Chapter 34

49 11 0
                                    

Chapter 34

SHAWN's POV

"Ang bilis namang nakaalis ni Aze - - - oh sino naman 'tong gwapong binatang 'to?" Tanong ni Mom nang mapansin niya si E.L. sa tabi ko. Nawala ang pagkaseryoso ng mukha ni E.L. at naging palangiti siya kagaya ng dati.

"Naku po Ma'am, no need to mention. By the way Ma'am, ako po si E.L., kaibigan po ako ni Shawn" pagpapakilala niya. Tumalikod na ako sa kanila at bumalik sa sala at umupo sa sofa habang lutang pa rin ang isip ko sa mangyayari kay Aze.

"I didn't know na may iba pa pa lang kaibigan si Shawn bukod kina Shai at Aze" sabi ni Mom.

Muli na naman akong dinalaw ng kaba ng marinig ko ang pangalan ni Aze. The thought of Aze going to die today made my body numb. And daming naglalaro sa isip ko na maaaring dahilan ng pagkamatay niya. At kahit anong pigil ko na hindi na isipin 'yun, babalik at babalik pa rin sa isip ko na mamamatay si Aze, anytime this day.

Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay lang ng balita kung kailan mamamatay si Aze. Kailangan ko itong pigilan kahit pa sinabi ni E.L. na hindi na pwedi dahil nakita ko na ang death sign. Agad - agad akong tumayo at dali-daling naglakad patungo sa pinto pero nang malapit na akong makalabas ay naramdaman kong biglang nanigas ang paa ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Isa lang ang may kayang gawin ito. Nilingon ko si E.L. na nakatingin pa rin kay Mom pero 'yung kamay niya na nasa likod, nakatutok sa akin at nilalabasan ng glitter dusts.

"Ma'am, tapos ko na pong hiwain 'yung mga ingredients" biglang sabi ng isang katulong na lumapit kay Mom.

"Sige babalik na ako sa kusina, at tsaka Thilde, pakivacuum naman 'tong mga glitter dusts dito sa sala" utos ni Mom. Hindi pa rin nila napapansin na hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang paglabas ng powers ni E.L.

"Sige po Ma'am"

"Sige maiwan ko na muna kayo. Shawn, asikasuhin mo 'yang bisita mo" tumango naman ako. Naglakad na si Mom pabalik sa kusina.

Nawalan ako ng balanse ng biglang winala ni E.L. ang powers niya sa akin kaya bigla kong nagalaw ang mga paa ko.

"Ano bang problema mo E.L.? Bakit mo ginawa 'yun?" Sabi ko at dali-daling tumayo.

"Sa labas tayo mag-usap" tugon niya at nauna siyang naglakad palabas at sumunod naman ako hanggang sa makarating kami sa garden.

"Now answer me"

"Ginawa ko lang 'yun para pigilan ka sa gagawin mo. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na hindi mo na mapipigilan ang mangyayari? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabihan ka na rin ni Lady Ngiti na mag-ingat ka sa paggising mo, pero anong ginawa mo? Nagpabaya ka, ngumiti ka. Lahat ng mangyayari ngayon ay dahil sa 'yo." Galit na sabi niya sa akin.

"Oo na! Kasalanan ko na! Kaya nga pupuntahan ko sana si Aze, pero pinigilan mo ako. Palibhasa kasi, hindi mo nararamdaman ang mawalan ng mga kaibigan kaya ganyan ka makaasta" sumbat ko sa kanya. I didn't mean to offend him but all I'm saying is all about my feelings right now.

"Nagkakamali ka Shawn. Masakit din sa akin ang mangyayari ngayon dahil napalapit na ako kay Aze. Pero wala tayong magagawa. Kahit puntahan mo pa siya ngayon, huli na. Patay na siya Shawn"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla ko siyang kinwelyuhan.

"Bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi patay si Aze! Nagkakamali ka E.L.! Hindi pa ngayon ang oras ng pagkamatay ni Aze! Huwag mong pangunahan ang mangyayari E.L. Huwag kang magsinungaling!!!" hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya at tinulak ako.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now