Chapter 11

83 15 2
                                    

Chapter 11

SHAWN's POV

Pagbibigyan ko ba siya?

Panaginip lang naman 'yun eh.

'Di naman siguro 'yun totoo.

"Oo naman, ngiti ko lang naman pala eh" sabi ko sa kanya at pinakita ang aking signature killer smile.

"Nice. Ganyan ka lang pipicturan kita"

Kinuha niya ang cellphone niya at pinicturan ako na nakangiti.

At nagpicture rin kaming dalawa.

"Nice. Thank you Shawn"

"You're welcome Shai"

"So I have to. I have an hour before my flight. Dumaan lang ako rito para makausap ka at ibigay 'yung album ng BTS kay Yena"

"There it goes again the Banatan Boys"

"Bangtan Boys nga kasi 'yun" natatawang sabi niya.

"Whatever. Mas gwapo naman ako dun" sabi ko.

"Hahaha. I agree" sabi niya na natatawa, ngumiti naman ako.

Mamimiss ko ang mga ngiti niya.

'Di ko akalaing 'di kami magkikita nang ilang taon.

"I have to go" sabi niya at tsaka tumayo.

"Gusto mong ihatid kita?"

"No thanks. My driver's outside. See you soon Shawn"

"See you soon my Shai" ngiting sabi ko sa kanya.

"Yeah. Bye" tumalikod na siya sa 'kin pero agad kong hinawakan ang braso niya at hinarap siya sa kin at hinalikan ko ang noo niya.

"Take care" bulong ko sa kanya.

"I well. Bye na talaga 'to  for real. Baka 'di matapos 'tong pagpapaalaman natin eh"

Agad na siyang humiwalay sa 'kin at kumaway na sakin. Kumaway na rin ako.

"Have a safe trip"

At sana 'di magkatotoo 'yung panaginip ko.

***

QUERA's POV

One week had passed since the accident and this day is the burial of Dessy.

For the passing days nanatili lang akong nakatulala sa kabaong niya. Walang maayos na tulog at kain.

Wala akong ibang ginawa kundi ang  maupo sa sala at titigan ang kabaong niya. Kahit lumipas ang buong magdamag ay hindi ako umaalis, maliban na lang kung importante.

Busy naman si Tito sa pag entertain ng mga bisita.

Dumating din ang ibang mga kaibigan ni Dessy kagaya ng mga classmates niya at schoolmates.

At ngayon ang araw ang libing niya. Nandito na kami sa isang private na memorial park.

Oras na para magdeliver ng eulogy. Una na si tito at sumunod na ang ilang relatives at close friends ni Dessy. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak.

Hanggang ngayon pa rin kasi ay 'di ko pa rin matanggap na wala na ang kaibigan ko.

Noong tinawag ako para mag eulogy ay marahan lang akong umiling. Alam ko kasing sa sandaling nasa harap na ako ay wala akong masabi at tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin.

*

Ako ang kahuli-hulihang naglagay ng white rose sa coffin ni Dessy.

"Isusumpa ko. Magbabayad ang Shawn na 'yun sa ginagawa niya sa 'yo. 'Di ako titigil. He'll pay for it. I will not forgive him"

Mr. Killer Smile (√)Kde žijí příběhy. Začni objevovat