Chapter 3

156 23 1
                                    

CHAPTER 3

Quera's POV

"Flight 143 Las Vegas to Manila, Philippines we will be landing in 15 minutes, all passengers please fasten your seat belts" sabi 'nung flight attendant na palakad-lakad habang nag-aanounce gamit ang mega phone. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Sinuot ko na ang aking seatbelt at hinintay maglanding ang eroplano.

********

"We safely landed in High Aviation, Manila, Philippine. Thank you for your trust in flying with us. Have a nice day. Hope to see you again our beloved passengers" dinig kong announce 'nung F.A. sa speaker ng eroplano.

At last, I've arrived. Dala-dala ang mga bagahi ko, bumaba ako ng eroplano at palinga-linga sa paligid habang hinahanap ang sundo ko.

'WELCOME BACK TO PHILIPPINES QUERA ZAIRIEL MASCARDO'

Basa ko sa isang placard na hawak ng isang babae. Pagsilip niya, walang iba kundi ang best friend ko, si Dessy. Kumaway siya sa 'kin. Ngitian ko naman siya. Sinalubong naman ako ng mga body guard niya at kinuha ng mga ito ang mga bagahe ko.

"OH MY GOSH FRIENDDDD!!!! I MISS YOU" sigaw niya na tumatakbo papalapit sa 'kin at lumundag para yumakap.

"Grabe ka naman makareact. Two years lang tayong 'di nagkita"

"Matagal din 'yun. So how's your flight?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng airport.

"It's fine. May jetlag pa ako. Gusto ko ng magpahinga"

"Eh sila tita at 'yung kapatid mo. susunod ba sila?"

"Ang sabi nila susubukan daw nila pero within this year makakauwi din sila. Masyado pa kasing busy sa business"

Nakarating na kami sa parking lot. Pumunta na kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan kami ng bodyguard at 'dun kami sa backseat naupo.

"Nasabi naba ni Mommy sayo na sa inyo ako mag-s-stay?" tanong ko sa kaniya. Mahirap na baka wala akong matuluyan. At wala naman akong balak na tumira mag-isa sa bahay namin dito sa Pilipinas.

"Yup. Nakaready na ang room mo katabi 'nung sakin" sabi niya habang nakangiting nakatingin sa cellphone niya na parang may pinapanood.

'Di ko na lang pinansin. Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan. Wala pa ring pinagbago. Meron pa ring mga nagtataasang mga building na may nakadikit na billboards. Mga politicians, business tycoons, celebrities and models. Pero isang billboard ang naka agaw ng pansin ko. Isang male model na may hawak na perfume na 'KILLER SCENT' which is also my perfume, though for girls lang 'yung akin. Kakaiba ang niti niya, parang mayabang na hambog. Titingnan ko sana ang pangalan niya pero 'di na naabutan ng mata ko kasi nakalagpas na ang sasakyan.

****

"Hey Quera wake up, we're here" pag-alog sa 'kin ni Dessy dahilan para magising ako. Nakatulog pala ako.

"Ah okay" binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at bumaba.

"Kuya bodyguards, pakilagay 'yung mga bagahe ni Quera sa kasunod ng room ko" utos ni Dessy sa mga bodyguards niya.

"Yes Maam"

"Let's go upstairs?" tanong ni Dessy habang hila-hila ang braso ko.

"Sure"

Umakyat na kami sa second floor na bahay nila Dessy. Mas lumaki pa ito kaysa rati. Mayaman din naman kasi sila eh.

"Here's your room. Pupunta muna ako sa room ko para mag shower. Ang lagkit ko na kasi dahil sa pawis eh, you can go there anytime." Sabi niya.

"Sure"

Naglakad na siya papasok ng room niya. Ako naman ay pumasok na rin sa room ko. Malaki rin. Color light blue ang pintura ng wall kaya nakakarelax.

Inumpisahan ko ng ilipat ang mga gamit ko sa malaking walk in closet. Nahiga ako sa kama pagkatapos ay nakatulog ako dala na siguro ng pagod at jetlag.

*************

"AHHHHH!!! OH MY GOSH!!!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Dessy. Dali-dali akong bumangon at patakbong pumunta sa kwarto niya. Agad ko naman 'tong binuksan.

"Anong nangyare Dessy? Bakit ka sumisigaw? May magnanakaw ba?" tanong ko kay Dessy na kagat-kagat 'yung unan. Anyare ba rito sa babaeng 'to?

"QUERAAAAA!!!!!!" napatakip ako sa dalawa kong tenga dahil sa nakakarinding sigaw niya.

"Ano ba Dessy? Ang lapit-lapit lang natin, kung makasigaw ka diyan parang nasa kabilang baranggay ako ha?" sabi ko sa kanya habang inagaw 'yung throw pillow na kagat-kagat niya at umupo sa tabi niya.

"Panira ka ng tulog ko. Ang ingay mo kasi. Ba't ka ba sumisigaw?"

"Eh kasi... QUEEER- - -" panimula niya pero 'di pa lang nangalahati 'yung sasabihin niya, sisigaw na ulit kaya dali-dali kung nilagay sa bibig iya 'yung unan.

"Bago ka sumigaw, sagutin mo muna ang tanong ko. Nakakabasag ka na ng eardrums eh"

Tinanggal niya muna yung na nasa bibig niya, infairness kasya. Kumalma muna siya at huminga nang malalim.

"Kasi Quera, tingnan mo yung nasa TV!!!" tiningnan ko naman kung anong nasa TV. Lalaking nag-i-ispray ng perfume sa sarili.

"Killer Scent sweet fragrance in stores nationwide" sabi nung lalaki na wagas makangiti. Tiningnan ko si Dessy na nasa tabi ko. Ayon nagpapadyak-padyak.

"Ano namang meron diyan? Bibili ka ng perfume?" tanong ko sa kaniya.

"Siyempre naman. Ang gwapo kaya ng endorser. At last napalabas na rin 'yang endorsement niya" nakapalumbaba pa siya habang nakangiti.

"Eh nakita ko na 'yan kanina sa billboard sa may EDSA eh" sabi ko sa kanya.

"Eh kasi 'yung billboard na 'yun, last last week pa, ngayon pa pinalabas ang commercial niya"

"Sino ba kasi 'yang lalaking 'yan?" tanong ko sa kaniya. Humarap siya sa 'kin at umayos ng upo.

"Oo nga pala. Galing ka pa lang US, kaya wala kang ka muwang- muwang" inirapan ko naman siya. Obvious naman na wala akong alam. Haler!!! Kauuwi ko lang.

"'Yan si Shawn Mikael Leandro a.k.a. Mr. Killer Smile. ANG GWAPO NIYA TALAGA!!!!! KYAHH!!!"

Tumili na naman siya nang bonggang- bongga kaya napatakip na lang ako ng tenga ko. Hindi ba niya kayang magwento nang walang kasamang sigaw at tili?

"Ano ba Dessy??? Kanina ka pa huh" sita ko sa kaniya. Tumahimik naman siya at nag peace sign siya sakin. Inirapan ko ulit siya.

"Ok, eto na talaga, siya si Shawn Mikael Leandro ang Mr. Killer Smile ng bayan" panimula niya.

"Mr. Killer Smile??? Masyado namang exaggerated ang pagkakadescribe mo" sabi ko sa kanya.

"Bala ka kung 'di ka maniwala, eh kasi karamihan sa mga taong nakakakitang ngumiti o tumawa siya ay hihimatayin talaga, gusto ko ring ma experience 'yun. Hayyyss. Ano kayang feeling 'pag nakita ang ngiti niya?" nagdaydream na naman siya.

"Para kang baliw diyan Des."

"Ang KJ mo Quera, ahh basta, 'pag nakita ko siya, sasabihin ko talaga na 'Shawn, smile please' tapos ngingitian niya ako tapos bago ako mahihimatay, sisigaw ako ng 'I LOVE YOU MR. KILLER SMILE' KYAAAHHHH!!!"

Tumayo na ako sa sofa dahil 'di na kaya ng tenga ko ang nakakarinding boses ni Dessy. Mukhang tinamaan siya ng ngiting 'yun. Pero kung titingnan lang talaga, maganda talaga ang ngiti niya. HAIST!!!! Antok lang 'yan Quera.

- - -
LadyLangLang

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now