27TH SACRIFICE

466 26 1
                                    

"THE PRINCESS is finally awake!" tumatawang anunsiyo ni Lord Oxford na para bang nababaliw na ito sa pagkagalak, pagkatapos ay bigla itong naglaho.

Natauhan bigla si Syndrome. Sigurado siyang kay Misoo pupunta ang matandang 'yon! Shit, why was he not capable of teleportation?! Nilingon niya si Serene. "Serene–"

"I'm shocked right now but I know what to do, Syndrome," sansala ni Serene sa sinasabi niya, pagkatapos ay pinasadahan nito ng tingin sina Colette at Aries na parang na-estatwa rin sa gulat. "Gagawa ako ng portal papunta sa pinagmumulan ng... ng Scythe."

Tumango si Syndrome at pumikit.

Ilang segundo lang ang lumipas, nabalot na sila ng mainit na spirit force ni Serene. Mukhang nawala na ang hindi nakikitang harang dahil sa wakas, nakapasok na sila sa mas dulong bahagi ng Graveyard kung saan nagaganap ang malaking kaguluhan.

Nang magmulat siya ng mga mata, pakiramdam niya ay bigla siyang sinuntok sa dibdib sa sumalubong na eksena sa kanya.

Nakalutang sa ere si Misoo habang hawak ang malaking Scythe. Muntik na niyang hindi makilala ang dalaga dahil sa ilang pagbabago sa pisikal nitong anyo. Her hair turned platinum and from liquid brown, her eyes were now silvery. She was more beautiful than ever.

Just like Queen Suzanne...

Ngayon ay hindi na maipagkakailang mag-ina sina Misoo at Lady Suzanne ngayong lumabas na ang mga natural trait ng isang Espiritu sa dalaga.

Bumaba ang tingin ni Syndrome sa bagay na nagliliwanag sa isang tabi. No'n niya lang napansin ang walang malay na katawan nina Zooey, Bella, at Noah sa loob ng liwanag na purong puti. Sa palagay niya, ginagamot ni Misoo ang pinsala ng tatlo gamit ang spirit force nito.

Pero hindi 'yon ang mas mahalaga ngayon.

Napapaligiran si Misoo ng tatlong Undertaker na sing laki halos ng sampung palapag na gusali. Sa nag-uumapaw na spirit force ng dalaga ngayon, hindi nakakapagtakang naakit nito ang mga gano'ng klase ng demonyo.

Gusto sanang tulungan ni Syndrome si Misoo nang sabay-sabay kumilos ang mga Undertaker para sugurin ang dalaga, pero natigilan siya sa ginawa nito.

Sa isang wasiwas lang ni Misoo sa hawak nitong Scythe, nahati agad sa dalawa ang mga nakapalibot na Undertaker dito. Umungol ng napakalakas ang mga demonyo pero imbes na sumabog sa itim na usok, nasunog pa ang mga iyon sa pulang apoy na nagmumula sa spirit force ng prinsesa. Sa sobrang bilis ng pagkilos ng babae, hindi siguro makikita 'yon ng ordinaryong mga Guardian.

Nanlaki ang mga mata ni Colette, hindi maalis ang tingin kay Misoo. "Hindi ako nananaginip, hindi ba? Misoo McCollins is wielding the Scythe."

"And her spirit force has changed," dagdag pa ni Aries. Napalunok pa ito bago muling nagsalita. "Ang nararamdaman ko sa kanya ay ang kapangyarihang unique lang sa mga Espiritu. Bukod do'n, tanging ang angkan lang din nila ang may ganyang kulay ng buhok at mga mata sa mga Guardian."

Napasinghap naman si Serene. "Does it mean... Misoo McCollins is the princess? Posible bang hindi namatay sa aksidente ang prinsesa?"

Ng pagkakataong iyon, sabay-sabay napatingin kay Syndrome sina Aries, Colette, at Serene na may pag-aakusa sa mga mata. Alam na niya ang iniisip ng mga kasamahan niya kaya tumaas ang depensa niya. "What?"

"Alam mo na no'ng una pa lang kung sino talaga si Misoo McCollins kaya gano'n ka ka-protective sa kanya. Hindi mo man lang 'yon sinabi sa'min," sumbat ni Aries sa kanya. "Bastard."

Itinaas ni Syndrome ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "I took an Oath of Silence. Hindi ko puwedeng sabihin ang nalalaman ko hangga't hindi ibinubunyag ni Misoo ng kusa ang sarili niyang pagkatao. Plus, it's for her safety."

Bago pa may makapagreklamo uli, napako ang atensiyon ng lahat sa mga Undertaker na tuluyan nang natupok sa apoy. Sa isang huling pag-ungol, tuluyan nang naglaho ang mga iyon.

Si Misoo naman, unti-unting bumaba mula sa pagkakalutang sa ere. Pagtapak na pagtapak pa lang ng mga paa ng prinsesa sa lupa, sumulpot na agad si Lord Oxford na lumuhod at yumukod sa harap ng dalaga.

Napansin ni Syndrome na walang buhay ang mga mata ni Misoo. Nakakunot ang noo nito na para bang naguguluhan ito sa mga nangyayari. Lumilingon din ito sa paligid na parang may hinahanap. May kakaiba rito na hindi niya matukoy. Misoo, are you okay?

"Welcome back, Your Highness," magalang na pagbati ni Lord Oxford dito na kumuha sa atensiyon ng dalaga. "Ako si Oxford Lualhati, ang tapat niyong tagapaglingkod. Matagal kong hinintay ang pagbabalik niyo sa lugar kung saan ka nababagay, Mahal na Prinsesa."

Inangat ni Misoo ang hawak na Scythe at wala itong ka-emo-emosyon nang iwasiwas nito 'yon. She sliced Lord Oxford's left shoulder without blinking. "Stay away from me," malamig na sabi nito. Nakakamangha, pero parang nagkaro'n ng harang sa harap nito kaya hindi ito natalsikan ng dugo mula sa malaking hiwa na bumuka sa balikat ng lalaking kaharap nito. "You impure Guardian."

Napaupo sa lupa si Lord Oxford, nakahawak sa sugatan nitong balikat habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Misoo. "Y-your Highness... I'm an ally!" giit nito. "Ginawa ko ang lahat para maibalik ka sa nararapat mong posisyon! Inutusan ko ang mga tauhan ko na atakehin ka hindi para saktan ka, kundi para mapilitan ang mga taong kumupkop sa'yo para isuko ka at ibalik dito sa Academy! Tinangka kong tapusin ang mga Clan Head para wala nang kumontra sa pagluklok sa'yo bilang bagong pinuno ng Fourth Order! Pati sarili kong anak, sinakripisyo ko dahil tumanggi siyang tulungan ka sa pagbabalik mo! Nakipagsabwatan ako sa Maestro para bigyan niya ko ng malakas na kapangyarihang tatapos sa Council. Ginawa ko 'yon dahil gusto ko silang durugin. Dahil kahit kailan, hindi sila papayag na ibalik ang Monarkiya sa takot na mawalan sila ng kontrol sa mundo natin! Kaya niligpit ko na sila para sa'yo!"

Nagtagis ang mga bagang ni Syndrome. Ngayon, naiintindihan na niya ang hangarin ni Lord Oxford. Pero nagkaro'n din siya ng iba pang mga katanungan. Sino ang 'Maestro' na 'to?

"Shut up," saway ni Misoo kay Lord Oxford, sapo ng isang kamay nito ang noo na para bang sumasakit ang ulo nito. Inangat uli nito ang Scythe nito na para bang muling aatake. "Mama and Papa told me not to talk to bad guys!"

Kumilos na si Syndrome sa pagkakataong iyon. Gamit ang espada niya, sinangga niya ang talim ng Scythe. Sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang literal na hinila nina Serene at Aries si Lord Oxford palayo sa prinsesa gamit ang psychic ability ng mga ito na magpagalaw ng mga bagay. "Don't get us wrong, Your Highness. We hate the old man as much as you probably do, but we need him alive. Mukhang marami muna siyang dapat ipaliwanag bago niya harapin ang parusang kamatayan. Kaya pasensiya ka na kung hindi ako papayag na tapusin mo si Lord Oxford ngayong gabi."

Hindi pa rin nagbago ang blangkong mukha ni Misoo, pero binaba na nito ang hawak nitong Scythe. Hindi ito nagsalita, pero tiningnan siya nito na parang tinatanong kung sino siya.

Okay, parang sinuntok si Syndrome sa dibdib. "Hindi mo ba ko nakikilala, Misoo?"

"Hindi 'Misoo' ang pangalan ko," malamig na sabi ni Misoo. "I'm Moonkiss Espiritu ."

Ah. The princess' memories have returned.

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon