Chapter 32

51 11 0
                                    

Chapter 32

E.L.'s POV

*glitters appear*

"Hola España!!!" Nandito na naman ako. Miss niyo ko? Haha. Pinapagpag ko ang natitirang glitter dusts na natira sa katawan ko at sa damit ko. Bakit pa kasi may lilitaw pa na glitter dusts kapag lumilitaw ako bigla? Pauso ni Lady Ngiti eh.

"Anong pinagsasabi mong España? Nasa Pilipinas ka" napatingin ako sa kanwya. Buti na lang at hindi ko na siya naabutang naka short shorts kagaya ng dating napagawi ako rito.

"Haha. Trip ko lang" napaupo ako sa sofa habang nililibot ang tingin sa kwarto niya. Ang laki ng pinagbago ng kwarto niya. Naging malinis at naging maaliwalas. Wala na 'yung dating naka- - -

"Bakit napadpad ka rito?" Tanong niya at naupo sa kama niya.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Naglakad ako at tumabi sa kanya. Umusog naman siya palayo sa akin, umusog rin ako at tumabi sa kaniya. Umusog pa rin siya kaya ganun rin ang ginawa ko.

Ayaw niya bang katabi ako? Gwapo naman ako eh.

Napansin kong sa kakausog niya, nasa dulo na siya ng kama.

"Ahhh!!!"

Dali-dali akong tumabi sa kanya at agad kong hinapit ang likod niya bago siya bumagsak sa sahig.

Napakapit siya sa leeg ko habang nakapikit. Napatitig ako sa mukha niya. Ang lapit na nito at kunting galaw lang ay makikiss - - -0.0

Sandali lang. Ano nga ba ulit yung tawag dun? Peck or smack? Basta 'yung dampi.

Bigla niya akong tinulak, buti na lang nakasuporta agad ang kamay ko sa kama kaya 'di ako nahulog. Tumakbo siya papunta sa walk in closet niya at sinara ito.

Napahawak ako sa labi ko. Nangyari ba talaga 'yun? Pinakiramdaman ko ang puso ko at sobrang bilis nito.

Talaga naman oh! Sa buong 206 na taong nabubuhay ako, ngayon ko lang 'to naramdaman.

"Hoy bumalik ka rito! Bakit mo ako hinalikan? Ikaw ha, may gusto ka ba sa akin?" Sigaw ko sa kaniya. Alam ko namang nariring niya ako.

"Aksidente lang 'yun!!! Huwag ka ngang advance mag-isip!!" Sigaw rin niya pabalik.

Napangiti ako at naglakad papunta sa walk in closet hanggang sa nakatayo na ako sa harap nito.

"Sus, maang-maangan ka pa. Alam mo bang kaya kitang pasukin diy- - -"

"Oo na lalabas na!" Naghintay pa ako saglit hanggang sa bumukas na ito.

Nang makalabas na siya, agad ko siyang inakbayan.

"Ano ba? bitawan mo nga ako" at dahil nga malakas ako, hindi siya makawala sa akin.

"Huwag ka ng kumawala, alam nating pareho na wala kang lakas eh. Haha. Mabuti pa bumalik na tayo sa pinag-usapan natin kanina"

Iginaya ko siya pabalik sa kama at naupo kaming dalawa.

"Nandito ako para sabihin sa 'yo ang isang importanteng bagay" panimula ko. Nanatili naman siyang tahimik na nakatitig sa akin.

"Malapit na niyang malaman ang katotohanan"

"Gaano kalapit?"

"Mga isang kilometro" sabi kong pabiro kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Joke lang 'yun, ano ka ba naman. Hindi ko alam kung gaano kalapit basta nararamdaman ko na malapit na"

Natahimik siya at napabuntong hininga. Ano naman kaya ang iniisip nito?

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now