26TH SACRIFICE

476 27 0
                                    

HUMAGIS si Syndrome at tumama ang likod niya sa matigas na puntod pagkatapos siyang sipain ng isang Undertaker.

Dammit! Hindi ba kayo mauubos?! My princess needs me!

Maayos naman nagsimula ang Third Trial. Bumukas ang portal kung saan lumabas ang mga Undertaker na naka-assign sa bawat pares ng Student Guardians.Nagbago ang lahat nang bigla siyang may naramdamang presensiya ng isang Hellhound.

Ang mas malala pa, nasa direksyon iyon kung saan nagtungo ang grupo ni Misoo.

Susunod na sana si Syndrome dahil sigurado siyang ang prinsesa ang target ng Hellhound, pero sa pagkagulat niya, may Gateway na bumukas sa mismong harap niya kung saan nagsilabasan ang isang lupon ng mga demonyo mula sa Fourth Order. Binge Feeders, Funerals, at Undertakers. Marami na siyang napatay sa mga 'yon at sa kasalukuyan nga, tatlo na lang ang natitirang matibay.

The Graveyard instantly became a battlefield.

Kahit na may kasamang mga Professional Hunter at HIT ang bawat pares ng Student Guardians, hindi pa rin siya mapakali. Nagbigay na siya ng signal para umatras ang lahat at itigil ang pagsubok. Pero walang lumabas mula sa Graveyard dahil siguro ang lahat ay nasa gitna na ng labanan.

Ang mga kasama niya kaninang Professional Hunters at mga HIT na 'nagbabantay' sa kanya ay pinapunta niyang Academy para siguraduhing ligtas ang mga batang Guardians na naiwan sa Dormitory. Hindi siya mapapayag na may masamang mangyari sa mga ito gaya ng nangyari sampung taon na ang lumilipas.

He couldn't check on anyone at the moment because his hands were full with three strong Undertakers. And these demons seemed to be very motivated to kill him. Dammit.

Tumayo si Syndrome at hinigpitan ang pagkakahawak sa espada niya. Kailangan na niyang tapusin ang labanan na 'yon para mailigtas na niya si Misoo at ang iba pa. Binigyan niya ng masamang tingin ang pinakamalapit na Undertaker sa kanya. "Masyado bang boring sa Underworld kaya nagdesisyon kayong mag-crash sa party namin ngayong gabi?" Umangil ang demonyo at sinugod siya. Ngumisi naman siya at tumalon. Gamit ang espada niya, hinati niya ang Undertaker mula sa ulo niyon pababa sa katawan niyon. "Now, I'm starting to have fun!"

Nang sumabog sa itim na usok ang Undertaker, may isa pang demonyo na sumugod kay Syndrome. Pero bago pa 'yon makalapit sa kanya, may bumaon nang bala ng baril sa noo niyon dahilan para sumabog din iyon.

Napatingin siya sa pinanggalingan ng bala. Nabigla pa siya nang makita sa hindi kalayuan si Lady Coreen na may hawak sa magkabilang-kamay ng dalawang revolver na nagliliyab sa asul na apoy. Binaril nito sa noo ang natitirang Undertaker na nasunog sa apoy na dulot ng bala bago naglaho.

Kasama rin nito si Lord Francis na kasalukuyang tumutugtog ng violin. Pero hindi basta magandang musika lang ang nagagawa niyon. Dahil sa tunog na 'yon ay nababaliw ang mga demonyo habang umuungol ng malakas at isa-isang sumasabog sa itim na usok.

Magalang na yumukod si Syndrome sa dalawa. "Lady Coreen. Lord Francis."

"We don't have time for that, Hunter," seryosong sabi ni Lady Coreen. "Papunta na kaming mga Council Member dito para obserbahan ang mga Student Guardian nang makaramdam kami ng presensiya ng isang Hellhound, kasunod ng pagbubukas ng mga Gateway kahit pa protektado ng spirit force natin ang Academy at Guardians Village."

"Nagpunta sina Clarkson at Veron sa village para magbigay suporta kay Wren at sa First Batch na binabantayan ng Crown. Si Silvano naman, naiwan sa Academy para protektahan ang mga batang Guardian na nasa Dormitoryo," dagdag pa ni Lord Francis. "We need to evacuate everyone. Hindi pa sumasara ang mga Gateway kaya siguradong may lalabas pang mga demonyo."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon