Twenty-first Promise

1.1K 63 0
                                    

"WELL, kung ako ang tatanungin, mas bagay siguro siya sa clan ko," sabi ni Aries habang titig na titig kay Misoo mula sa salaming bintana na naghihiwalay sa opisina na kinaroroonan nila at sa lounging area kung saan nakaupo ang dalaga habang nagbabasa ng libro. "I'm gay but I find Misoo McCollins really beautiful. Kung magiging totoong babae ako, gusto kong maging kamukha at kasing-sexy niya. If I have that face and body, I'd never stop dating boys."

Kumunot ang noo ni Syndrome sa iritasyon. Kahit pa bading si Aries, hindi pa rin niya nagugustuhan ang mga sinasabi nito tungkol kay Misoo. "Excuse me?"

"What? Misoo McCollins will be a good addition to my clan. Trabaho ng Questor Clan ang magpasok ng mga bigating sponsor para sa Academy sa pamamagitan ng pang-aakit ng mga kliyente sa ginagawa kong reality show. Kung magiging part ng show ko si Misoo, kasama ang ibang mga Questor, tataas lalo ang ratings namin. Siguradong mabilis siyang sisikat bilang celebrity host at marami rin siyang magiging fanboys na magiging willing mag-donate sa 'tin."

Tiningnan niya si Aries nang masama. Hindi na rin niya napigilan ang pagtaas ng spirit force dahilan para liparin ang lahat ng magagaang bagay sa paligid. "Huwag kang magsalita na para bang ibubugaw mo si Misoo dahil kapag hindi ka pa tumigil, babasagin ko talaga 'yang mukha mo. I don't care if it will start a war between our clans."

Nangalumbaba lang si Aries sa mesa, halatang hindi tinablan ng pagbabanta niya. "Chill ka lang, Syndrome." Sa pagkumpas ng isang kamay nito ay lumutang ang lahat ng gamit na bumagsak at ginulo niya at kusang bumalik ang mga iyon sa kanya-kanyang puwesto. "I'm sorry, okay? Ang gusto ko lang namang sabihin, she's too pretty to be a Hunter. Mukhang isang angil lang ng Undertaker ay iiyak na siya at tatakbo pauwi sa bahay. Baka mas bagay siyang mag-host ng reality show kasama ko."

Kumalma naman siya sa paliwanag ni Aries. "Oh, don't worry about that. Hindi lang halata kay Misoo pero matigas ang bungo niya."

Naroon ngayon si Syndrome sa opisina ni Aries para tuparin ang pangako niya na ito ang unang makakaalam kapag natuklasan na niya ang tunay na pagkatao ni Misoo McCollins.

Nang magbakasyon si Misoo kasama ang mga magulang nito bago niya dalhin sa Academy ang dalaga ay nagkausap na sila ni Aries. Pero siyempre, hindi niya sinabi ang buong katotohanan.

Ang sinabi lang niya ay anak si Misoo ng isang Alumna kaya may kakayahan ito gaya ng lahat ng Guardians sa mundo. Pero sa takot ng mommy nito na ipasok ang dalaga sa magulong mundo nila, itinago nito ang anak mula sa Spirit Guild. Oo, nagsinungaling nga siya. Kaya nga parating protektado ang isipan niya para hindi mabasa ng mga Questor at Medium ang mga naiisip niya. Kahit pa sina Aries at Serene ay hindi mababasa ang isip niya nang walang permiso.

Sinabi rin niya kay Aries na ang mga Rogue na umatake sa kanila na inakala nilang mga bantay ni Misoo ay mga Guardian din na anak ng mga Alumna. Na natakot lang ang mga ito na madala nila sa Academy kaya inatake sila.

Iyon ang napili niya na kuwento dahil kung Alumna ang mga magulang ng isang Guardian na papasok sa Academy, wala nang kukuwestiyon sa katauhan ng mga Alumna na ito bilang respeto sa katahimikan at kalayaan na natamo na ng mga ito sa pagtalikod sa Spirit Guild. Hindi rin bago sa kanila ang atakihin ng mga Guardian na takot pumasok sa Academy.

Ibig sabihin, wala nang magtatanong kung sino ang mga magulang ni Misoo. Nag-iingat lang siya dahil kapag may nakaalam na si Lady Mirasol Grace ang tumayong ina ni Misoo, posibleng may makaisip na may koneksiyon ito sa prinsesa. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari.

Kaya nga nakahinga siya nang maluwag nang hindi na nagtanong si Aries tungkol sa family background ni Misoo nang sabihin niyang anak ito ng isang Alumna at itinago sa dalaga ang katotohanan tungkol sa mundo nila kaya lumaki itong walang kaalam-alam sa pagiging Guardian. Kung Alumna kasi ang mga magulang ng isang Guardian na pinalaki bilang isang Outsider, wala nang magtataka kung bakit humaba ang buhay nito sa kabila ng pagkakaroon ng malakas na spirit force at kawalan ng proteksiyon mula sa Spirit Guild.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon