Chapter 33

22.5K 742 287
                                    

Lorenzo

KUNG kailan nasimulan na ang construction ng bagong branch ng  Mall na pagaari namin, saka naman nagpull out ang investor na nakausap ko mula Singapore.

Nagrereklamo na ang mga suppliers ng materyales dahil delayed ang bayad sa kanila. Nagsisialisan na rin ang ibang tenants sa mga dati naming mall dahil wala silang benta, reklamo nila ay ang mahinang airconditoned, kaya wala na halos nagpupunta sa mall namin para mamili.

Sumasakit ang ulo ko sa kaliwa't kanang problema.

Sana ay makahanap agad kami ng panibagong investor na sasalba sa kinakaharap na crisis ng kompanya. May kinakausap na si Dad and hopefully matulungan nila kami, maging ako ay may mga taong kakausapin.

Katatapos lang ng meeting ko ng tumawag si Ate Red.

Lorenzo, hindi kana nakaalalang dumalaw manlang.. bungad niya.

Ate naman, alam mo namang nagkakaproblema sa kompanya. Pasensiya kana. aminado naman ako na hindi na kami nagkikita.

Bakit kasi hindi n'yo edemanda ang lintek na investor na yon, buti sana kung biro biro yang pagpapatayo ng Mall. naisip narin namin na gawin ang sinasabi ni Ate.

We did informed him na ededemanda namin siya at handa siyang harapin ang kaso. Ang sabi ng company lawyer magkano lang ang mahahabol na danyos sa kanya. Mas kailangan namin ngayon ay panibagong investor na magpapasok ng pera sa Liveste Corp. Kung hindi mababankrupt ang kompanyang pinaghirapang itaguyod ni Dad. Hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng Tatay ko.

Nakasalalay dito ang future naming magkakapatid pati narin ang ikinabubuhay ng libo libo naming empleyado.

Sorry at wala akong milyones para ipahiram sayo Enzo. Pero may gusto akong ipakilala sayo, pamangkin siya ng kaibigan ko at wala kang dapat ikabahala dahil sigurado akong hindi pera ang magiging problema ninyo kung sakali , galing siya sa isang mayamang pamilya na owner ng ilang malalaki at kilalang Resorts at Hotel sa Cebu. She's actually the General Manager of Zhoe Grand ang kaunaunahang Hotel nila dito sa Manila. Nakuha pa talaga ni Ate na ilusot ang pangrereto niya sa gitna ng mga problema ko.

Wala akong panahon para makilala kung sino man yan Ate. Marami akong dapat unahing mas mahahalagang bagay. Kung yan lang ang itinawag mo, I have to go, may kakausapin pa akong mga tao. I have a company to save at wala akong oras sa babae.

Bahala ka sa buhay mo. Malay mo siya na ang sagot sa mga problema mo. Bye. Hinilot ko ang sentido ko pagkababa ko ng telepono.

Si Ate talaga kahit kailan, ang hilig akong ereto kung kanikanino.

Kung sino sino ang nilapitan ko para kausapin, pero lahat sila walang matinong sagot sa problema ko. Nasayang ang buong hapon ko sa wala.

Balak ko sanang magovertime kahit Friday ng tumawag si Anton. Niyayaya niya akong lumabas, tinanggihan ko siya pero ayaw nitong paawat, nagulat nalang ako ng sumulpot siya sa loob ng opisina ko.

" Enzo naman, kailangan mo ring huminga. Bigyan mo naman ang sarili mo ng kaunting oras." wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Umuwi muna ako ng condo para makapagpalit, bumili naman siya ng dinner ko at nakalimutan ko na namang kumain.

Nagpahinga lang ako saglit pagkakain tapos ay bumyahe na kami papunta sa Bar ni Willy. Medyo matraffic kaya antagal ng byahe namin. Pagdating na sa Waze ay nauna akong bumaba, naghanap naman ng Parking si Anton, byernes kasi kaya punuan ang parking lot.

Maldita Princess (Completed)Where stories live. Discover now