25TH SACRIFICE

528 28 0
                                    

ANG AREA na napunta kina Misoo ay ang parte ng Graveyard kung saan halos wala nang mga puntod. Puro nagtataasang mga damo ang makikita ro'n at mga walang pangalan o tanda man lang na mga lapida. Iyon yata ang pinaka-creepy na bahagi ng sementeryo.

"Just my luck," paungol na reklamo ni Noah. "Dito rin sa parte na ito ng Graveyard ako napunta no'ng unang sabak ko sa Third Trial. Just so you know, my partner and I failed that time."

Zooey scoffed at that. "We're not you and your partner."

Ngumisi si Noah. "Sana nga, hindi kayo magaya sa'min. Ayokong nakakakita ng mga babaeng Student Guardian na umiiyak sa takot kapag lumabas na ang mga totoong Undertaker."

Binigyan ni Zooey ng blangkong tingin si Noah. "I've seen worse demons than Undertakers, and I'm still mentally sound. Hindi na ko siguro ako mapapaiyak ng mga demonyo pagkatapos no'n."

Kumunot ang noo ni Noah sa pagtataka, halatang walang alam sa nakaraan ni Zooey. Akmang magsasalita pa sana ang binata, pero siniko na ito ni Miss Bella sa sikmura.

"Leave the girls alone," saway ni Miss Bella kay Noah. "We're only here to observe and to interfere when things go bad."

"Fine," halatang napipilitan lang na pagsang-ayon ni Noah.

Si Misoo naman, nilabas na mula sa holster sa hita niya ang dagger niya na may mint-green hilt. Kumislap ang talim niyon nang tamaan ng liwanag mula sa hawak na malaking flashflight ni Zooey. "Magbibigay sila ng sign kapag pakakawalan na ang mga Undertaker, 'di ba?"

Tumango naman si Zooey. Hawak nito sa kanang kamay ang espada na mukhang fencing sword sa sobrang nipis ng talim niyon. But with her blank look and fire in her eyes, the weapon looked deadlier. "Maghanda ka na, Misoo. Sa oras na makawala ang Undertaker na naka-assign sa'tin, siguradong susugod agad 'yon. Ilang araw din 'yong nakakulong sa portal na ginawa ng mga Clan Head, kaya sigurong gutom na gutom 'yon paglabas."

Tumango si Misoo. Mas humigpit ang hawak niya sa dagger niya. "Okay."

A loud whistle suddenly pierced the night. Kasabay niyon ay ang paglabas ng mga nabulabog na mga ibon at paniki mula sa kagubatan na nakapaligid sa Graveyard.

"That's the signal," sabi ni Zooey, saka binitawan ang malaking flashlight sa ibabaw ng isang buradong lapida.

Humugot naman ng malalim na hininga si Misoo. Malinaw naman ang mga mata niya sa dilim kaya walang problema sa kanya kahit ibinaba na ni Zooey ang malaking flashlight.

Tumingin siya sa paligid nang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Naging mas malamig at mas mabigat iyon. Sa bawat hampas ng mabining hangin sa balat niya, gumagapang ang kilabot sa buong katawan niya. May parang tunog ng static din siya naririnig sa mga tainga niya, pero hindi niya 'yon pinansin dahil kailangan niyang mag-focus sa parating na Undertaker.

Mayamaya lang, may bumukas na pabilog na portal mula sa lupa. Malaki 'yon, para ngang may ipu-ipo sa loob niyon dahil biglang lumakas ang hangin. Nagsiliparan ang mga damo at magagaang na mga bato sa paligid. Kasabay niyon, unti-unting lumabas ang isang umuungol na Undertaker na nakakapanayo-balahibo dahil halatang nagmula sa ilalim ng lupa ang ingay niyon.

Napalunok si Misoo. Heto na, simula na ang totoong laban. Tuluyan nang nakalabas mula sa portal ang Undertaker, pero nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang mabistahang mabuti ang kakaiba at kahindik-hindik na eksenang sumalubong sa kanya: isang malaking aso na parang lobo na ang sukat, itim na itim ang balahibo, pula ang mga mata, at tumutulo ang laway na parang asido dahil natutunaw ang binabagsakang damuhan niyon. Kakaiba iyon kaysa sa mga Binge-Feeder na nakalaban niya noon na mukhang mga aso, pero marami namang matatalis na mga pangil. Pero ang isang ito, mas mukhang normal maliban na lang siguro sa kulay ng mga mata. Isa pa, mas malakas ang enerhiyang nararamdaman niya mula sa bagong dating na nilalang.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon