Chapter 16

69 13 1
                                    

Chapter 16

SHAWN's POV

Another day passed at balita na sa buong school ang nangyare kahapon. Nakuha na rin ang bangkay nung lalaki kahapon ng hapon at ngayon ay iniimbestigahan na ng mga pulis. At ngayon ay nasa principal's office sila para manghingi ng impormasyon tungkol sa biktima at naghahanap din sila ng witness.

Walo lang kaming may alam sa nangyare.

'Yung lima humahabol sa kanya.

'Yung lalaking naghagis ng flashdrive.

'Yung babaeng nakausap ko.

At ang killer...... Ako

*tok tok tok*

Napatigil ako sa pag-iisip at pagdidiscuss ang teacher namin ng may kumatok na estudyante sa room namin.

"Excuse me Maam"

"Yes?"

"Pinapatawag po si Mr. Leandro sa principal's office" narinig kong sabi nung lalaki. Binaling ng teacher ang tingin niya sakin.

Bigla akong kinabahan.

"Mr. Leandro. Please proceed to the principal's office"

"Yes Maam" agad akong tumayo at handa ng maglakad ng kinulbit ako ni Aze.

"Bakit?"

"Shawn. Anong kasalanan mo? Nang rape ka ba?" Anong klaseng tanong 'yun???

"G*go. 'Wag mo akong itulad sa 'yo. Diyan ka na nga" agad akong naglakad palabas at dumiretso sa principal's office.

Kumatok ako at binuksan ito ng...


















Pulis.

"Pumasok ka"

Kinabahan man ay pumasok ako sa loob at nadatnan ko pa 'dun ang tatlo pang mga pulis at 'yung babaeng nakausap ko kahapon.

Pagkakita niya sa 'kin ay agad niya akong sinamaan ng tingin at tinuro.

"Siya po yung nakita ko sa hagdanan patungong 5th floor"

"Sigurado ka ba Miss?"

'Di niya inalis ang masama niyang tingin sa akin.

"Oo. Kaya malinaw na siya ang tumulak sa kaklase ko" kaklase niya pala yung lalaking namatay.

Tiningnan ako ng isang pulis.

"May sasabihin ka ba Mr. Leandro?"

"Wala akong kasalanan. Hindi ako ang nagtulak sa kanya sa hagdan" kahit ako ang indirect killer.

"Eh 'yung mga pasa niya sa mukha. Paano mo mapapaliwanag 'yun?"

"Hindi nga ako ang may gawa 'nun. At isa pa, ni hindi ko nga kilala 'yung lalaking 'yun, may mga humahabol sa kanya na limang lalaki. At tsaka Miss, kahapon mo pa ako binagbibintangan. Wala ka namang ibidensya" agad naman siyang natigilan at nanlaki ang mata.

"Sino pa bang ibang pagbibintangan at tsaka 'di na kailangan ng ibidensiya"

Dahil sa 'di maawat na sagutan namin 'nung babae ay pinatahimik kami ng principal.

"You two, please calm down. Mr. Salazar, papano ba natin malulutas 'to?" Tanong ni Mr. Principal sa isang pulis.

"Ang kailangan lang natin ay witness na nakakita sa totoong nangyare at ibidensya na ipapakita"

EL: Ito ang ipakita mo. :)

Naalala ko 'yung flashdrive. Ito na ba 'yung tinutukoy sa note na ipakita ko 'yun?

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon