Chapter 4

138 23 2
                                    

CHAPTER 4

AZE'S POV

Hi guys! I'm Aze, ang dakilang pogi- - -

"AQUILINO ZANDRO EMERIOS IV!!!!"

"Sabing 'wag mong kumpletuhin ang pangalan ko eh" binalingan ko ng tingin 'tong babaeng masungit na nasa tabi ko na kanina pa tinatawag ang panagalan ko.

"Eh kasi naman kanina pa kita tinatawag 'di ka naman nakikinig" nagcross arms pa siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ano ba kasing problema mo at kanina mo pa ako tinatawag?" tanong ko sa kanya.

"I just need your opinion and your advice" parang ang seryoso niya ata ngayon ha. Hindi ako sanay. Mas sanay pa akong sinasabunutan niya ako at sinisigawan.

"Hoy. Ang seryoso mo ata ngayon ah. 'Di ako sanay. Masamang espirito na sumasanib kay Shai - - -" agad niyang tinakwil ang kamay kong nakatutuok sa ulo niya.

"Hey. What do you think about me? Being possessed?" nakataas na naman po ang kilay.

"'Yan. Bumalik ka na rin. Sayang, pasasalamatan ko pa sana 'yung espirito eh- - - ARAY KO!!! Ba't mo naman ako binatukan?" sigaw ko sa kaniya.

"You're not taking me seriously kasi eh" roll eyes niyang sabi sa 'kin

"'Di kasi ako sanay na nagseseryoso ka" sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya at nag-iwas ng tingin sakin.

"May problema ba Shai?" tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya bago tumingin ulit sa'kin.

Hindi siya sumagot. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagchi-chick hunting sa loob at labas ng coffee shop na nasa park. Yung park na pinuntahan namin dati 'nung may mga babae na nagpapapicture kay Shawn. May dumaan na babaeng naka off shoulder dress sa harap ng table namin.

"Hi Miss. Can I get your adder- - - I mean your number?" nag wink ako sa kaniya at nginitian ng isang heaven smile. Kung may killer smile si Shawn na kayang pahimatayin ang mga babae, ako naman, kayang iparamdam sa mga girls ang feeling ng nasa heaven.

"Am I in heaven?" tanong ng babae at lumapit pa sa table namin. 'Yun oh!

"Yes baby, cause I'm an angel. A sexy angel" tinataas-taas ko pa ang kilay ko.

"Sexy angel huh? Mr. Heaven Boy, here's my number 0934- - - OH NO. MY DRESS!!! WHY DID YOU THAT???" sigaw ng babae na naging kulay brown na ang kulay puting dress niya.

"Opps!!! My bad, my cup just slipped from my hand!!!" ngumiti nang mapang-asar si Shai kay off shoulder girl. Owwww. I smell something war.

"You bit- - -"pinutol ni Shai ang sasabihin niya.

"Stop flirting with my boyfriend if you don't want to mess with a bitch like me" taas-noong sabi ni Shai at naka cross arms na kausap 'yung babae.

"WHATEVER!!!" mabilis na lumabas sa coffee yung babae at dun na ako humagalpak ng tawa.

"BWAHAHAHAHA. Grabe, ang astig ng ginawa mo kanina Shai" pinagtinginan na ako ng ibang mga tao sa loob ng coffee shop, pero 'di ko sila pinansin.

"Whatever Aze. I hate you!" sabi niya na inirapan lang ako. May problema talaga ang babaeng to.

"But you've hated me since were kids" nginitian ko siya nang mapang-asar.

"'Di mo kasi sineseryoso ang mga sinasabi ko sayo ngayon eh" muntik ko ng makalimutan. May sasabihin nga pala siya sa 'kin.

"Oo nga pala, ano nga pa lang sasabihin mo at kailangan mo ng opinion at advice galing sa gwapong tulad ko?"

"Ayoko ng sabihin. Some other time na lang" sabi niya at bumuntong- hininga ulit.

Mr. Killer Smile (√)Onde histórias criam vida. Descubra agora