as long as si Enzo ang groom ko. I felt my stomach flutters just by thinking, Enzo waiting for me at the end of the aisles.

Mayamaya ay may dumating na delivery, it was for me, maliliit na box na may ibat ibang slices ng cake.

Si Ate Red naman ang tumawag asking na tikman namin ni Abby ang mga iyon at emessage sa kanya ang pinakanagustuhan ko, sabi niya ikakasal ang isa sa mga kaibigan niya at sagot niya ang cake. Sinabi rin niya sa akin na pwedeng doon nalang din kami umorder for our wedding. Properly labeled naman ang bawat box at ang pinakanagustuhan ko ay ang red velvet given na yon naman ang favorite ko kahit dati pa. I messaged Ate Red at natuwa naman siya dahil pareho daw actually kami ng napili, Abby on the other hand like the chocolate cake.

Inabala ko narin lang ang sarili ko the next days, hindi naman pumapalya sa pagtawag sa akin si Enzo but I terribly missed him. Huwag lang siyang magkamaling mambabae at kakalbuhin ko sila ng babae niya sakali.

Nagulat ako ng si Tita Choleen naman ang bumisita sa Hotel.

" Tita, you're here.." napatayo at tuwang sinalubong siya.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon