Chapter 34

21.2K 662 184
                                    

HINDI ako pweding magkamali, hindi si Mommy ang kaharap ko ngayon. It's her twin sister, my Auntie Choleen De Luna Velasquez.

" I miss you Isabelle, surprise!!!." napansin ko na may dala itong trolley na katamtaman ang laki.

Niyakap ko siya ng makabawi ako sa pagkabigla. " I miss you too Tita, this is indeed a surprised. " umatras ako para makapasok siya.

" Abby, hindi siya si Mommy, siya si Tita Choleen, my Mom's twin." napa "oh" si Abegail. " Tita, si Abby po, bestfriend ko."

" Hello po ulit, sorry po, akala ko po talaga si Tita Trisha kayo, kambal nga po talaga kayo." titig na titig si Abby sa Tita ko.

" It's okay Abby, namiss ko din namang pagkamalang si Trisha.." sabay tawa niya. Itinabi ko ang trolley ni Tita at siya naman ay naupo sa sofa.

" Ipaghahanda ko po muna kayo ng meryenda." iniwan kami ni Abby at pumunta ito ng kitchen.

" Kayo po siguro ang surprise na sinasabi ni Mommy. Alam po niyang umuwi kayo?" pero bakit dito at hindi sa Cebu siya dumeretso.

" Five days na akong nandito sa Manila Isabelle, may mga inasikaso lang ako, kasama na doon ang pagaayos sa bahay na titirhan namin dito ng Tito Zack mo at ni Liam, we're staying for good." nakangiting sabi ni Tita.

" Bakit dito sa Manila Tita? Why not in Cebu?" ayaw ba nitong malapit sa amin?

" Nagbranch out kasi ang kompanya ng Tito Zack mo at siya ang ginawang Head ng office nila dito sa Manila, bilang mas alam niya ang kalakaran dito sa Pilipinas." dinala ni Abby ang ang meryenda at iniwan niya kaming muli matapos magpaalam.

" Kasama n'yo po ba sila?" matagal ko nading hindi nakikita si Liam at Tito Zack.

" Oo Isabelle, kaso busy ang Tito Zack mo sa trabaho, ang pinsan mo naman ay inaasikaso ang paglipat niya ng school." mas matanda kami ni Ian kay Liam ng dalawang taon. " Hayaan mo at one of this days ay magkikita din kayo."

" Natutuwa po akong malapit na kayo sa amin. Anytime pwede na po kayong umuwi ng Cebu." madalas kasing wala ang mga ito sa mahahalagang okasyon dahil nasa ibang bansa.

" Me too, lumalaki na si Maui at Zion, gusto ko din silang makasama. Naiingit ako sa closeness ng Mommy mo at ng mga Bata." kagaya ni Mommy, wala din sa itsura ni Tita na may apo na ito.

" Dibali po, ngayon mas malapit na kayo pwede n'yo na silang maalagaan." tumayo si Tita at inilapit sakin ang dala niyang trolley.

" Pasalubong mo. Naipadala ko na sa Cebu ang para sa kanila." napaawang ang labi ko.

" Akin po lahat ang laman niyan?" tumango si Tita. " Tita, Thank you po." mataas ang standards ni Tita pagdating sa mga gamit, bagay na magkaiba sila ni Mommy, nanatiling simple at hindi maluho si Mom.

" I'll go ahead Isabelle, dumaan lang talaga ako, don't worry madalas na tayong magkikita sa mga susunod na araw. " aalis na siya agad?

" Tita, magmeryenda po muna kayo." pigil ko sa kanya.

Ininom nito ang juice, " Thank you, but I really have to go. Please take care of yourself, hindi ako papayag na may manakit sayo at sisiguraduhin kong may lulugaran ang sino mang magpaiyak sa pamangkin ko." matapos akong halikan sa noo ay umalis na si Tita.

Naiwan akong tulala sa mga huling sinabi niya.

" Fairness Beshy, gandara ng Tita mo." narinig kong sabi ni Abby na kalalabas lang ng kwarto. " Oh? Ano't natahimik ka d'yan? Pero alam mo Isabelle, magkaiba sila ng dating ng Mommy mo, si Tita Trisha kasi mala Angel ang aura, yong Tita mo parang nakakatakot kapag hindi nakangiti, bakit kaya no? Samantalang magkamukha naman sila ng Mommy mo, kala ko kanina magagalit siyang napagkamalan ko siyang si Tita Trisha." sabi ni Abby.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon