Eighteenth Promise

1.1K 60 0
                                    

NAKARAMDAM ng pagkailang si Misoo ngayong kaharap na uli niya sina Wynn at Elnora. Aaminin niya, ngayong kalmado na siya, na-realize niya kung gaano siya naging ka-unfair sa dalawa. Lalo na sa huling isinumbat niya sa mga ito. Tinamaan tuloy siya ng hiya.

"I'm sorry," sabay-sabay na sabi niyaat nina Wynn at Elnora.

Nagkatinginan silang tatlo, saka sabay-sabay ring natawa nang mahina. Sa pagkakataong iyon, natibag na ang nakakailang na katahimikang namuo sa kanila mula nang pumasok sila sa kuwarto.

Humugot ng malalim na hininga si Misoo bago muling nagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Wynn at Elnora. "I'm sorry for being a selfish jerk. I lashed out at you because I needed an outlet. Hindi ko kasi alam kung paano ilalabas ang frustration ko kanina dahil hindi ko pa naiintindihan ang nangyayari. Pero ngayon, alam ko na kung bakit n'yo nagawang maglihim sa 'kin."

"We're sorry, too, for lying to you," nahihiyang sabi naman ni Elnora. "At kung hindi kami nakasagot agad sa huling tanong mo kanina. To be honest, friendship is a strange concept to us. Sa mundong kinamulatan namin, para kaming mga sundalo na sumusunod lang sa utos. Hindi rin kami puwedeng magpakita ng emosyon at ma-attach sa mga kliyente namin dahil alam naming pansamantala lang ang relasyong binubuo namin sa kanila.

"Aaminin ko rin na no'ng una, inakala kong umaarte lang kami bilang mga kaibigan mo dahil kasama 'yon sa job description namin. Ang magpanggap na malapit sa 'yo para kung malagay ka man sa panganib, madali ka naming mapoprotektahan.Pero dahil sa tanong mo kanina, napaisip ako. Kami ni Wynn. And you know what? Na-realize ko na hindi na pala ako umaarte. Pinoprotektahan kita hindi dahil misyon namin 'yon kundi dahil mahalaga ka na sa akin bilang kaibigan."

"Gano'n din ako," sabi naman ni Wynn. "I used to think of you as a VIP client, Misoo. Pero no'ng nasa UnderGround tayo, nakaramdam ako ng matinding kagustuhan na iligtas ka. Not because I have to protect you but because you're a friend."

Hindi emosyonal na tao si Misoo. Sa katunayan, madalas ay wala siyang emosyon maliban na lang kung malalagay siya sa matinding panganib kasama ang mga taong mahalaga sa kanya. Pero nang mga sandaling iyon ay talagang nangilid ang mga luha niya at hindi niya iyon itinago sa mga kaibigan. "I'm happy to hear that before I leave. Wynn, Elnora, nag-decide akong pumasok sa Academy para maging isang Hunter. Kung gusto n'yo akong protektahan, gusto ko rin kayong protektahan. Hindi ko 'yon magagawa kung hindi ko matututuhang gamitin ang kapangyarihan ko nang tama."

"Inubos namin ang pagkabata namin sa Academy," sabi ni Wynn sa seryosong boses. "Misoo, hindi madali ang buhay do'n. Bukod sa malalagay ka sa panganib dahil sa mahihirap na training at trials, masasakal ka rin sa mga utos nila. Sa oras na tumapak ka sa lugar na 'yon, kailangan mo nang sundin ang lahat ng batas nila at sumunod sa mga nakatataas."

"There are so many injustices in the Academy that they will force you to overlook," dagdag ni Elnora sa mapait na boses. "We don't mean to discourage you. Gusto lang naming malaman mo kung anong klase ng mundo ang papasukin mo."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit umalis kayo ng Academy para maging mga Rogue?"

Sabay na tumango sina Wynn at Elnora pero hindi na nagpaliwanag. Hindi na kailangan dahil sa hinanakit pa lang sa mga mata ng dalawa, halatang may hindi magandang karanasan ang mga kaibigan niya sa Academy.

Hinawakan ni Misoo ang isang kamay ni Wynn at ang isang kamay ni Elnora. "Salamat sa warning. Don't worry, I will be extra careful in the Academy. If things go wrong for me, I will run away as fast as I can."

"And call us," dagdag ni Elnora. "Itatakas ka agad namin sa lugar na 'yon."

"May bago na kaming misyon ngayon," sabi naman ni Wynn sa malungkot na boses. "Pero tandaan mo, Misoo, isang tawag mo lang at tatalikuran namin ang lahat para mapuntahan ka."

Napangiti siya. Marahan niyang pinisil ang mga kamay ng mga kaibigan. "Thank you for protecting me all this time. Paglabas ko ng Academy ay mas malakas na ako. Makakalaban na ako sa tabi ninyo sa panahon na 'yon."

"I don't think Hunters and Rogues mix well," natatawang biro naman ni Wynn. "But you're an exception. Hunter or not, you are still our best friend."

Tumango si Elnora bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Wynn. "Kapag may nang-api sa 'yo sa Academy, isumbong mo lang sa 'min. The Hunter Clan is full of stuck-up bitches and arrogant assholes who think they deserve to be worshiped just because they slay demons while most clans can't. Kapag may umaway sa 'yo, susugod kami ro'n at ipapaalala namin sa mga Hunter na 'yon kung bakit minsan ay kinatakutan ng clan nila ang mga Rogue."

Nagpanggap siya na nainsulto. "Hindi n'yo naman siguro naisip na magpapaapi ako sa kung sino lang, 'di ba?"

Ngumiti si Elnora na parang proud sa kanya. "That's our girl."

Niyakap niya ang mga kaibigan. "I will miss you, guys."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon