7TH SACRIFICE

531 31 0
                                    

PAGLABAS ni Misoo sa puting kuwarto kung saan ginanap ang Assessment niya noon, biglang nanghina ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya. Inalo naman siya agad ni Zooey na hinintay siya sa labas, pero wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng kaibigan niya.

Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa 'desisyon' na 'yon.

Isang araw matapos niyang makalabas sa ospital, ipinatawag siya ng mga Clan Heads para ibalita sa kanya na hindi na siya qualified para lumahok pa sa Trials. Well, hindi naman marahas ang 'pagpapaalis' ng mga ito sa kanya. Humingi pa nga ng tawad ang apat dahil napahamak siya habang nasa loob siya ng Academy.

Pero ang pinakamasaklap sa lahat?

Si Syndrome pa ang 'nagpaalis' sa kanya. Naalala pa niya ang bawat salitang binitawan nito kanina habang blangko ang mukha at walang emosyon sa boses.

"Miss Misoo McCollins, we deeply apologize for what happened to you. Inaamin naming may pagkukulang kami, pero gusto naming maunawaan mo na hindi namin ginusto na maatake ka ng isang Undertaker. However, because of this incident, we have come to realize that you are not fit to take the Trials anymore. Using a portal is one of the most basic skills that a Guardian must possess. By failing to do so, you just proved yourself unworthy to be a part of the Academy."

Sinubukan pa rin ni Misoo mangatwiran. "But I passed the Assessment. You can't just kick me out."

"Only because the Hunters' Clan Head recommended you," mabilis na sagot naman ni Serene. Humihingi ng pasensiya ang mga mata ng babae, pero nasa boses nito ang finality na mukhang hindi na magbabago. "The amount of spirit ball energy you have summoned was too small and too weak."

"Malaking potensiyal ang ipinakita mo noong nasa labas tayo ng Academy kaya naisipan kong bigyan ka ng pagkakataon, Miss McCollins," katwiran naman ni Syndrome sa pantay na boses. "Pero dahil sa mga nangyari no'ng isang gabi, ikinalulungkot kong sabihin pero hindi ka na puwedeng magpatuloy sa Trials."

"Bilang pagpapakita namin ng kababaang loob dahil inaamin naman naming may pagkakamali kami sa nangyari, hahayaan ka naming umalis sa Academy nang hindi binubura ang mga alaala mo," para bang pampapalubag-loob na sabi naman ni Colette.

"You just have to take the Oath of Silence first," dagdag naman ni Aries. Ngumiti pa ito ng malungkot sa kanya. "Isa kang malaking kawalan sa Academy, Miss McCollins. Kung ako lang ang masusunod, gusto sana kitang tanggapin sa clan ko bilang isang Questor. Pero wala sa'min ang desisyon tungkol sa pananatili mo sa Academy."

Kumunot ang noo ni Misoo sa pagtataka. "Kung hindi kayong mga Clan Head ang nagdesisyon sa pagpapaalis sa'kin... sino?"

"Lord Wren Denver Slayer," bulong ni Misoo sa pangalang binanggit ni Aries sa kanya kanina. "The Crown of Clan Heads. Who and what exactly is he?"

"Just like his title, Lord Wren is the head of the Clan Heads," sagot ni Zooey habang tinutulungan siyang tumayo.

Nag-arko ang mga kilay ni Misoo. "Parang siya ang boss ng mga Clan Head?"

Tumango si Zooey. "Exactly. Dahil siya ang namumuno sa mga Clan Head, siya rin ang Representative ng mga ito sa Council. Gano'n kataas ang posisyon niya."

"Kung gano'n, kapag na-convince ko siyang kaya ko pang mag-stay sa Trials, may chance na hindi na matuloy ang pagpaalis sa'kin dito sa Academy."

"Oo, dahil sa kanya naman nagmula ang utos na paalisin ka," sagot ni Zooey. Binigyan siya nito ng nagtatakang tingin. "Hindi ko nababasa ang isipan mo, pero mukhang may ideya na ko kung ano ang balak mong gawin, Misoo."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon