31ST SACRIFICE

639 35 0
                                    

SYNDROME had to leave Misoo's side, so much for promising her to be with her all the time.

Gusto niyang sapakin ang sarili niya, pero wala naman siyang magagawa dahil may responsibilidad siya bilang isang Hunter. Isa pa, gusto rin niyang marinig ang buong katotohanan na handa nang ihayag nina Lady Mirasol at Maxwell McCollins. Kaya para sa araw na 'yon, titiisin niya munang mahiwalay sa prinsesa niya.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng Clan Heads (oo, kasama si Rochster) ay nasa silid ng Council. Nakatayo lang sila sa likuran habang nasa conference table sina Lord Clarkson, Lord Veron, Lord Francis, Lord Silvano, at Lady Coreen kasama sina Lady Mirasol at Maxweel McCollins.

Protektado ang Conference Hall na 'yon kaya hindi sila makikita o maririnig ng ibang Guardians, kung sakali mang may traidor sa loob ng Academy.

"Lady Mirasol," pagsisimula ni Lord Clarkson pagkatapos ang maiksing kumustahan. "Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung bakit itinago mo mula sa Fourth Order na buhay pala ang Mahal na Prinsesa?"

"Binigyan namin si Princess Moonkiss Espiritu Bueno ng normal na buhay dahil iyon ang huling kahilingan ng dating reyna," paliwanag ni Lady Mirasol.

Kumunot ang noo ni Lord Clarkson sa pagtataka. "Si Queen Suzanne ang may kagustuhang ilayo ang Mahal na Prinsesa sa Spirit Guild? Ano ba talaga ang nangyari sampung taon na ang lumilipas?"

"Bago ko sagutin ang tanong na 'yan, hayaan niyo munang ipakilala ko uli ang asawa ko," sabi ni Lady Mirasol, saka binalingan ang katabi nitong si Maxwell McCollins. "Siya si Maxwell McCollins, ang nakababatang kapatid ni Sir Kester Bueno."

Nagulat ang lahat sa silid, maliban kay Syndrome.

"Walang kapatid si Kester Bueno," hindi makapaniwalang sabi naman ni Lady Coreen.

"Kester Bueno was only my estranged half-brother," sagot ni Maxwell sa kalmadong boses na walang kalakip na kahit anong emosyon. "In fact, I have never met him when he was still alive. Gano'n din ang ama ko. Nakikita ko lang sila sa mga panaginip ko."

Tumaas ang kilay ni Lord Francis. "Hindi ko maintindihan."

"Bastardong anak ako ng ama ni Kester Bueno sa isang minor-celebrity-slash-socialite na nakilala niya nang minsang nagbakasyon siya sa America," kaswal na sagot ni Maxwell na para bang bale-wala lang dito ang nakaraan nito. "Wala naman siyang damdamin para sa mama ko. That's also the reason why mother didn't tell him that she was pregnant. He just left her for good without even saying goodbye. Despite being young and being a part of a prominent family, my mother still decided to keep me because she was crazy in love with my father, but she had no idea what he was," pagpapatuloy ni Maxwell. "Nagtaka na lang siya na habang lumalaki ako, nagpakita ako ng mga kakaibang psychic abilities. I can see the past and a glimpse of future through my visions, which mostly happens in my dreams. I can move things with my mind. And I can also see demons."

"Hindi ko rin alam noon na may kapatid si Kester Bueno," sabi ni Lady Mirasol. "Pero nagtagpo kami dahil sa parehong pangitain na pinagbuklod kami– ang kamatayan ng buong royal family sa loob lang ng isang gabi."

Kumunot ang noo ni Lord Clarkson. "Hindi maaaring makita sa pangitain ng kahit sinong Guardian ang mga posibilidad sa buhay ng isang Espiritu. Kakaiba ang dugo nila, kaya hindi sila tinatablan ng psychic abilities ng iba. Tanging isang Espiritu lang ang magkakaro'n ng pangitain sa isa pang Espiritu. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mo bilang isang dating Clan Head, Lady Mirasol. Pero paanong nangyaring nakita mo ang mangyayari sa buhay ni Lady Suzanne?"

"'Yan din ang hindi ko maintindihan noon. Nang iwan ko ang Spirit Guild dahil sa panghihina ko, inakala ko na magkakaro'n na ko ng normal na buhay," sagot ni Lady Mirasol. "Pero isang gabi, nagkaro'n ako ng pangitain. Nakita ko sa panaginip ko ang kamatayan ni Queen Suzanne. Alam kong hindi posibleng makita ng kahit sinong Guardian ang kahit anong may kinalaman sa mga Espiritu. Isa 'yon sa dahilan kung bakit espesyal sila at napakalakas. Inisip ko na baka nagkamali lang ako ng akala. Na hindi si Queen Suzanne ang nakita ko. Kaya kinalimutan ko na lang ang tungkol do'n. Isa pa, ipinagbabawal sa mga Alumna na tulad ko ang pagbalik sa Spirit Guild ng walang sapat na dahilan.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon