Chapter 38

37 9 0
                                    

Chapter 38

SHAWN's POV

Dahan-dahan kong nilagay si Quera sa bed at agad naman siyang sinuri ng school doctor.

"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Dr. Liado sa akin.

"Bigla na lang pong sumakit ang ulo niya at nawalan na siya ng malay"

Sinuri niya ang heart ni Quera gamit ang stethoscope niya at inilawan din niya ang mga mata ni Quera.

Ganoon ba kalala ang kondisyon niya?

Humarap sa akin si Dr. Liado at tinanggal ang stethoscope na nasa tainga niya.

"I must say na hindi basta-basta ang nangyaring pagkawala ng malay niya. I need to talk to her parents to confirm my thoughts. Can you call her parents?"

Sa pagkakaalam ko Mommy lang niya ang kasama niya sa bahay nila. 'Yun nga lang wala akong number niya.

"I'll try doc"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number sa bahay.

("Leandro's Residence. Who is this?")

"Mom! Si Shawn 'to"

("Oh Shawn. Bakit ka napatawag? May naiwan ka ba?"

"No Mom. Mom, can you do me a favor?"

("What is it?")

"Pwedi po bang puntahan niyo ang bahay nina Quera at papuntahin dito ang mommy niya?"

("Sure. But can I ask why?")

"Si Quera kasi biglang hinimatay but don't worry, she's already fine, she's here in the clinic. The doctor only want to talk to her parents."

("Oh sure. Papunta na ako ngayon. Bantayan mo muna si Quera diyan at huwag kang aalis diyan sa clinic.")

"Yes Mom. Bye"

Tinapos ko na ang tawag at  hinarap si Dr. Liado na may sinusulat sa isang papel.

"Doc, papunta na po ang mommy ni Quera" sabi ko sa kaniya at tumango lang siya.

"Thank you Shawn"

"You're welcome po doc"

Nilapitan ko ang higaan ni Quera at hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatabon sa mukha niya.

"Shawn, okay lang ba kung dumito ka muna? Pupunta muna ako sa kabilang room para kumuha ng mga gamot. Pwedi ka ng umalis kapag nakabalik na ako" paalam sa akin ni Dr. Liado.

"Sure po Doc"

Paglakabas niya sa clinic ay hinarap ko ulit si Quera. Umupo ako sa mono block na nasa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong hinawakan ang likod ng palad niya.

"Quera, sorry. Seems like I really don't deserve your forgiveness. Might as well accept my fate to forever carry this curse. I just wanna tell you that I don't blame you for all these happenings in my life. Instead, I was very happy to met you because I got a chance again to face the feeling of love. I know that I already said I like you before but for now let me tell you that I love you" hinalikan ko ang likod ng palad  niya at idinikit ito sa pisngi ko. Hinayaan ko lang na maglandas ang mga luha ko sa pisngi ko at wala akong pakialam kong makita niya akong umiiyak kapag nagising siya. "I hate myself for hurting your feelings. If you can't really forgive me, I understand" hinalikan ko ulit ang likod ng kamay niya nang mas matagal na parang 'yun na ang huling beses na magagawa ko 'yun sa buong buhay ko.

"Where's my daughter? - - - What are you doing here?" napalingon ako sa tanggapan ni Dr. Liado at nakita ko roon ang mommy ni Quera. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Quera at tumayo. Humarap ako sa mommy ni Quera at nilapitan siya.

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon