8TH SACRIFICE

563 26 1
                                    

RAMDAM na ni Misoo ang pagpapakita ng mga Reaper ng awa sa kanya.

Dahil sa pinsala niya, hindi siya naka-attend sa announcement ng Second Trial. Pero salamat sa voice recording ni Zooey, parang nakadalo na rin siya. Hanggang sa matapos ang pakikinig niya sa anunsiyo ay nakangiti siya.

Bakit? Simple lang. Ganito ang paliwanag ni Aries:

"Para sa Second Trial, kailangan niyong ihiwalay ang kaluluwa niyo sa katawan niyo. While in your spirit form, you have to break the barrier that we, the Clan Heads, will create to protect the things we will ask you to collect. The full details will be explained tomorrow before the exam."

Kayang-kaya ni Misoo na ihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Natural na niyang nagagawa 'yon simula pagkabata. Hininto niya lang 'yon nang sabihan siya ng mommy niya na hindi niya dapat ginagawa 'yon ng walang dahilan.

Pero naaalala niya pa kung paano gawin 'yon. Madalas, kapag sobrang pagod siya at bigla na lang siyang nakakatulog, nagigising siya na nkahiwalay na ang kaluluwa sa katawan niya. Pagkatapos, napupuntahan niya ang mga lugar na naiisip niya. 'Yon nga lang, may limitasyon ang nararating niya. Kapag mas malayo, mas mabilis din siyang nagigising.

Ang problema na lang niya ay ang pagsira ng barrier habang nasa spirit form siya. Bukod sa paglutang noon, wala pa siyang ibang ginawa kapag humihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya.

"Ordinary humans call this process 'astral projection,'" mayamaya ay sabi ni Zooey na pumutol sa pagmumuni-muni niya. Nakasandal ang babae sa headboard ng kama nito habang may binabasang makapal na libro. "Nagawa mo na ba noon na ihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo, Misoo?"

Humiga siMisoo sa kama niya, habol ang hininga. Nag-jogging kasi siya paikot sa dormitory kanina para pagurin ang sarili niya. "Luckily, I have done that numerous times before. Hindi ko rin alam kung pa'no ko nagagawa 'yon. Pero siguro, natural sa mga Guardian ang ability na 'yon, 'no?"

Tumango si Zooey, hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa nito. "Tama ka, Misoo. Natural para sa mga gaya nating Guardians ang makontrol ang kaluluwa natin. That what makes us different from ordinary humans after all."

"Ang problema ko na lang ngayon, hindi ko pa nasusubukang gamitin ang spirit force ko habang nasa spirit form ako," nakalabing reklamo naman ni Misoo.

Zooey laughed softly. Wow, the usually poker-faced girl actually chuckled. "It's easier to control your powers in your spirit form, Misoo. Kaya nga nagagawa nating lumipad, mag-teleport, at tumagos sa mga solidong bagay kapag kaluluwa lang tayo. Kapag nasa loob tayo ng katawan natin, limitado lang ang paggamit natin sa spirit force natin. Pero kung wala ang 'barrier' na 'yon, malaya nating mapapakawalan ang kapangyarihan natin."

Napaisip si Misoo do'n. "Well, may point ka." Tiningnan niya ang naka-glove niyang kamay. "Kailangan kong gawin ang lahat para makuha ko ang highest score sa Second Trial. Kung hindi, si Lord Wren mismo ang sisipa sa'kin paalis ng Academy."

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari."

Kunot-noong nilingon ni Misoo si Zooey. Sa pagkakataong 'yon, nakasara na ang librong binabasa nito at nakatingin sa kanya ang kaibigan niya. Blangko ang mukha nito, pero may pagkaaliw sa mga mata. "Alin do'n?"

"Una, hindi ka sinipa ni Lord Wren palabas ng kuwarto niya. Pangalawa, pumayag siya sa kasunduang ginawa mo. At huli, mukhang hindi ka na-trauma nang makaharap mo siya."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Misoo. "Bakit naman ako ma-to-trauma?"

Nagkibit-balikat si Zooey. "'Yong mga Guardian na unang beses nakikita si Lord Wren at sa kakaibang paraan niya ng pakikipag-usap, nag-fi-freak out. They even talk shit behind his back. Pero ikaw, pagkatapos natin siyang makausap kagabi, hindi mo ginawa 'yon."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon