Chapter 25

47 12 0
                                    

LangLang's Note: Nasa taas 'yung death sign.

Chapter 25

SHAWN's POV

What E.L. said still bothers me and I already decide to tell Quera all my thoughts. My curse.

Pero ang pinoproblema ko ay ang sinabi ni Lady Ngiti na kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa aksidente, magkakagulo ang lahat.

Bakit kasi ang dami pang paligoy- ligoy? Bakit 'di na lang kasi halikan para matapos na? ('Wag advance mag-isip, napanood ko lang sa mga KDramang pinapanood ni Yena)

Nakaharap ako sa salamin at pinapractice kung papano ko sasabihin kay Quera.

"Quera, sorry. Ako dahilan ng pagkamatay ng kaibigan mo........ Ahh hindi, masyadong straight forward. Baka mabigla siya"

"Quera, sinumpa ako.... Baka pagtawanan lang ako 'nun"

"Quera, may killer smile ako........ 'Di niya paniniwalaan 'yun"

Inis na ginulo ko ang buhok ko at umupo sa kama ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko?

Pinoproblema ko pa ang pagkawala ng memorya niya. Sa oras na sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa aksidente, magfifreak out siya. Mas lalong magiging mahirap na patawarin niya ako.

*tok tok tok*

Napaangat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto.

"Sino 'yan?"

"Kuya, si Yena 'to, may bisita ka!" Sabi ni Yena na nasa labas.

"Sino?" Wala naman akong inaasahang bisita. At kung si Aze naman ay 'di na naman 'yun kumatok, didiretso 'yun papasok.

"Kaibigan mo raw, E.L. ang pangalan. Buksan mo na lang 'tong pinto, nasa likod ko lang siya eh"

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama ko at pumunta sa pinto at binuksan ito.

Pero hindi si Yena ang bumungad sa 'kin.

"Anong ginagawa ng isang elimsty dito?"

"Bagong paraan ng pagbati ng magandang umaga, tao?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Ano bang ginagawa mo rito Laqarios" sinadya ko talagang tawagin siya sa pangalan niya para asarin siya.

"At dahil tinawag mo akong Laqarios, papasok ako sa kwarto mo"

Bigla na lang niyang inisnap ang daliri niya at bigla na lang lumitaw ang iba't ibang kulay ng glitters.

Pasaway talaga ang elimsty na 'yun. Nagkalat pa.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Nandito na ako sa sofa mo tao"

Inis kong sinarado ang pinto at hinarap ang nakadekwatrong upo na elimsty sa sofa ng kwarto ko.

"Anong nagtulak sa 'yo para pumunta dito?"

"Powers ko"

Sinamaan ko siya ng tingin saka siya nagtaas ng dalawang kamay.

"Huminahon ka tao, may ibabalita lang ako sa 'yo"

"And that is?"

"Alam mo ba kung ano ang mangyayari ngayong gabi?"

"Alangan, hindi. Paano ko naman malalaman? Eh wala naman akong kakayahang hulaan ang mangyayari"

Parang narealize naman niya kung ano 'yung sinabi niya.

"Oo nga nuh? Tao kalang pala. My bad" ngumiti naman nang mapang-asar.

"Sabihin mo na nga, nang makaalis ka na" nawawalan talaga ako ng pasensya sa elimsting 'to.

Mr. Killer Smile (√)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu