Chapter 29

39 13 0
                                    

Chapter 29

THIRD PERSON's POV

Lulan ng sasakyan sina Mr. Suarez, ang driver nito at si Quera. Papunta na sila sa mansyon ng mga Suarez.

Nasa backseat silang dalawa at bakas sa mukha ni Quera ang pagkailang habang katabi ang ginoo. Mukhang napansin naman ito ni Mr. Suarez kaya kinausap niya ito.

"Okay ka lang ba Quera?" Tanong ni Mr. Suarez. Lumingon naman si Quera sa kaniya at marahang tumango.

"Okay lang po ako Tito Ferdinand" sagot niya.

"Oh I almost forgot." Biglang sabi ni Mr. Suarez at may kinuha sa case nito. Isang pink na cellphone na may kaunting basag.

Iniopen niya ito sa pamamagitan ng paguhit ng letter 'S' na pattern na ito tsaka binigay kay Quera.

"Heto" Taka namang tinanggap ito ni Quera.

"Aanhin ko po itong cellphone?" Tanong niya sabay bahagyang angat ng cellphone na hawak niya.

"Cellphone 'yan ni Dessy. Labis kong inangatan 'yan para magsilbing ala-ala niya, pwedi mong tingnan ang ilang files niya diyan. May pictures din kayo diyan" sagot ni Mr. Suarez.

Dahil sa kuryusidad ay nagpunta sa Gallery si Quera. Malalaman na rin niya ang malapit na koneksyon nilang dalawa ni Dessy.

Makikita sa ang album na may pangalang 'With my Bessy💖' at nasa higit 500+ ang pictures nilang dalawa.

Binuksan niya ito at sa 'di inaasahan ay napangiti siya sa kaniyang nakita. Nararamdaman talaga niyang malapit siya kay Dessy.

Simula pagkabata ay may picture silang dalawa. Mayroong nasa playground, sa church, sa plaza, sa kwarto at kung saan-saang lugar pa, maski nga sa ibang bansa.

"Ang ganda pala niya" nasambit nalang niya. Dinig naman ang mahinang pagtawa ni Mr. Suarez.

"Oo naman, may pinagmanahan eh" sabi nito at pareho silang natawa ni Quera.

Saglit lang 'yun dahil biglang nagsalita si Mr. Suarez.

"Namimiss ko na ang anak ko" bakas sa boses at sa mukha nito ang pangungulila sa kanyang unica hija, nakaramdam din si Quera ng lungkot.

"A-ano po ba ang ikinamatay niya?" 'Di mapigilang tanong ni Quera.

"Nasagasaan siya" simpleng sagot ni Mr. Suarez. 'Di na muling nagtanong si Quera dahil pakiramdam niya ay 'di gustong pag-usapan ni Mr. Suarez ang tungkol sa namayapa niyang anak.

Yumuko na lang si Quera at pinagpatuloy ang pagtingin sa loob ng gallery.

May napansin siyang album na may title na 'Idol of Mine💗'

Bakit pakiramdam niya ay may something sa album na 'yun?

'Di niya masyadong klaro ang mga pictures kasi 'di pa niya klinick ang album at gumagalaw ang sasakyan kaya nahihirapan siyang tingnan ang picture dito.

Nang akmang ikiclick niya ito ay biglang nagsalita ang driver.

"Nandito na po tayo Sir" dumating na sila sa bahay nina Mr. Suarez kaya 'di na siya nakakuha ng pagkakataon para tingnan ang laman ng album na 'yun. Binulsa na lang niya ang cellphone ni Dessy.

"Let's go inside Quera" sabi ni Mr. Suarez. Tumango lang si Quera. Pinagbuksan sila ng driver nito at sumunod siya kay Mr. Suarez papasok sa loob ng mansyon.

Sumalubong sa kanila ang nakalinyang mga maid at guards sabay-sabay nila silang binati.

"Good Afternoon Sir Ferdinand, Good Afternoon Maam Quera" bati nila.

Mr. Killer Smile (√)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang