16TH SACRIFICE

554 27 0
                                    

MULA sa balkonahe ng malaking kuwartona 'yon kung nasaan si Syndrome, natatanaw niya ang mga Student Guardian na naghihiyawan at nagyayakapan habang nakatingin sa announcement board. Well, hindi talaga board 'yon. Mas tamang sabihing na malaking computer flat screen 'yon kung saan nakalista ang pangalan ng mga nakapasa sa Second Trial.

Nakalagay din sa gilid ng mga pangalan ng mga pumasang Guardian ang marka na nakuha ng mga ito. Ang pagkakasunod-sunod sa listahan ay ayon sa ranking ng mga estudyante.

Kaya si Misoo McCollins ang nasa tuktok.

Oo, si Misoo ang nanguna sa Second Trial dahil nagawa nitong makuha ang flag ni Lord Wren. Ang mas nakakabilib pa, hindi lang spirit force ang ginamit ng dalaga. Nag-isip ito ng epektibong estratehiya na maging ang mga kasamahan niyang Clan Head ay napabilib. Ngayon lang kasi may nakakuha ng flag ng Crown of Clan Heads.

He felt proud of her, as always.

Nawala lang sa mga Student Guardian ang atensiyon ni Syndrome nang maramdaman niya ang presensiya ni Misoo. Hinahanap ba siya ng prinsesa kaya nakarating ito ro'n? Napangiti siya.

Bumalik siya sa loob ng kuwarto ni Lord Wren kung saan nakatalungko sa sofa ang Crown of Clan Heads habang pinapalipad ang laruang helicopter nito na kulay pilak gamit ang hawak nitong remote control. May dalawa pang nakalutang na controller sa ere na siya namang nagpapaandar ng dalawang laruang luxury car na kasalukuyang nagpapabilisan ng takbo sa laruang arena na nakalatag sa sahig.

Napailing na lang siya. Mabuti na lang at hindi kasama sa job description niya ang linisin ang kuwarto ng Crown of Clan Heads dahil talagang mababaliw siya kapag nagkataon. Daig pa kasi ni Lord Wren ang playroom ng isang bata sa dami ng mga laruan nito. Ang mas nakakasira pa ng ulo, araw-araw ay iba-iba ang mga nilalaro nito. Hindi na siya magtataka kung malalaman niyang may toy factory na ito. Hindi naman imposibleng mangyari 'yon.

As the Crown of Clan Heads, Lord Wren had probably more zeroes in his bank account than his.

Magpapaalam pa lang sana si Syndrome na lalabas siya para salubungin ang bisita niya nang humarap sa kanya ang robot na uwak na nakatuntong sa ulo ni Lord Wren. Bumukas-sara ang tuka niyon. "Misoo McCollins is here as my guest."

Kumunot ang noo ni Syndrome. "Excuse me?"

"Let her in."

Nalaglag ang panga ni Syndrome. Simula nang naging Crown of Clan Heads si Lord Wren walong taon na ang lumilipas, siya na ang naging 'right-hand man' nito kapag wala si TJ, ang official 'bodyguard' nito na madalas ay binibigyan nito ng mga misyon sa labas ng Academy. Ni minsan, hindi pa tumanggap ang lalaki ng mga bisita sa kuwarto nito maliban kina Zooey at Blake.

Kung may mga 'biglaang bisita' man si Lord Wren, isang tingin lang nito ay alam na niyang kailangan na niyang paalisin kung sinuman 'yon. Kahit nga kahit sino sa Council Members ay hindi nito hinaharap. Madalas nga, pinapaalis din siya nito.

Kaya paanong naging bisita ni Lord Wren si Misoo?

And why the hell is she visiting Wren?

Nagtagis ang mga bagang ni Syndrome sa iritasyon nang marinig niya ang pagkatok sa pinto. As calm as he could, he walked towards the door and opened it. He glared at Misoo who looked so happy at the moment. "Yeah?"

Halatang nabigla si Misoo nang makita siya. Nawala rin ang ngiti nito. "Oh, I didn't know you're here, Sy– Sir Rathbone. Nand'yan ba si Lord Wren?"

Binigyan niya ng isa pang matalim na tingin si Misoo bago niya nilakihan ang pagbubukas ng pinto. Binalingan niya si Lord Wren na kasalukuyang nakatingala sa laruang helicopter. "Lord Wren, Miss McCollins has arrived."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon