Chapter 49

25K 717 104
                                    

Alexa Isabelle

HINDI parin siya nagkakamalay hanggang ngayon. Mahigit 48 hours na siyang tulog. Ang sabi ng Doktor dahil daw yon sa mga dugong nawala sa kanya pati narin sa inflection sa sugat niya dahil sa matagal na pananatili ng bala sa balikat niya.

Kahit sana ayoko ay tinawagan nila Anton ang Pamilya niya para ipaalam sa kanila ang nangyari. Gusto ng Dragona niyang ina na ilipat siya ng Hospital sa Manila, mabuti nalang hindi pumayag ang Daddy niya. Enzo choose to stay kaya nagpaiwan daw ito ng Cebu at sigurado siyang hindi nito gugustuhing ilipat ng Manila.

Dad assured them na hindi namin pababayaan si Enzo. He will get the best medical treatment para lang masigurong gumaling siya. Nilipat narin namin siya ng Cebu Doctors Hospital, ang Saint Lukes ng Cebu.

Nagpaiwan ang mga kaibigan niya, sina Mitch, Leo at Abby ay nakabalik na ng Manila, pati narin si Perlita.

" Baka naman may balak kang gumising na Sungkit, ang haba na ng itinulog mo, feeling mo naman Sleeping handsome ka ganon? Subukan mo lang hindi gumising, ako mismo ang magpapatulog sayo habangbuhay.." kanina ko pa siya kinakausap. Ako ang nagpresentang magbantay sa kanya.

" Nakausap na ni Dad ang Pamilya ni Veronica, hindi sila aware sa plano nito at sa pagpapakidnap sakin, ang Lola at Lolo niya pala ang halos nagpalaki sa kanya dahil naging alcoholic at nadepressed ang Mommy niya. May ibang Pamilya na ang tunay niyang ama at kinikilala naman daw siya nito pero iba ang ipinasok sa isip niya ng ina nito at yon ang pinaniwalaan niya, na si Daddy ang ama niya kaya siya nagkaganon. Hindi siya pwedeng makulong Enzo, dahil mentally unstable din siya. Dadalhin na siya sa ibang bansa ng Grandparents niya para ipagamot. Nangako silang hindi na niya kami gagambalain pa kaya gumising kana d'yan, marami pa tayong dapat pagusapan." hinawakan ko ang kamay niya. " I need to tell you something, hindi naman talaga ako nasaktan na niloko ako ni Ryan, hindi ko siya mahal, pinaniwala ko lang ang sarili ko na mahal ko siya para sana kalimutan ka. Ikaw kasi, sinaktan mo ako." ipinatong ko ang noo ko sa gilid ng higaan niya at hinayaan ang sarili kong umiyak.

" I'm sorry.." I froze.. " I'm sorry Isabelle." umayos ako ng upo at pinahid ang mga luha ko.

" You're awake.." tumango ito. "Sandali, tatawag lang ako ng Doctor." agad akong lumabas at tinawag ang Nurse.

" Baka patulugin mo kasi ako ng habangbuhay kaya gumising na ako." Oh' narinig niya yon?

Hinayaan ko muna ang Doctor na tignan siya ng dumating ito. Stable na daw ang kundisyon niya at liban sa papagaling na sugat he's all good. Bukas ay maari na daw itong lumabas.

" Kulot ako, kaya mahaba ang buhay ko." ano namang kinalaman ng pagiging kulot niya.

" Anong sinasabi mo d'yan?"

" Diba nga basta kulot salot kaya matagal pa akong mamamatay." sabay tawa niya, Maya maya ay napangiwi ito, marahil kumirot ang sugat.

" Kapag hindi ka pumirmi d'yan akong papatay sayo! Wag kang malikot, baka dumugo yang sugat mo." puro talaga kalokohan..

" Ang sweet mo talaga Baby, payakap nga.." itinaas ko ang kamao ko sa kanya.

" Niyakap mo naman ako noong nasa kubo tayo ah, sige na please, wag kana mahiya sakin." sabay pout ng bibig nito.

Nako, dinadaan niya na naman ako pagpapacute niya..

" Tumigil ka d'yan, magpagaling ka agad baka sakaling pagbigyan kita." sukat sa sinabi ko ay bigla itong bumangon. Itinukod pa nito ang kaliwang kamay.

" Oucchhh!" sabay sapo nito sa balikat.

Pinitik ko ang noo niya sabay alalay sa kanya na mahiga ulit.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon