Chapter 52

24.5K 685 138
                                    

Lorenzo

HINAtid ko na muna si Isabelle sa condo niya bago umuwi sa bahay. May mga pinamili siyang pasalubong para sa mga kapatid ko lalo na kay Leila. She adore my sister at ganon din naman si Leila sa kanya.

" Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi Lorenzo. " salubong ni Mommy sa'kin, ibinigay ko ang mga dala ko sa kasambahay namin. I don't want to listen to her.
" Anong pumasok d'yan sa kokote mo at nagawa mong isangkalan ang buhay mo para sa babaeng yon!" as much as I hate fighting with her, hindi ako papayag na ituring niyang kung sino lang si Isabelle.

" Mahal ko si Isabelle' Mom at wala akong hindi gagawin para sa kanya kahit pa ibigay ang buhay ko." kalmado kong sagot. But I mean it..

" No!! Layuan mo ang babaeng yon Lorenzo, that girl is a fake. Ayoko sa kanya at hindi ko siya kailanman magugustuhan para sayo. Nagsinungaling siya sa ating lahat by pretending to be Alex. Hindi mababago ang pagtingin ko sa kanya kahit pa ubod siya ng yaman." really now Mom? Ano bang ginawa ni Isabelle sa kanya para kamuhian niya ito?

" What made you think na makikinig ako sa inyo Mom? Mahal ko si Isabelle whether you like it or not. She has her reasons kung bakit kinailangan niyang gamitin ang pangalang Alex, hindi siya nagsinungaling, we didn't gave her the chance para magpakilala sa atin kung sino talaga siya. She was going to tell me pero bago paman niya magawa yon, siniraan niyo na siya sa akin. You can't lecture me about her lying because you did more than that to us. Naging mabuti akong anak sa inyo at wala akong nakikitang rason para patuloy niyo akong pahirapan, nagawa niyo ng ilayo sakin si Alena, hindi ako papayag na pati kami ni Isabelle paghihiwalayin n'yo pa ulit. " nagsalubong ang kilay ni Mommy.

" Don't tell me!, nakipagbalikan ka sa babaeng yon' Lorenzo!, you must be out of your mind! " sigaw niya.

" Call it whatever you want Mom pero mahal ko siya. Kahit itakwil n'yo pa ako, mahal ko si Isabelle,  no one and nothing could change that. So deal with it kung gusto n'yo pa akong maging anak." umakyat na ako sa papunta sa kwarto ko, nakasalubong ko si Dad na marahil ay kanina pa nakikinig sa usapan namin.

" I'm sorry Dad." sambit ko bago tuluyang umakyat. I packed my things, babalik na muna ako sa Condo ko.

" Hindi ka aalis ng bahay na ito Lorenzo!" may pagbabanta sa boses ni  Mommy ng bumaba ako bitbit ang katamtamang laki ng bag na naglalaman ng ilang gamit ko.

" Hindi na ako bata para diktahan ninyo sa dapat at hindi dapat kong gawin Mommy,  I'm old enough to decide on my own." napahawak ito sa dibdib.

" Sige na Enzo, umalis kana, ako ng bahala sa Mommy mo." mabilis akong lumapit kay Dad at yumakap saka umalis.

" Lorenzo!!" sigaw ni Mommy.

Sana dumating parin ang araw ng matanggap ni Mommy na si Isabelle ang mahal ko.

Nasa Condo na ako ng magring ang cellphone ko. It was the love of my life..

"Hell.."

"Baby gusto ko ng Siomai.." hindi nga pala uso ang maghello sa amin.

Siomai daw? Tama ba ang dinig ko?

"Uyyy! Nakikinig ka ba Lorenzo? Sabi ko gusto ko ng Siomai, saka Pizza na din. Saka chocolates din nga pala." tinignan ko ulit ang screen ng cp ko, sinigurado ko lang na si Isabelle ang kausap ko, bakit parang naglilihi na siya, wala pa naman akong naipaplantang binhi sa kanya. Did i just think about?

Wow, mukhang gutom ang Baby ko ah. Hindi ba kayo lalabas ni Abby? tanong ko. Baka kasi pinagtitripan niya lang ako. narinig ko ang pagpalatak niya.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon