Chapter 15

71 14 0
                                    

Chapter 15

SHAWN's POV

"Shawn..."

"Bakit ba Aze? Anong problema mo?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Pasuntok ng isa" seryosong saad niya.

"Teka!! An- - -" bago pa ako makaangal ay nasuntok na niya ako.

*BOGGSSH*

Akala ko pa naman magcoconfess 'to. Nakakasuka lang.

"Hayy salamat. Nakuntento na rin ang kamao ko" hinihipan pa niya ang kamao niya at pinahid sa uniform- - - teka uniform?

Haysst. Nakalimutan ko pa lang pasukan na.

"What was that for? Why did you punch me?" Sabi ko na hawak ang panga ko.

Nagalaw yata ang mga buto ko.

"Para matauhan ka"

"Matauhan saan?"

"Bakit ka ba kasi nagkukukulong dito sa kwarto mo? Ayaw mo ng lumabas? 'Di ka ba papasok sa school?"

"Online schooling ako Aze. Baka nakalimutan mo?" Napangisi naman siya sa sinabi mo.

"Hindi pa ako matanda para kalimutan yun. Ang akin lang, what's the point of online schooling kung nagquit ka na naman sa career mo. Time for you to go to a real school. Almost three  years ka ring online  schooling. 'Di ka ba nagsasawa sa kapipindot ng computer mo?"

Sabagay naman, may point siya. Pero kasi 'di pa ako ready.

"'Di pa ako ready pumasok sa school, sa totoong school"

"Anong hindi ready? Two weeks na since nagstart ng class at 1 week na since nagquit ka, pinagsisihan ko tuloy kung bakit ako umabsent sa araw na 'yun kung ganun lang din ang i-a-announce mo. Tsk tsk tsk" napailing pa siya. It's his fault afterall. Nagpumilit siyang sumama eh.

"Anyways. Sapat na 'yun para mag- isip ka" saad nito habang may pinipindot sa phone niya.

"I don't know. Pag-iisipan ko pa. Tatanungin ko rin ang parents ko"

"Hmm. Yeah yeah I love you too. See you- - -"

"NAKIKINIG KA BA AZE?!!!" Sigaw ko sa kanya dahilan para magulat siya at mabitawan ang phone niya.

"F*ck Shawn!!! Pagnasira tong Vivo ko. Pagbabayaran mo talaga"

Pinulot niya ang phone niya at hinihipan.

Baliw lang.

"'Di ka kasi nakikinig eh. May gana ka pang pumunta rito para sermonan ako. Tapos 'di ka rin makikinig. Ayos ka rin eh" ako naman ngayon ang nanenermon sa kaniya.

"Hehehe. Sorry na. Ikaw kasi eh. O sya, aalis na ako." Tumayo na siya at inayos ang backpack niya.

"'Wag ka ng bumalik"

"You're so mean talaga. Bye. May assignment pa ako eh"

"Assignment mo mukha mo. Assignment mambabae"

Natawa naman siya sa sinabi ko. Baliw nga 'to.

"Good boy 'to promise." May pataas pa siya ng KALIWANG kamay. Promise nga talaga.

Naglakad na siya patungo sa pinto. Hinawakan na niya ang door knob pero bago niya buksan ay lumingon siya sa 'kin at ngumiti.

"I'm looking forward to be your classmate again Shawn. Bye"

Sinarado na niya ang pinto at iniwan ako.

Napailing na lang ako at ngumiti na kanina ko pa pinipigilan.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now