Chapter 21

62 11 0
                                    

Chapter 21

SHAWN's POV

"Excited na ako!!!"

Konti nalang talaga tatapalan ko na ang bibig ng katabi kong 'to. Paano ba naman, kanina pa paulit-ulit ang sinasabi niya.

Nandito na kami dito sa gate ng school. Time Check 6:15 AM. 7:00 AM ang trip namin kaya habang maaga pa ay nasa labas na kami ng school at hinihintay ang service bus na sasakyan namin.

Sa totoo lang ay inaantok pa ako sa mga oras na 'to. At isa pang dahilan ay 'di ko feel ang pagsama ko rito sa trip.

It feels like something bad is happening.

'Yun ang dahilan kung bakit inaantok ako. 'Di ako nakatulog sa kaiisip ng kung anong mangyayari sa field trip na 'to.

Pero nandito na lang rin ako, might as well na mag-ingat na lang ako.

Sana walang masamang mangyari.

"Excited na talaga ako"

Inis kong binalingan ng tingin ang katabi kong si Aze na 'di mapakali sa bench na inuupuan namin.

"Isa pang 'excited na talaga ako' mo Aze matatamaan ka na sa 'kin" alanganin naman siyang ngumiti at nagpeace sign sa 'kin.

"Hehehe. Peace! Pero kasi excited na talaga ako eh" bago pa dumapo ang kamay ko para batukan siya ay mabalis na siyang nakatayo at tumakbo palayo sa akin.

Mabuti naman at umalis na ang asungot. Binalik ko ang tingin ko sa kalsada at nakiisa sa mga kaklase ko na nag-aabang sa service bus.

Maya - maya lang ay may naramdaman akong nakaupo sa tabi ko. Mukhang nakabalik na si Aze.

Pero 'yun ang akala ko. Hindi pala si Aze.

"Mag-ingat ka. Mag-ingat sila. Mag-ingat kayo. Pigilan mo" dali-dali kong nilingon ang katabi ko pero wala na siya sa tabi ko, ang bilis niyang kumilos. Sa halip ay iba ang nakita ko.

Si Quera habang nakikipag high five at nakipag-usap sa isang lalaki.

Possible bang siya 'yung nagsalita sa tabi ko?

Natigil ako sa pag-iisip kasi biglang nagvibrate ang phone ko.

From: IV of AZE

Hehehe. Shawn. I'm so really exciting.

Pinipigilan ko ang sarili kong wag matawa sa message niya. Magtetext na nga lang wrong grammar pa.

Sinakyan ko nalang ang trip niyang wrong grammar.

To: IV of AZE

G*GO. WrOng gRammIng k. Bmlik k n d t2. Mlpit ng mag 7.

'Di ko na hinintay ang reply niya. Sakto namang paglagay ko ng phone ko sa bulsa ko ay siya namang pag-upo ni Quera sa tabi ko. Mukhang tapos na silang mag-usap.

"Good morning Shawn" bati niya.

"Morning din" sagot ko.

Napatingin ako sa pinanggalingan niya kanina at nagbabakasakaling makita ko pa 'yung kausap niya.

"Sinong hinahanap mo?" Nabaling ang tingin ko kay Quera na seryosong nakatingin sa akin.

"Ahh wala naman" sagot ko.

"Okay"

Natahimik na kaming dalawa ni Quera pagkatapos nun. Wala naman kasing dapat pag-usapan- - -

Meron pala. Nahihiya lang akong magtanong. Pero kakapalan ko na.

"Quera" tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin.

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon