Chapter 43

23.7K 707 128
                                    

Alexa Isabelle

I WOKE up feeling ecstatic, I'm positive that I'm  feeling this way because of lastnight. Priceless makita ang mga mukha nila. Finally naipaalam ko narin sa kanila kung sino talaga ako.

Well done Isabelle. bati ko sa sarili ko.

 Ang gaan ng pakiramdam ko, I will spent the next few days here in Isabelle Royal, as long as the people who owe me things are here. I checked the time, dumating na marahil ang Hipon dito sa Cebu sa mga oras na ito. I fix myself and went to the Restaurant. Binati ako ng ilan sa mga bisita namin kagabi na naroon at kumakain ng breakfast nila.

Kinawayan ako ni Sam, mukhang kakagising lang din nga mga ito, lumapit ako sa table nila.

" Good morning girls. Nasaan ang dalawa?" sila lang kasi ni Cindy ang nasa table.

" Ayon sila oh, kumukuha ng pagkain sa Buffet.." nguso ni Cindy habang umiinom ng coffee niya.

Nilapitan naman ako ng isa sa mga Waiter.

" Good morning po Miss Isabelle, coffee n'yo po." ngumiti ako sa kanya. They know me too well.

" My head hurts so bad, damn hangover!" reklamo ni Sam. Mukhang marami nga ang nainom ng mga ito kagabi.

Tinawag kung muli ang Waiter at nagpakuha ng gamot sa kanya sa clinic para sa hangover. Mabilis naman itong sumunod.

Bumalik sina Willy at Anton mula sa pagkuha ng pagkain sa Buffet.

" Gising na rin pala ang Prinsesa nitong Resort. Nayon ko lang narealized, this Resort is named after you, kaya Isabelle Royal." napatingin ako sa plato ni Wilfredo, now I'm hungry.

" Dad has this habit of naming RGC's Hotels and Resort after us. " sagot ko kay Willy. " Ipapasyal ko kayo sa Trisha Alexis Villa at Chloe's Haven it was named after my Mom and my sister." awang ang labi ni Wilfredo sa sinabi ko.

" Hindi kasi kayo nakikinig kagabi nitong si Anton, binanggit kagabi ang ilan pang Resort at Hotel na pagaari nila Al este Isabelle." si Sam na pinaningkitan ng mata ang nobyo.

" Wow! Ang yaman mo pala talaga Lex.." sabi ni Anton saka nagsimula ng kumain.

Ngumiti nalang ako sa halip na sumagot. Sumabay na ako kina Sam ng tumayo ang mga ito para kumuha ng pagkain sa Buffet Table.

I'm starving kaya marami rami akong kinuhang food. Eggs, Bacon, Tocino and fried Rice. Pagbalik ko sa table namin ay naroon na si Lorenzo.

" I hope you don't mind.." aniya, habang nakatingin sakin. Nagkibit balikat ako.

Napansin ko na nagsikuhan si Anton at Willy. Tahimik kaming kumain. Mabuti narin dahil gutom ako at gusto kong mabusog. I'm on my last piece of Bacon ng tumunog ang Phone ko.

Hello Ate, good morning.. bati ko sa kapatid ko.

Maui wants to spend time with you, isinama ko sila ni Yaya May at wala naman siyang pasok. Ayos lang ba, alam ko kasing may mga bisita ka. Ate must be driving dahil may naririnig akong ingay mula sa kalsada.

I don't mind Ate namimiss ko na rin siya. narinig ko ang pagtili ni Maui ng sinabi ni Ate na pumayag ako. Mukhang inagaw pa nito sa ina ang Cellphone.

Tita Isabelle malapit na po kami. See you. Iloveyou. nakuha talaga nito ang pagiging malambing ng ina.

I'm in the Restaurant Love, dito mo nalang ako puntahan. I love you too. I ended the call.

Nakita kong nakatingin silang lahat sakin. Salubong naman ang kilay ni Lorenzo.

" I'm sorry about that guy's."

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon