GUSTONG-gusto ni Misoo ang naging hitsura ni Syndrome habang pasulyap-sulap sa bagong kulay niyang buhok. Panay ang simangot nito at tuwing magkakasalubong ang mga mata nila ay pinupukol siya nito ng matalim na tingin. Nakakatuwa talaga na nakuha niya ang inaasahang reaksiyon mula sa lalaki.
Mula sa pagiging kulot, deretso na ngayon ang mahaba niyang buhok. Hindi na rin pula ang kulay niyon. Itim iyon mula sa ituktok ng kanyang ulo hanggang sa ilalim ng kanyang mga tainga. Mula naman doon hanggang sa dulo ng buhok niya na umabot sa kanyang likuran ay kulay-mint green na iyon.
When she was fourteen, she started to change her hair color frequently—much to her parents' chagrin. Pero walang nagawa ang mommy at daddy niya dahil alam ng mga ito kung gaano niya kaayaw sa natural na kulay ng kanyang buhok.
"Alam mo, kung nanakawan mo 'ko ng tingin, siguruhin mong hindi tayo maaaksidente," nakangising sabi niya kay Syndrome na kasalukuyang nagmamaneho. "Sigurado akong kaya kong pagalingin ang magiging injury natin, pero hindi applicable ang ability ko sa nonorganic things like your handsome Mustang."
"You love standing out, don't you?" angil ni Syndrome.
Pinaikot niya ang mga mata. "Ikaw ang nagsabi sa 'kin na baguhin ko ang kulay ng buhok ko."
"Sinabi ko nga 'yon. But when I said that, I meant you changing back your hair to its natural color."
"I look prettier with my new hairstyle and new hair color," giit niya, matalim na ang tingin. "Wala ka nang dapat ikareklamo, 'no. Nakikitingin ka na nga lang diyan."
Pinukol lang siya ni Syndrome ng iritadong tingin pero hindi naman ito kumontra at itinuon na lang ang atensiyon sa daan.
Nagpasalamat si Misoo sa katahimikan na ngayon lang nakuha. Binuklat uli niya ang itim at makapal na notebook na kanina pa binabasa.
Sinundo siya ni Syndrome sa private resort kung saan sila nagkaroon ng isang araw na bakasyon ng mommy at daddy niya. Eksakto lang ang pagdating ng lalaki dahil katatapos lang niyang magpakulay ng buhok at handa na siyang umalis. Ang mga magulang uli niya ang nag-empake ng mga gamit niya dahil may idinagdag ang mga ito.
Isa na roon ang notebook na kasalukuyan niyang binabasa. Ayon sa mommy niya, pag-aari iyon ng kaibigan nitong Hunter noon at makakatulong daw ang mga notes na nakasulat doon para makapag-adjust siya sa Academy. Para na rin daw may ideya siya kung anong klase ng eskuwelahan ang papasukan niya.
Nagsisimula pa lang siya pero nagugustuhan na niya ang mga nakasulat sa notebook. Bukod sa maganda ang penmanship, detalyado rin ang mga impormasyong nababasa niya.
Hindi na siya inihatid ng mommy at daddy niya sa Fourth Order Academy dahil isa nang Alumna ang kanyang ina. Bilang Alumna, hindi na ito puwedeng magpakita uli sa Spirit Guild. Kaya si Syndrome na lang ang sumundo sa kanya at ito rin ang maghahatid sa kanya sa bago niyang eskuwelahan.
Bigla siyang napangiti nang maalala ang mga 'bilin' ng mga magulang kay Syndrome kanina.
"Tuparin mo ang pangako mong iingatan ang anak namin, Syndrome," maluha-luhang sabi ng mommy niya. "I will kill you if you let anything bad happen to her."
"But before my wife ends your life, I will skin you alive first," karagdagang banta ng daddy niya bago siya binalingan. "And remember what I taught you, daughter. If he gets weird, sucker punch him or hit him in the groin. I don't care if he loses his testicles."
Nanatili lang na tahimik at nakasimangot si Syndrome habang kung ano-anong pagbabanta ang sinasabi rito ng mommy at daddy niya. Pero sa kabila ng pagsimangot ng binata, wala siyang nakitang hihinanakit o hostility rito para sa kanyang mga magulang. Para bang natural na defense mechanism lang talaga nito ang pagsimangot at hindi palatandaan ng kabastusan.
BINABASA MO ANG
The Fourth Order Series
Fantasy[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata, hinahabol na ng mga demonyo si Misoo. Alam niyang special siya pero ayaw na niyang malaman kung ano siya. Pero nakilala niya ang aroganteng...