Chapter 39

21.1K 672 116
                                    

Alexa Isabelle

KAKAtawag lang ni Ryan, nakabalik na daw siya from Davao at nagtatanong siya kung pwede siyang pumunta ng condo mamaya. Pumayag ako syempre, four days ko na siyang hindi nakikita.

" Isabelle, hindi mo parin sinasabi sakin kung bakit ka biglang nawala sa party noong nakaraan." ilang araw na rin akong kinukulit ni Abby about sa gabing yon.

Sino ba naman kasi ang matutuwa, sa dami ng tao sa party na yon, si Lorenzo pa talaga ang nakasayaw ko. Mabuti nalang hindi niya ako nakilala. Naalala ko kung paano niya ako pinakatitigan sa mata, the asshole even asked for my name.. as if on que the name "Belle" came out my mouth. Then my cousin who's wearing his mask came just in time para mailayo ako bago pa siya makapagtanong ulit.

" Feeling ko may nangyari na ayaw mong sabihin sakin." ang kulit ni Abegail. Ilang beses kaya siyang inere?

" Wala namang nangyari kasi.." she will start teasing me again kapag nalaman niya ang encounter namin ni Leviste.

Dad called this morning, ipinaalala niya sakin ang Golden Anniversary ng RGC next month. He also told me na pormal na niya akong ipapakilala bilang bahagi ng kompanya. Ang araw na pinakahihintay ko. Gaganapin ito sa Isabelle Royal.

" Sure ka bang ayos ka lang magisa dito? Tawagan mo nalang kaya yong pinsan mong Tisoy para may kasama ka." bitbit ni Abby ang ilang pasalubong para sa Mommy at mga kapatid niya. Uuwi ito ng Cebu. Pinagbigyan ko siya na magleave ng 5 days. Mabait akong Boss.

" Don't worry about me Abegail, ikamusta mo nalang ako kay Tita at sa mga kapatid mo. Isa pa pupunta si Ryan dito mamaya." nagsalubong ang kilay niya.

" Hindi mo naman siguro balak isuko ang bataan diba?" binato ko siya ng throw pillow. Para siyang si Mitch.

" Tse! Anong akala mo sakin! Lumayas kana nga!" ngumisi lang ito.

" Loveyou too Isabelle." aniya saka lumabas na.

Pumasok na rin ako ng office. Pagdating ko ay naabutan ko si Bea sa table ni Abby, siya muna ang papalit dito pansamantala.

" Good morning Miss Isabelle." nakangiting bati niya, bagamat mailap ang mga mata nito.

" Good morning din Miss Rivera. Wag kang mailang sa akin Bea, kalimutan mo na yong nangyari sa atin noon." bahagyang nagulat ito pero agad din namang ngumiti.

" Thank you Miss. May meeting nga po pala kayo with Mrs. Choleen Velasquez mamayang nine thirty. " may usapan nga pala kami ni Tita.

Nagikot muna ako sa mga Department, so far wala naman problema. Bumalik na rin ako sa office ng masigurong maayos ang lahat sa Hotel.

" Hello Isabelle." agad akong tumayo para salubungin si Tita.

" Tita.." niyakap ko siya. Pinakatitigan ko siya ng pakawalan niya ako.

Namimiss ko na si Mommy.

" Bakit ganyan ka makatingin?" binaba nito ang dalang handbag sa table ko.

" Namiss ko lang po bigla si Mommy." kahit anong pilit ko kay Mom na pumasyal dito sa Manila, marami siyang dahilan para tanggihan ako.

" Ewan ko ba sa Mommy mo, hindi maiwan iwan si Xhan at ang mga pamangkin mo. Dibali malapit narin naman tayong umuwi hindi ba?" magkakasama sama narin kami.

" Ian called me this morning, sinabi niya sakin ang tungkol sa nalalapit na Anniversary ng RGC. Kakilala ko ang organizer na kinuha nila, just give me the list of people na iimbitahan mo, ako na ang bahala. Leave the people from Leviste Corp, I'll take care of them myself." hindi parin ako makapaniwala na nalalapit na ang paghaharap naming lahat.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon