13TH SACRIFICE

548 30 0
                                    

MASAYA si Misoo nang isang araw matapos ang Second Trial ay bumalik na si Zooey sa dorm nila. Mukhang maayos na ang kaibigan niya. Hindi na siya nagtanong kung ano ang nangyari rito kaya inaya na lang niya ito na mag-bonding sila, tutal ay 'bakasyon' naman nila. Sa susunod na linggo pa raw kasi magsisimula ang Third Trial.

Sa Guardians Village sila nagpunta ni Zooey kung saan na-realize niyang sing modern din pala ng siyudad na pinanggalingan niya. Mas kaunti ang establishments, oo, pero nagustuhan pa rin niya ang ala-city lifestyle na in-o-offer do'n.

She and Zooey spent their morning in the hair spa. Nagpa-hot oil siya ng buhok, habang ang kaibigan naman niya ay nagpapalit ng kulay. From purple, she had her hair bleached. Ang dulo ng alon-alon na buhok ng kaibigan niya ay pink na ngayon at medyo peach naman sa liwanag.

Pagkatapos, nag-shopping naman sila ng 'badass OOTD' nila para sa Third Trial. Siyempre, bilang bagong mag-BFF ay terno ang binili nilang mga damit.

Ang pinaka-nagustuhan niya ay ang isang street sa village kung saan sunud-sunod at magkakahilera ang mga restaurant, café, bookstore, at souvenir shop. Napansin niya lang na halos lahat ng establishment ay may ibinebentang mga manika ng limang bata. Tatlong lalaki, dalawang babae. Maging ang mga dekorasyon sa paligid ay hindi puwedeng mawalan ng mga salitang 'The Chosen Five.'

Napahinto siya sa tapat ng gift shop kung saan naka-display sa salaming bintana ang limang malalaking manika ng mga bata na mukhang mga chibi, Japanese term para sa mga paslit.

"The Chosen Five?" nagtatakang tanong ni Misoo, pagkatapos ay binalingan niya si Zooey na nakatingin din sa mga manika. Blangko ang mukha ng babae, pero may lungkot sa mga mata. "Sila ba 'yong mga bata na nakikita ko sa lahat ng establishment dito sa village?"

Bumuntong-hininga lang si Zooey, at hindi sumagot. Sa halip ay nag-aya ito sa isang coffee shop.

Napansin agad ni Misoo ang mga nakadikit na dingding ng café ang cute na drawing ng limang bata na nasa loob ng mga makukulay na tasa. Sa ibaba niyon ay may nakasulat na 'Long Live, The Chosen Five.'

Um-order siya ng latte samantalang frappe naman ang kay Zooey. Hindi nagsalita ang kaibigan niya hanggang sa nakaupo na sila sa pandalawahang mesa sa tabi ng salaming dingding.

"Nagtataka ka siguro kung sino ang limang bata na sine-celebrate ng buong village ngayon, 'no?" tanong ni Zooey, nakatingin sa kape nito.

Tumango si Misoo. "Oo. Lahat ng establishments, may mukha nila."

"They are the current Clan Heads, Misoo," sagot ni Zooey sa malungkot na boses. "Sina Syndrome, Colette, Aries, Serene, at Rochster ang mga batang 'yon. Hindi mo nakilala si Rochster dahil siya ang Rogues' Clan Head. Nagpupunta lang siya sa Academy kapag may tinatanggap silang misyon para sa Council. Na napakabihirang mangyari."

Kumunot ang noo ni Misoo. "Is there a festival celebrating them as the Clan Heads?"

"Malapit na ang tenth anniversary ng reign nila bilang mga Clan Head," paliwanag ni Zooey. "Alam mo naman siguro na sila ang pinakabatang generation ng mga Clan Head, 'di ba? May ideya ka ba kung paano sila nabigyan ng gano'n kataas na katungkulan no'ng eight years old pa lang sila?"

Kinabahan si Misoo na para bang hindi niya magugustuhan ang maririnig niya, pero mas nangibabaw ang kuryosidad niya. "No. You tell me."

"Ten years ago, the young Guardians in the Academy were killed. Including the Reaper herself. Only five children survived."

Napasinghap si Misoo. Alam niyang masama ang maririnig niya, pero hindi niya inasahan na gano'n kalala. "Anong nangyari?"

Lumunok muna si Zooey bago sumagot. Nang magsalita ito, bakas sa boses nito ang lungkot at sakit. "Nagkakaro'n ng Summit ang Council sa tuwing nagsisimula ang Trials para sa mga gustong maging Hunter. Ang naiiwan sa Academy para pamunuan ang mga Student Guardian ay ang mga Clan Head at siyempre, ang Reaper na siyang reyna ng Monarchy.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon