AKALA ni Misoo ay mapipilitan siyang saktan si Zooey para protektahan ang sarili niya. Pero sa kabutihang palad, dumating agad ang taong tumulong sa kanya na hindi man niya inaasahan, ay ipinagpapasalamat pa rin niya. Dahil sa totoo lang, ramdam niyang hindi niya kayang labanan ang kaibigan niya lalo na ngayong nanghihina pa siya.
Si Syndrome ang humapit sa baywang ni Zooey at inilayo ang babae sa kanya. Tumalon paatras ang kaibigan niya habang umuungol, halatang wala pa rin sa sarili. Tumayo naman ang binata sa harap niya na para bang pinoprotektahan siya.
Binalingan niya si Zooey na sa pagkakataong 'yon ay biglang lumutang sa ere habang nakabalot sa asul na liwanag. Nagmukha 'yong transparent coffin, ayaw man niyang isipin ang bagay na 'yon. Pero sa loob niyon, napansin niyang kalmado na ang dalaga.
Sigurado siyang si Lord Wren ang may gawa niyon dahil nakatayo ang lalaki sa gilid ng kama habang nakataas ang isang kamay kung saan nagmumula ang asul na liwanag na nagkukulong ngayon sa katawan ni Zooey.
Tumingin siya sa paligid. No'n niya lang napansin na tinutulungan nang lumabas nina Aries at Serene ang mga natitirang estudyante sa loob ng Sleeping Room. Hahanapin pa lang sana niya si Colette nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang babae na pinipigilan si Blake pumasok. Pero obviously, huli na ang lahat.
"You're not allowed here, Blake!" saway ni Colette sa lalaki.
"I need to see Zoo!" katwiran naman ni Blake, pagkatapos ay binigyan si Misoo ng masamang tingin. "If something bad happens to her, I will kick you back to hell."
Umangil si Syndrome, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng kapatid nito. "I'll cut your hand before you touch her, boy."
Kumunot ang noo ni Blake sa pagtataka nang balingan nito si Syndrome. "Kuya, she's part–"
"Blake Arthur Rathbone."
Napansin niyang lahat nang nasa Sleeping Room ay natigilan sa pagsasalita ni Lord Wren. Lalo na't kapansin-pansin na mas malamig kaysa sa normal ang boses nito na para bang iritado ito.
"I will kick you back to hell if you don't stop talking nonsense," banta ni Lord Wren sa pantay pero nakakatakot na boses.
Bigla-bigla, kumalma ang mukha ni Blake. Bumalik din sa pagiging asul ang mga mata nito. Pagkatapos, parang maamong tupa ito na tumayo sa likuran ni Lord Wren. "Magiging okay lang ba si Zoo, Kuya Wren?"
Tumango lang si Lord Wren.
Gusto pa sanang manatili ni Misoo sa Sleeping Room hanggang sa makasiguro siyang ligtas na sa kapahamakan si Zooey. Pero sa pagkagulat niya, binuhat siya ni Syndrome na parang prinsesa. Impit siyang napatili at napayakap sa leeg ng binata kahit hindi sana niya gustong gawin 'yon.
Magrereklamo sana siya, pero nang makita niya kung gaano kaseryoso si Syndrome ng mga sandaling 'yon, kinagat na lang niya ang ibabang labi niya. Hinayaan niya na lang ang binata na buhatin siya palabas ng Sleeping Room. 'Yon nga lang, kinailangan niyang iyukyok ang mukha sa dibdib ng lalaki dahil hindi niya kayang harapin ang kakaibang tinging ibinibigay sa kanya ng ibang mga Clan Head, lalo na si Colette.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang buhat ni Syndrome habang nakayukyok siya sa dibdib nito. Pero sa palagay niya, sa bilis ng kilos ng binata ay sandaling minuto lang ang tinagal hanggang sa maingat na binaba siya nito sa isang bench.
Napatingin si Misoo sa paligid. Oh, sa dami ng mga puno at halaman sa paligid, sigurado siyang nasa loob siya ng isang greenhouse. Nakakatuwa pa nga na nagkalat ang mga wooden table and wooden chairs and benches na para bang ginawa talaga 'yon para maging tambayan ng mga taga-Academy. In fairness, nakaka-relax nga ro'n. "This place is nice."
BINABASA MO ANG
The Fourth Order Series
Fantasy[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata, hinahabol na ng mga demonyo si Misoo. Alam niyang special siya pero ayaw na niyang malaman kung ano siya. Pero nakilala niya ang aroganteng...