5TH SACRIFICE

543 30 0
                                    

MABIGAT at malamig ang presensiya sa silid ng Crown of Clan Heads, o mas kilala bilang Crown.

Deretso ang tayo ni Syndrome habang kunot-noong nakatingin kay Lord Wren na nakaupo sa sulok ng kuwarto nito habang naglalaro ng mga lego na nakakalat sa paligid nito. Sa kanang balikat nito ay may nakapatong ng metal na uwak na parang may buhay at hinuhusgahan ang pagkatao nila.

Simula nang dumating siya ro'n kasama sina Aries, Colette, at Serene, hindi pa nag-aangat ng tingin si Lord Wren sa kanila. Blangko ang mukha ng Crown, pero halatang matindi ang konsentrasyon nito habang gumagawa ng gusali gamit ang mga piraso ng makukulay na lego.

Ah, tiningnan pala sila ni Lord Wren kanina nang subukan nilang mga Clan Heads na lumuhod. Pagbabanta 'yon dahil kung lumuhod sila, aksidente nilang matatamaan ang mga nagkalat na lego na hindi agad nila napansin. Kaya labag man sa protocol, nanatili silang nakatayo lang sa harap ng pinuno nila na mukhang walang interes makinig sa paliwanag nila.

Tumikhim si Syndrome nang hindi na siya makatiis sa sitwasyon nilang 'yon. "Lord Wren."

Hindi siya pinansin ni Lord Wren.

Napabuga ng hangin si Syndrome. Alam na niya kung bakit hindi siya nito pinapansin. "Wren."

Huminto si Lord Wren sa pagkilos. Literal itong hindi gumalaw na kahit paghinga nito ay hindi mapapansin. Kung titingnan ito ngayon, para itong estatwa lang.

Kung ibang tao siguro, maguguluhan at ma-wi-weirdo-han sa ikinilos ng Crown. Pero dahil ilang taon na silang nasa ilalim ng pamumuno ni Lord Wren, sanay na sila rito. Kapag hindi ito kumilos, nangangahulugan lang 'yon na nakikinig na ito sa nagsasalita.

Kapag wala kasing ibang Guardian sa paligid, mas gusto ni Lord Wren na kausapin nila ito sa kaswal na paraan. Hindi sila nito pinapansin kapag masyado silang pormal dito.

"Hindi ka nagpasabi na pabalik ka na," kaswal na pagsisimula ni Syndrome. Makikipag-usap lang kasi si Lord Wren sa kanya kapag hindi pormal ang paraan niya ng pananalita. "Ang akala namin, sasabay ka sa Council sa pag-uwi mula sa Summit."

"I got bored."

Hindi si Lord Wren ang mismong nagsalita. Nanggaling ang tunog-metal na boses sa kulay pilak na uwak sa balikat nito. Hindi nagsasalita ang Crown of Clan Heads dahil ipinangak itong pipi. Pero gamit ang kapangyarihan nito, pinaparaan nito sa imbensiyon nito ang mga salitang nasa isipan nito. Sa madaling salita, ang 'alagang' robot nito ang boses nito.

Imposible para sa mga mortal na tao, oo.

Pero para sa mga Guardian, normal lang 'yon. Kumbaga ba, telepathy ang ginagamit ni Lord Wren na paraan ng komunikasyon. Ang kaibahan nga lang, imbes na sa buhay na tao nito ipabasa ang isipan nito, nagagawa nitong ipasa 'yon sa isang metal na bagay na may kakayahang isatinig ang mga salitang hindi lumalabas sa bibig nito.

Ah, hindi na nagulat si Syndrome. Sa ilang taon na nakasama niya si Lord Wren sa Summit, hindi naman talaga ito nakikisali sa mga pagpupulong. Madalas ay gumagala lang ito sa kung saang bansa man ginaganap ang pagtitipon.

At tapos na rin ang pasakalye niya. Dederetsahin na niya si Lord Wren sa bagay na dapat nilang pag-usapan ngayon. Tumingin muna siya kina Colette, Aries, at Serene na binigyan siya ng tango.

Still, fear was evident in his colleagues' eyes.

"Wren, we've let our guard down by letting an Undertaker infiltrate the Academy. A Student Guardian was even hurt," pagsisimula ni Syndrome sa seryosong boses. "As the Crown, it is your duty to report it to the Council. Naiintindihan naming mga Clan Head 'yon. But as the Hunters' Clan Head, I'm taking full responsibility for what happened."

The Fourth Order SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon