Chapter 31

47 11 0
                                    

Chapter 31

THIRD PERSON's POV

Pagkarating nila sa bahay ay agad na nagdabog siyang umupo sa sofa ng sala nila habang nakasimangot na nakatingin sa Mommy niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa umupo ito sa harap niya at tiningnan siya nang mapanuri.

"Why did you do that to Shawn, mom? You're being rude to him" sabi niya sa Mom niya. Napabuntong hininga naman ang Mommy niya at tiningnan ang anak.

Bigla niyang naalala ang ginawa niyang pananaliksik sa kung sinong 'Mr. Killer Smile' ang tinutukoy ni Quera noong nasa States pa siya.

Napag-alaman niyang ito ay si Shawn dahil na rin sikat siya sa Pilipinas bilang modelo at sa bansag nito na Mr. Killer Smile. Napag-alaman din niyang nagquit na ito sa pagmomodel. Naging madali rin sa kaniya ang pagkilala nito dahil ipinakita ni Ferdinand Suarez ang kwarto ni Dessy sa kanya ng makabalik siya sa Pilipinas kaninang umaga.

Ang mga tauhan ni Ferdinand ang sumundo sa kanya kasi matalik silang magkaibigan kaya dun siya dumiretso bago umuwi sa bahay nila.

At sa wakas ay nakilala na niya ang dahilan kung bakit nagkaganun si Quera sa States. Batid niyang may gusto ang anak niya kay Shawn. Hindi naman sa pinagbabawalan niyang magkagusto ang anak. Ang sa kanya lang ay hindi dapat si Shawn ang lalaking 'yun.

"Mom!" Tawag ni Quera sa Mommy niya nang mapansin niyang naging tulala ito. Napabalik naman ang tingin ni Maam Kiara sa kaniyang anak.

"Quera, you need to stay away from that guy" seryosong sabi niya. Napakunot naman ang noo ni Quera sa sinabi ng mommy niya.

"But why? Shawn is a nice guy Mom. Please don't judge him. Ngayon mo pa lang siya nakilala" hindi nagpatinag si Quera.

Napabuntong hininga ulit ang mommy niya at hindi alam kung paano ipapaliwanag sa anak ang koneksyon nila ni Shawn sa isa't isa.

"Why are you defending that guy Quera? Do you like him?" Napalaki ang mata ni Quera ng itanong 'yun ng Mommy niya.

"Of course - - -" not. Hindi niya madugtong ang salitang 'not' kasi maski siya ay 'di alam ang sagot sa tanong na 'yun.

Oo, alam niya sa sarili niya na magaan ang pakiramdam niya sa tuwing kasama si Shawn. Minsan na rin niyang napapansin ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya kapag kasama si Shawn, pero hindi niya alam kung pagkagusto na ba 'yun.

"You can't love nor like him" seryosong sabi ng mommy niya.

"But why?!" Medyo napasigaw si Quera sa pagtanong.

"It's because he's connected on what is happening to you now!!"

Nagulat at nagtaka si Quera sa naging sagot ng Mommy niya. Hindi niya alam kung anong koneksyon ang tinutukoy ng mommy niya na meron sila ni Shawn para ganun na lang makaasta ang mommy niya.

"Connected? Me and Shawn? How?" Tanong ni Quera pero wala siyang natanggap na sagot.

Umiwas lang ng tingin ang mommy niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Si Quera naman ay pilit na hinuhuli ang tingin ng mommy niya.

"Please Quera, enough. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan"

Napabuntong hininga si Quera at napasandal sa sofa. Suko na siya sa pamimilit sa mommy niya na mukhang wala talagang planong sagutin ang mga katanungang bumabagabag sa isipan niya.

"By the way Quera, Rackie is with me" bahagyang nagulat si Quera at bakas sa mukha ang excitement habang kumikislap ang mga mata sa tuwa.

"Rackie who? My sister or Rackie my - - -"

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now