6TH SACRIFICE

506 32 0
                                    

MAS lalong hindi nakatulong sa pagdedesisyon ni Syndrome nang pagpasok niya sa Infirmary ay nakita niya si Misoo na nakahiga sa hospital bed, halatang hinang-hina. Sinubukan niyang huwag pansinin ang benda sa kaliwang balikat nito.

Ayon kay Lord Wren, nahiwa ng scythe ng Undertaker ang dalaga. Ilang beses na siyang nagkaro'n ng gano'ng pinsala, kaya alam na alam niya kung gaano kasakit 'yon. Idagdag pa na parang may asido sa talim ng mga sandata ng mga demonyong 'yon.

Higit sa lahat, nag-iiwan 'yon ng peklat. Sa pagkakakilala niya kay Misoo, alam niya kung gaano ito kaalaga sa balat nito, kaya siguradong madidismaya ito kapag nalaman nitong hindi naaalis ang iniiwang marka ng mga Undertaker sa katawan ng mga o sa tulad nitong part mortal at part demon din.

God. I want to kill myself. Kung puwede lang sa'kin mapunta ang pinsala niya...

Tumayo si Zooey na nakaupo sa stool sa gilid ng kama nang makita siya nito. "Sir Rathbone."

Pormal sa kanya si Zooey dahil may dalawang HIT na nagbabantay sa loob ng kuwarto, at dalawa namang Professional Hunter sa labas. Humigpit lalo ang pagbabantay sa buong Academy pagkatapos ng nangyari ngayong gabi.

Tumango lang si Syndrome bilang pagbati kay Zooey. Pagkatapos, binalingan niya ang mga HIT sa loob. "Iwan niyo muna kami ni Miss McCollins."

Tumango ang mga HIT at magalang na yumukod bago tahimik na lumabas. Gano'n din ang ginawa ni Zooey na nagsabing bibili lang ng kape.

Umupo si Syndrome sa stool kung saan nakaupo si Zooey kanina. Napasimangot siya nang makita ang malaking gasa sa baba ni Misoo na may bahid pa ng dugo. Hindi 'yon nakabawas sa kagandahan ng prinsesa, pero sigurado siyang masakit 'yon lalo na't narinig niya sa report ng doktor kanina na tinahi ang karamihan sa mga sugat nito sa katawan.

Walang ibang Guardian ang may kakayahang pagalingin ang pinsalang dulot ng isang Undertaker, kaya wala ring nagawa ang mga doktor ng Academy para mabilis na paghilumin ang sugat ni Misoo. Kailangang tiisin ng dalaga ang sakit hanggang sa unti-unti 'yong maghilom. At napakabagal maghilom ng mga sugat mula sa sandata ng mga demonyo.

Dammit. Why did I let you out of my sight, Your Highness?

Of course, Syndrome knew he was being ridiculous. Hindi naman niya puwedeng samahan si Misoo sa bawat pagsubok na pagdadaanan nito at mas lalong hindi puwedeng parati siyang nakabuntot sa dalaga. Kailangan niyang respetuhin ang caste system sa mundo nila. Masakit mang sabihin, pero sa kasalukuyan ay siya ang tinitingalang Hunters' Clan Head samantalang ang prinsesa ay nakikita lamang ng ibang mga Guardian bilang estudyante.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig kay Misoo. Namalayan na lang niya na nakatitig na pabalik sa kanya ang mga mata nitong nagkukulay-ginto dahil sa liwanag.

"I'm not yet dead," she said with a weak smile. "Kaya hindi ka pa puwedeng mag-celebrate."

Napasimangot si Syndrome. "Nakabakasyon ang sense of humor ko ngayon, Misoo. Babalik lang siguro 'yon kung aalis na ka sa ospital na 'to. Sa oras na 'yon, papatulan ko na ang pang-aasar mo."

Ipinaikot ni Misoo ang mga mata. "Gee. Can't wait for Mr. Sarcastic to make a comeback, babe."

Ngingiti sana si Syndrome kung hindi lang nakaratay sa kama si Misoo dahil sa kapabayaan niya. Dinala niya ang prinsesa sa Academy para masigurong ligtas ito. Pero wala pang isang linggo, nalusutan na agad siya ng isa pa man ding Undertaker.

"She might get killed at the next Trials, Syndrome. Are you willing to take that risk?"

Bilang ang bagong Hunters' Clan Head na sumumpa ng katapatan kay Misoo, sinagot niya ang tanong ni Lord Wren sa paraan na dapat lang gawin ng Hunter na tapat sa prinsesa na tulad niya. Pero bilang si Syndrome Daniel Rathbone, ibang-iba ang gusto niyang mangyari.

"Why don't you just go home to your parents, Misoo?" halos pabulong na tanong ni Syndrome. Sa totoo lang, namalayan niya lang na nasabi niya 'yon ng malakas nang marinig niya ang boses niya.

Gumuhit ang sakit at paghihinanakit sa mukha ni Misoo. "You did not just ask me that, did you?"

Hindi sumagot si Syndrome. Bigla niya kasing naalala ang gabing wala siyang nagawa para tulungan si Lady Suzanne. Kasunod ng balitang namatay daw sa aksidente ang prinsesa. Gano'n din ng gabing narinig niya ang balitang kinain ng Undertaker si Blake habang nasa malayo siya.

Sa tatlong makadurog-pusong pangyayari na 'yon sa buhay niya, naramdaman niyang wala siyang silbi. 'Yon eksakto ang nararamdaman niya ngayon. Nasa tabi na nga siya si Misoo, nasaktan pa rin ito ng isang demonyo.

Am I destined to fail everyone I deem important?

Bumuga ng hangin si Misoo at tumingin sa kisame. "Wow. That was a huge blow, Syndrome. Mas matalim pa sa scythe 'yong mga sinabi mo ngayon. You're just like everyone else. Hindi kayo naniniwalang may kakayahan akong mag-stay dito sa Trials."

"Hindi gano'n 'yon, Misoo. Gusto lang kitang protektahan."

"That's even more insulting," paghihinanakit naman ni Misoo, hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Isa akong Guardian, Syndrome, kagaya ng ibang kumukuha ng Trials ngayon. Pero sa ipinapakita mong desperation para maging safe ako, pinaparamdam mo lang sa'kin na mahina ako. Na hindi ko kayang protektahan ang sarili ko kaya kailangan mo pa kong bantayan."

Alam naman ni Syndrome na 'yon eksakto ang mararamdaman ni Misoo. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang damdamin. Lalo na't may malakas na puwersang nagtutulak sa kanya para maging desperadong mapanatiling ligtas ang dalaga sa lahat ng oras.

Pumikit si Misoo. Dahil sa ginawa nitong 'yon, kumislap ang mga luha sa mga mata nito na dahilan para may sumuntok sa dibdib niya. "Get out, Syndrome. You're just making me feel worse."

It was official: Syndrome was a total dick.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon