1ST SACRIFICE

786 41 13
                                    

Hello. 'Wag na sanang mahiyang mag-comment, iyon lang ang wish ko sa paglalagay nitong book 2 dito sa Wattpad. Let me hear your thoughts. :)

PS: Don't forget to vote, and follow my account. Thank you <3

***

THE TRIALS had officially began.

Nang gabing iyon, ni-review ni Misoo ang sarilisa tatlong proseso na kailangang pagdaanan ng mga Guardian bago maging ganap na Hunter.

Una, ang Assessment. Iyon ang pagsubok kung saan susukatin ng Medium Clan Head ang spirit force ng isang Guardian para suriin kung may sapat itong kapangyarihan para sumailalim sa Trials.

Pangalawa, ang Trials. Binubuo ang prosesong ito ng tatlong pagsubok na susubok naman sa pisikal, mental, at espiritwal na kapangyarihan ng isang Guardian. Isa rin ito sa mga pinakadelikadong pagdaraanan ng mga estudyante dahil buhay ang nakataya sa bawat pagsusulit.

Ikatlo, ang Hunting. Sa puntong ito, may kalayaan ang isang Guardian na mamili kung ipagpapatuloy ang pag-aaral para mas lumakas pa, o sisimulan na ang pagtugis sa isandaang Undertaker na kailangan nitong puksain bago ito kilalanin ng Spirit Guild bilang isang Professional Hunter. Ang nakakalungkot na parte lang, sa estadong ito rin pinakamaraming mga 'trainee' ang binabawian ng buhay.

Naipasa ni Misoo ang Assessment. Granted na pasang-awa lang siya, pero sapat naman 'yon para magkaro'n siya ng 'pass' para sa susunod na proseso. At ngayong gabi nga, sasabak na siya sa First Trial kasama ang iba pang mga estudyante na gusto ring maging Hunter.

Ayon sa listahan na ibinigay sa kanila, 53 mga estudyante ang eksaktong kukuha ng Trials para sa batch ng taong 'yon. Nabasa rin niya ang 'educational system' sa handout na ipinahiram ni Zooey noong isang gabi. Sa totoo lang, nabigla siya nang malaman kung gaano kabata nagsisimulang pumasok ang mga Guardian sa Academy.

Sa edad na tatlo, tinuturuan din naman ang mga batang Guardian gaya ng mga itinuturo sa normal na mga tao. Ang kaibahan nga lang, sinasabay din sa pag-aaral ng alphabet songs ang pagtuturo sa mga paslit ng tungkol sa mundo ng Spirit Guild at sa hierarchy niyon. Gano'n ang ituturo sa mga paslit hanggang sa tumuntong ang mga ito ng pitong taong gulang.

Mula naman pito hanggang labindalawang taong gulang, tutuntong din naman sa 'elementary' years ang mga batang Guardian gaya ng mga normal na paslit sa gano'ng edad. Ang kaibahan nga lang, kasabay ng ordinaryong curriculum na pinag-aaralan ng mga ito ay isinasabay na rin ang pagtuturo kung paano gamitin ang psychic abilities ng mga estudyante. Ang 'P.E class' naman ng mga ito ay binubuo ng pag-aaral ng iba't ibang klase ng self-defense lessons at paggamit ng iba't ibang uri naman ng sandata. Totoong mga sandata.

Sa stage din na ito, itinuturo na rin ang tungkol sa iba't ibang clan sa ilalim ng Fourth Order. Sa huling taon naman ng 'elementary' years ng mga ito, tutulungan ng mga instructor at Clan Heads ang mga bata para alamin kung saang clan nabibilang ang abilidad ng bawat estudyante. Dadaan pa ang mga bata sa 'entrance examination' sa oras na may napili nang clan.

Sa edad na labintatlo hanggang labing-anim naman, hindi normal na high school life ang pinagdadaanan ng mga Guardian na nasa Academy. Dahil kabilang na ang bawat isa sa kanya-kanyang clan na nararapat sa abilidad ng mga ito, mas focus na sa pag-te-training para maging Hunter, Questor, Mechanic, at Medium ang mga bata.

Ang pinaka-espesyal na sa pagsasanay sa lahat ay ang training ng mga estudyanteng Hunter. Pagkatapos kasi ng 'graduation' ng mga ito sa 'middle school,' magsisimula na ang 'senior high' para sa clan na ito.

At ang 'senior high' na ito ay binubuo ng Assessment, Trials, at Hunting.

Oo, nakakahiya mang aminin, pero alam ni Misoo na hindi patas para sa mga kasabay niyang Guardian na ni hindi niya ginugol ang pagkabata niya sa Academy, pero nabigyan pa rin siya ng pribelehiyong makasama sa Trials na pinaghirapan ng mga ka-batch niya.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon