Chapter 27

42 12 0
                                    

Chapter 27

THIRD PERSON's POV

Sa hallway ng Senior High Department ng hapong iyon ay naglalakad na palabas ng building si Quera.

Sa hindi kalayuan ay patakbo namang lumapit si Aze sa kaniya.

"Quera sandali, hintay!!!" Sigaw ni Aze.

Nagtataka namang lumingon si Quera sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay na dumating sa harap niya si Aze.

Hinihingal naman si Aze ng dumating ito sa harap ni Quera.

"Why Aze? Is there something wrong?" Agad niyang tanong. Pinahupa muna ni Aze ang hingal niya bago sumagot kay Quera.

"Sabay na tayong lumabas" sabi ni Aze, tumango naman si Quera at naglakad na sila papalabas ng school.

Habang naglalakad ay biglang napasigaw si Aze na ikinagulat ni Quera.

"Naalala ko na!!" Aze

"Nakakagulat ka naman. Bigla ka na lang sumigaw. Anong naalala mo?" Tanong ni Quera. Tumingin naman si Aze sa kaniya.

"Yung itatanong ko sa 'yo"

"What is it?"

"Anong ireregalo mo kay Shawn bukas?"

Kumunot naman ang noo ni Quera at takang tiningnan si Aze kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabing regalo na ibibigay kay Shawn.

Napansin naman ni Shawn ang pagtataka sa mukha ni Quera.

"Wait. Don't tell me that you don't know?"

"I don't know what you are talking about. At tsaka, can you get straight to the point? Bakit kailangang bigyan ng regalo si Shawn bukas? Birthday ba niya?"

"Natumpak mo" kasabay ng pagkasabi niya 'nun ay pagpalakpak siya ng isang beses at pagturo kay Quera.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Akala ko kasi alam mo na kaya ko nga natanong kung anong ireregalo mo sa kaniya bukas"

"Oh sige sige, mag-iisip ako ng ireregalo sa kaniya bukas"

Nakalabas na sila sa school at nakaupo lang sa waiting shed.

Habang nakaupo sila ay iniisip naman ni Quera kung ano ang ireregalo niya kay Shawn sa birthday nito.

Hanggang sa may naisip na siyang iregalo. Secret muna. Napatingin siya sa katabi niya na nakangiti habang may tinatype sa cellphone nito. Nang biglang may naisip na itanong si Quera.

"Aze, may tanong lang ako" panimula niya.

"Ano 'yun?"

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Shawn?" Tanong niya. Ibinulsa muna ni Aze ang cellphone niya bago hinarap si Quera.

"Bakit mo natanong?" Tanong ni Aze na may halong pang-aasar.

"Curious lang ako. Huwag mo na ngang bigyan ng malisya. Sagutin mo na lang" nahihiyang sabi ni Quera.

"'Sus defensive... Oo matagal na kaming magkaibigan ni Shawn. Simula pa lang pagkabata. Bukod kasi na malapit ang mga pamilya namin, inaanak rin ako ng mommy niya. Kaya palagi ako sa bahay nila at naging pangalawang bahay ko na 'yun" sabi ni Aze habang nakangiti at inaalala nila ang kabataan nila ni Shawn.

"Paano mo siya madedescribe?"

Napaisip naman si Aze sa tanong ni Quera.

"Masayahin siya. Madali lang siyang pakisamahan kasi mabait siya. Magaan lang ang aura niya at palaging nakangiti. Kaya ayon maraming nagkakagusto sa kaniya. Kaya nga rin siya binansagang 'Mr. Killer Smile' eh. Wait alam mo bang nagmomodel siya?"

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now