Chapter 35

52 12 0
                                    

Chapter 35

SHAWN's POV

"Mom please, stop crying. Papunta na nga tayo kay Aze. Please, I don't want to see you crying" binalingan ko si Yena sa backseat na katabi si E.L. at pinapatahan din niya. "You too Yena, stop crying. Hindi naman patay si Aze! Masamang damo kaya 'yun, makikita niyo. Pagdating natin sa hospital, tatawanan tayo 'nun. Kaya tumigil na kayo sa kaiiyak" ilang beses ko ng paulit-ulit na sinasabi na tumigil na sila sa kaiiyak. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagdadrive.

"Eh ikaw kuya, *sniff*. Bakit ka umiiyak?" Napatingin ako sa salamin at tama nga si Yena, may luha ngang lumalandas sa pisngi ko. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hindi ako umiiyak. Hindi dapat iniiyakan ang taong 'di pa naman namamatay" mariing sabi ko pero kahit anong gawin ko ay pumapasok pa rin sa isip ko ang sinabi ng balitang napanood namin kanina:

"Kapapasok lang na balita. Inambush at pinaulanan ng mga bala ng hindi pa nakikilalang mga lalaking nakaitim ang sasakyan ng senador na si Aquilino Zandro Ermios Jr. Lulan ng sasakyan ang senador, ang kaniyang driver at ang kaniyang apo na si Aquilino Zandro Ermios IV. Sinasabing away pulitika ang motibo ng pamamaril. Ayon sa mga nakasaksi, agad daw na umalis ang mga lalaking naka-itim sakay ng itim na van at mga motorsiklo pero nahabol pa rin sila ng mga pulis. Nasa presento na ang mga nasabing suspek. Makikita niyo sa likuran ko ang sasakyan ng senador. Tumatagos hanggang sa loob ng sasakyan ang mga bala. Sinugod na sa ospital senador at ang kaniyang apo na natagpuang parehong walang malay sa loob ng kotse. Mabuti na lang at may suot na bullet proof vest ang senador kaya wala siyang natamong mga sugat habang ang apo naman niya ay natamaan ng tatlong bala sa likod nito at ang isa bala ay tumagos hanggang sa puso niya at nasa kritikal na kondisyon. Ang driver naman nila ay pinadiretso sa presento para gawing witness. Ito po si Aya Liona, nagbabalita"

Pagkatapos naming marinig ang balita ay agad kaming nagpunta sa pinakamalapit na ospital na pweding pagdalhan kina Aze.

At habang nagdadrive ako, hindi naman maawat sina Mom at Yena sa kakaiyak nila. Mas tinuunan ko na lang ang pagdadrive ko hanggang sa dumating kami sa ospital.

"Mom, nandito na tayo" sabi ko kay Mom.

"Sigurado ka bang nandito si Aze, Shawn?" Tanong ni Mom.

"Hindi ako sigurado, pero kailangang nating i che- - -" bago pa matapos ang sasabihin ko, biglang nagsalita si E.L.

"Nandito siya, sigurado ako" tiningnan siya nang nagtataka ni Mom at ni Yena habang ako ay 'di na nagtaka kung paano niya nalaman 'yun.

"Just trust me" seryosong sabi niya. Tumango naman sina Mom at Yena.

"Mom, mauna na kayo. Ipapark ko lang ang kotse"

Pagkababa nilang dalawa sa kotse ay agad kong niliko ang kotse ko papunta sa parking lot pero wala pa yatang isang segundo, nagsalita na naman ang elimsting nasa back seat.

"Nandito na tayo" pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa parking lot na kami.

"Paanong - - -"

"Magic"

"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI NA KAYA PALA NG MAGIC MO NA MAGPATELEPORT NG BAGAY?!!!" sigaw ko sa kaniya. Eh 'di sana kanina pa kami nakarating dito sa ospital nang walang kahirap-hirap.

"Baka makita ng pamilya mo" hinawakan niya ang kamay at flinick niya 'yung daliri at nasa gilid na kami ng nurse station. Mabuti na lang at walang tao at may kausap pa ang nurse sa station kaya 'di niya kami napansing biglang lumitaw.

"Tanungin mo na" sabi ni E.L. Pumunta ako sa harap ng station at hinarap ang nurse.

"Miss, may dinala ba ritong Aquilino Zandro Ermios IV?" nanlaki naman ang mata ng nurse nung tumingin siya sa akin. Sh*t naman oh. Ang tagal namang sabihin.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now