Chapter 19

54 11 1
                                    

Chapter 19

SHAWN's POV

Nandito na naman ako? Bakit na naman? At paano naman ako napadpad dito?

Ahh. Alam ko na.

I'm dreaming again- - - or should I say that she wants to see me that's why we are doing vice versa way.

She, visiting my dream and me visiting their world.

At oo tama ang basa niyo, nandito na naman ako sa Elimstic World.

Nasa malawak at mahabang pasilyo na naman ako patungo sa kung nasan ang silid tanggapan ni Lady Ngiti. 'Di parin ako nagsasawang tingnan ang mga nadadaan ko, ang mga ginto at diyamante na masarap sanang nakawin- - - kidding.

But seriously, nakakamangha talaga pagmasdan. Parang gusto mong nakawin kasi naman, kung ang nagbabantay na Elimsty naman sa mga ito ay puro nakangiti at 'di mo makikitaan ng tapang sa mukha lahat na lang gusto itong kunin.

Pero I will never be a theif.

Hayss. What am I thinking? Nawawala na ako sa topic.

Sa sobrang pag-iisip ko ay 'di ko na namalayan na nasa malaking pinto na ako.

It was guarded by two boy elimsties na may hawak na mga sibat na kulay gray, napansin ko nga rin na ang tulis ng dulo 'nun. Mukhang kahit konting hawak mo lang sa dulo 'nun ay msusugatan ka na agad.

Binalingan ko silang dalawa na may tinitingnan sa isang papel na punit punit ang mga gilid pero para kung titingnan ay parang design lang 'to.

"Siya na ba 'yan?" Narinig kong sabi ng isang elimsty sa katabi niya.

"Mabuti pa ay tanungin natin" saad ng isa at tumango naman 'yung kasama niya.

Umayos sila ng tayo at tumingin sa 'kin at hinarap sa kin ang hawak nilang papel.

WHAT THE- - - Is that a stick figure??? Halata masyadong hindi marunong magdrawing ang gumawa 'nun.

Nakakatawa talaga ang itsura. Parang drawing ng day care.

Magrereact sana ako kaya lang naunahan na ako sa pagsasalita.

"Ikaw to 'di ba?" Seryosong tanong ni Elimsty 1 sa 'kin.

Tumaas naman ang isang kilay ko sa tanong niya.

Seriously??? Tinanong niya ako kung ako ba 'yung nasa drawing???

"Are you kidding me? Do find my face that ugly?" Tinuro ko 'yung drawing. "At hindi naman ako payatot nuh at tsaka, sa gwapo kong 'to icocompare niyo ako sa pangit na stick figure na 'yan? Hindi  niyo ba alam na sa mundo namin ay pinagkaka- - -" naputol ang litanya ko kasi sumabat sj Elimsty 2.

"Siya na nga 'yung hinihintay ni Lady Ngiti, wala namang ibang hinihintay na panauhing tao si Lady Ngiti bukod sa pangit na 'to" sabi niya sa kasama niya. Kung makapagsalita 'tong matulis na tenga na Elimsty na to, akala mo kung sino, parang wala ako sa harap nila.

"Mabuti pa ay buksan na natin ang pinto ng silid ni Lady Ngiti" lumapit sila sa pintuan at nagsasalita ng hindi ko maintindihan na lenggwahe. Elimsty language. Para silang bumibigkas ng ritwal.

Dati naman na nagpunta ako dito ay wala pang bantay.

Tss. Mga pauso ni Lady Ngiti.

Nakita ko na lang na sa gitna ng pinto ay may lumabas na glitters na nagtulak nito papasok para mabuksan ang napakalaking pinto. Nang mabuksan na ito ng maayos ay biglang nawala ang glitters.

Wow. Ang astig nun.

"Maaari ka ng pumasok tao" Nabalik ang tingin ko sa dalawang Elimsties sa harap ko at inaksyon na papasukin na ako sa loob.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now